0% found this document useful (0 votes)
59 views4 pages

Kompan Project

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
59 views4 pages

Kompan Project

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Fidel Valdez Ramos ( 1928 – 2022 )

Si Fidel Valdez Ramos (18 Marso 1928 – 31 Hulyo 2022) ay ang ikalabing-
12 Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998).

Isinilang siya noong 18 Marso 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay


siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez.

Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong


1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of
Illinois, Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de
Manila.

Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon


leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga
digmaan ng Korea at Vietnam.

Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang inatas ng IMF-World Bank na


programang repormang tinatawag na “Philippines 2000” na naglalayong
baguhin ang ekonomiyang batay sa agrarian tungo sa isang industriyal na
pinapatakbo ng pamilihan.

Pumanaw si Pangulong Fidel Ramos dahil sa COVID 19 omicron variant sa


edad na 94.

Joseph Ejercito Estrada

Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), sa Tondo Manila, siya


ay Ikalabing- 13 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mas kilala bilang
Joseph Ejercito Estrada, at kilala rin sa kanyang palayaw na Erap, ay
politiko at dating aktor na naglingkod bilang ikalabintatlong pangulo ng
Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya ay nahalal na Mayor o Alkalde
ng Maynila noong 13 Mayo 2013.

Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San Juan, senador
at pangalawang pangulo bago naging pangulo ng Pilipinas noong 1998.
Siya ay napatalsik sa pagkapangulo noong 2001 matapos akusahan ng
korupsiyon na humantong sa impeachment at pagpoprotesta ng mga tao
sa tinatawag na “EDSA II”.
.Noong 2010, si Estrada ay tumakbo sa halalan ng pagka-Pangulo at
nagkamit ng ikalawang pinakamataas na boto na 9,487,837 o 26.25% ng
kabuuang boto.

Maria Gloria Macapagal Arroyo

Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal Arroyo ikalabing-14ng pangulo ng


republika ng pilipinas (ipinanganak 5 Abril 1947) sa San Juan, madalas na
tinutukoy ng kanyang mga inisyal na GMA, ay Pilipinong akademiko at
politiko na naglingkod bilang ika-14 na pangulo ng Pilipinas mula 2001
hanggang 2010.

Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong


1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at ilalim-kalihim
(undersecretary) ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga
sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino.

Si Arroyo ay tumakbo at nagwagi sa halalan ng pagka-Pangulo noong


2004 ngunit ang halalang ito ay sinasabing nabahiran ng pandaraya sa
panig ni Arroyo batay sa wiretapped recording ng usapan sa telepono sa
pagitan nina Arroyo at opisyal ng COMELEC na si Garcillano noong
canvassing ng 2004 halalan sa pagkapangulo.

Benigno Simeon Aquino III ( 1960 – 2021 )

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III (Pebrero 8, 1960 – Hunyo 24,


2021) Ikalabing-15 pangulo ng republika ng pilipinas higit na kilalá sa
paláyaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy, ay Pilipinong politiko na
naglingkod bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.

Ipinanganak sa Maynila, natapos ni Aquino ang kaniyang Batsilyer sa


Sining na Dalubhasa sa Ekonomiks mula sa Pamantasang Ateneo de
Manila noong 1981, at sumáma sa kaniyang pamilya nang ipatapon ng
pamahalaang Marcos ang mga ito sa Estados Unidos.

Tumakbo at nagwagi si Aquino sa halalang Pagkapangulo noong 2010 at


nakakuha ng 15,208,678 na boto.

Sa maagang oras ng Hunyo 24, 2021, nakita si Aquino ng kanyang


kasambahay sa kanyang recliner na walang malay sa kanyang bahay sa
West Triangle, Lungsod Quezon. Ang dating sekretarya ng gawaing-bayan
ni Aquino, Rogelio Singson, ay sinabi na meron syang itinakdang
angioplasty para makahanda sa isang paglipat ng bato (kidney
transplantation)
Rodrigo Roa Duterte

Si Rodrigo Roa Duterte (ipinanganak noong 28 Marso 1945), kilalá rin sa


kanyang bansag na Digong, ay Pilipinong abogado at politiko na
naninilbihan bílang ika-16 na pangulo ng Pilipinas mula 2016 hanggang
2022.[1] Siya ang unang naging pangulo na mula sa Mindanao.[2] Siya rin
ay ang pinakamatandang naging Pangulo ng ating bansa.

Noong Oktubre 2021, inihayag ni Rodrigo Duterte na hindi siya tumatakbo


sa pagka-bise presidente noong 2022 at magretiro sa buhay pampulitika.

Noong Hunyo 30, 2016, hinalal ng ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si


Rodrigo Duterte bílang president-elect ng Pilipinas matapos nitong manalo
sa opisyal na bilangán ng mga boto ng Kongreso ng Pilipinas noong 27
Mayo 2016, na may 16,601,997 boto, mas mataas nang 6.7 milyon kaysa
sa kaniyang pinakamadikit na katunggaling si Mar Roxas.

Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Si Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos, Jr.

(ipinanganak noong Setyembre 13, 1957) sa Ilocos Norte ay isang


Pilipinong pulitiko na kasalakuyang naninilbihan bílang ika-17 na Pangulo
ng Pilipinas. Siya ay dating nanungkulan bilang senador mula 2010
hanggang 2016.

Noong 2010, tumakbo si Bongbong Marcos sa senado at nanalo bilang


senador. Nagsilbing senador siya hanggang 2016, kung saan siya ay
natalo sa pagtakbo sa pagka-bise presidente.

Siya ay nakatayo sa kontrobersiyal na pangalan ng kanyang ama, lalo na


sa panahon ng Batas Militar sa Pilipinas kung saan kabilang sa mga
sinasabing pag-abuso ng karapatang pantao at pang-aabuso sa
kapangyarihan ang naganap.

Sa kasalukuyan, si Bongbong Marcos ay nagtataguyod ng mga programa


para sa pag-unlad ng kanayunan at nagpapakita ng suporta sa mga
proyektong pangkalusugan at pangkabuhayan para sa bansang Pilipinas.

You might also like