0% found this document useful (0 votes)
38 views11 pages

Moses Moses R-Sikat

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
38 views11 pages

Moses Moses R-Sikat

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

MOSES, MOSES mamamatay-tao.

Kinuha ni Regina ang baril at sinabing wag


silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang
1. MGA TAUHAN: Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni
REGINA CALDERON- 48 TAONG GULANG, BALO, ISANG Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony. Nang
MAESTRA kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa
TONY- PANGANAY NIYANG ANAK, ESTUDYANTE hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina si Tony. At
AIDA- 18 TAONG GULANG, ANAK NIYANG BABAE dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya.
2. TAGPUAN:
SA KANILANG TAHANAN 4. SIMBOLISMO:
Baril - Sa akdang ito, inaakala nila na ang baril ang sagot upang
3. Buod: makamit ang hustisyang inaasam
Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang Mga tauhan. Ngunit heto rin ang magdadala sa kanila sa
tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng kapahamakan.
Alkalde. Si Aida ngayo'y hindi parin makapasok sa paaralan
dahil siya'y na-trauma at wala siyang maiharap na mukha sa 5. Layunin ng Awtor:
kanayang mga kaklase. Kaya't kumuha ng leave si Regina sa Layunin niya na iparating sa mga mambabasa kung ano ang
pagtuturo upang mabantayan niya si Aida. nangyayari sa ating batas,
Hustisya, at karapatan bilang tao. Inilalarawan sa maikling
Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasama ang kwento na kung gaano ka bagal
isang Konsehal. Naparoon sila upang humingi ng dispensa sa Ang hustisya. Na ito ay para lamang sa may pera at mahirap. Na
nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na kapag wala kang pera ay
lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag Hindi mo makakamit agad agad ang hustisyang tinatamasa.
si Regina dahil akala niya'y hustisya ang mananaig.
6. Kakintalan (Impresyon ng Mambabasa)
Nang umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Dapat ay hindi natin inilalagay sa ating kamay ang hustisya.
Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso Ipaubaya na lamang natin sa
dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Diyos ang lahat. Dahil siya ang higit na nakakaalam kung anong
Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, gagawin nya. Matuto tayong
sila ang laging mananaig. Ang nais na lamang ni Tony ay Maging mahinahon at wag maghiganti sa mga taong nagkasala
mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. sa atin.
Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang ama. Nang
namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, 7. Pagsusuri:
ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng Sa Hustisya, dapat ay walang mayaman at mahirap. May pera
kaso. ka man o wala, karapatan
Nating makamit ang hustisya kapag tayo ay naargabyado nang
Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumpong kung sinong tao. Dapat din ay
nanaman si aida, kailangan ni Aida ng tranquilizer upang siya'y Huwag nating ilagay sa ating mga kamay ang batas. Iwasan
kumalma. Kaya't nagpabili ng gamot si Regina kay Tony. Nung nating marumihan ang ating
nakaalis na si Tony, nasabi ni Regina kay Ana na malaki na ang Pangalan.
pinagbago ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya
kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni MOSES, MOSES
Ben sa ina na may dalang baril si Tony dahil binabalak niyang nii Rogelio R. Sikat
patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag
itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben. Mga Tauhan:
Regina Calderon, 48, balo, isang maestra
Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa Tony, panganay niyang anak, estudyante
cabinet at naghahanap ng gamot ngunit natabig niya ang isang Aida, 18, anak niyang babae, estudyante
bote ng gamut at ito'y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip Ben, 16, bunso, estudyante
si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Ana, 46, matandang dalaga, kapatid ni Regina
Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong Ang Alkalde
ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya Ang Konsehal
namalayang pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni aida na Mga Pulis
hindi siya makatulog, kaya't tinimplahan siya ni Regina ng
gatas. Panahon: Kasalukuyan
Tagpo:
Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na
pinapainom daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang “Apartment” sa isang lungsod sa lungsod sa Rizal, sa isang
kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng komunidad na masasabing “middle class”. Maraming bagong
tawad ay patuloy parin pinapainom ng lason si Tony, ang bahay dito, nakatayo sa mga loteng nabili sa murang presyo
masaklap pa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang lason. noong unang bahagi ng 1950 at ngayo'y nagkakahalaga na
Takot na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip. nang malaki sa pamilihan ng lupa. Tahimik dito, malayo sa
daanan na pampasaherong sasakyan, mapuno at mahalamang
Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hindi katulad ng ibang subdibisyon. Aspaltado ang malilinis na
hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi kalsada at may ilaw na mercury ang mga poste. Karaniwan
niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. nang ang naninirahan dito ay mga empleado ng gobyerno.
Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo'y hinahabol na
siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan Sa sala at sa komedor ng apartment na ari ni Mrs. Calderon
upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali mangyayari ang dula. Isa sa apat na pinto, malaki-laki rin ang
ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng apartment na ito, putiang pinta, yari sa mahuhusay na
materyales, at sa unang malas pa lamang ay mahihinuha nang ang aking serbisyo. Pero hindi ako papasok hangga't hindi
inilalaan sa mga makapagbabayad ng mataas. May pinto sa gumagaling si Aida.
may sala, kanan, kaharap ng gate, at sa kaliwa, sa may kusina.
Luma na ngunit maayos pa ang mga kasangkapan parang ANA : Kung sabagay, kaya ko naman siyang alagaan. (Aayusin
inilipat mula sa isang lumang bahay. Sa sala ay may isang set ang salansan ng kutsara). Ano nga pala ang sabi-sabihan sa
ng upuan na nakatuntong sa isang alpombrang bumabagay sa eskwela? Siguro'y alam nila ang nangyayari?
pulang sahig; sa likod nito, kabinet ng mga libro na REGINA: (pauyam) Alam. Pero ano ba ang maaasahan mo sa
kinapapatungan ng isang flower vase, isang nakakwadrong mga walang prisipyong tao?
retrato ng isang nakangiting dalaga na napaliligiran ng maliit at
animo'y naglalarong mga piguring duwende at isang ANA: Sinabi mong tuloy rin ang demanda?
lampshade. May telebisyon sa sulok, malapit sa
nakukurtinahang bintanang salamin. REGINA: (tatayo, lalakad sa repriheradora upang kumuha ng
inumin) Oo. Bakit hindi ko itutuloy? Kahit ano pa nga ang
Sa dingding na binarnidang plywood, nakasabit ang isang kanilang sabihin. Dapat nga raw magdemanda, sobra naman
pares ng nairolyong pinturang Hapones: mga lumilipad na daw talaga ang ginawa kay Aida, pero…
tagak sa ibabaw ng maiitim at payat na tangkay at mga dahon
ng kawayan. Sa gitna, likuran, may hagdanang paakyat sa mga ANA: Nakapag-aral si Aida doon. Kilala siguro nila.
silid-tulugan, puti ang mga barandilya nito at sa itaas palapag,
sa ding-ding, ay nakasabit ang isang pandekorasyong seramiko REGINA: (habang pabalik sa kabisera, dala ang baso ng inumin)
na kinatitikan, na mga letrang Gotiko, ng mga salitang GOD ang dipirensiya nga lang daw, “mayor” itong kalaban ko. Ano sa
BLESS OUR HOME. akin kung “mayor”? ngayon ba't “mayor” siya'y libre na ang
kanyang anak? Wala raw mangyayari. Iba raw ang malakas ang
Sa silid-tulugan, kaliwa ay may isang mesang paayon ang ayos nasa poder. Baka raw lalo pa tayong perwisyuhin. (Iiling)
at napapaligiran ng anim na silyang may matataas na sandalan. kababata pa'y wala nang prinsipsiyo! Mga bagong tapos pa ng
May kabinet sa likod ng mesa-lalagyan ng mga plato, kolehiyo, mabuti pa iyong “ assistant principal” namin,
kubyertos, mga itinatanging kasangkapan na ang paggamit ay matapang. Ang sabi'y “Ituloy mo, Mrs. Calderon, ‘you should
karaniwan nang inilalaan ng mga may-bahay sa mga espesyal really teach those people a lesson.”
na okasyon… Nandito rin ang ilang de-latang pagkain at mga
boteng gamot. Nakapatong sa kabinet ang isang bentilador. Di ANA: (galit) Ituloy mo nga. Regina, nang madala. Sobra nang
kalayuan sa mesa, malapit sa lababo, ay may isang talaga ang anak ng “mayor” na iyan! Ang kailangan talaga riyan
repriheradora. Sa kabuuan, maayos at masinop ang apartment. ay bitay. (Tatayo, ililigpit sa isang lalagyan ang mga kutsara,
pahablot na dadampot ng isang basahan.) Tutal, bitay din
May mga alas-otso na ng gabi. Bukas ang ilaw sa sala. Nakaupo siguro ang ibibigay sa lalaking iyan. (Tatayo si Regina, tila nag-
si Ben sa sopa, taas ang pinagsaklit na paa at tila yogang iisip na maglalakad-lakad sa sala. Mapapansin niya si Ben na
nagbabasa ng isang magasin. Nakakorto siya at iskiper na puti. ngayo'y nakadapa at nagkukuyakoy ang paa sa hanging
Mahahaba ang kanyang biyas at sa katabaa'y may nagbabasa).
pagkabalingkinitan pa. Mahaba ang kanyang buhok, tulad ng
uso sa mga tin-edyer ngayon, at may kakisigan siya. REGINA: Napakain mo na'ng aso, Ben?

Bukas din ang daylight sa silid-tulugan. Nakaupo si Regina sa BEN: (pagak ang boses, di iaalis ang tingin sa binabasa) Opo.
kabisera ng mesa at umiinom ng kape. Sa kabilang dulo,
nagpupunas ng kutsara ang kapatid niyang si Ana. Magkahawig REGINA: (susulyap sa itaas ng hagdan, pagkuwa'y babalik sa
sila, bagama't maraming salit na puting buhok si Regina. komedor.) Bakit ba naghahanap ng kordon si Tony, ha, Ana?
Nakaputi siyang damit-pambahay, tila isang roba na itinali sa
harap, hanggang siko ang maluwang na manggas at hanggang ANA: (nagpupunas-punas sa may lababo): Maikli ang kordon
sakong ang laylayan. Nakapusod siya, laylay ang ilalim ng mga ng ilaw niyang inililipat sa kuwarto namin.
mata, larawan ng isang babaing pinatigas ng mga hirap na
pinagdaanan. Nakabulaklaking pambahay si Ana, may REGINA: Pabibilhin ko na lang siya ng isa pa bukas. Kailangan
pagkamasayahin ang mukha, nguni't ngayo'y tila nag-aalala. niya iyon sa pag-aaral, malabo ang kanyang mata.

ANA: (habang nagpupunas) Kumusta ang hiningi mong ANA: Ibang-iba iyang si Tony kesa do'n sa isa. (Ngunguso sa
bakasyon, Regina? sala.) Tingnan mo, prenteng-prenteng nagbabasa. Hindi man
lang tulungan iyong kapatid.
REGINA: (ibig magmalaki, nguni't walang sigla) Binigyan ako,
puwede ba nila akong hindi bigyan. REGINA: Bata pa lang kasi si Ben.

ANA: Dapat naman. Sa buong pagtuturo mo'y ngayon ka pa ANA: “Spoiled”. Si Tony, noong ganyang edad, kumikita na,
lang magbabakasyon, ano? nagtitinda na ng diyaryo.

REGINA: Ikalawa na ito. Noong mamatay ang ama nina Aida,


saka ngayon. Pupuwede akong hindi pumasok kahit ilang REGINA: Hindi si Ben ang “spoiled” Ana. Baka ‘ka mo si Aida.
buwan pa suguro, kahit isang taon. Marami akong naiipong (Magbababa ng tingin na parang mali ang nasabi.)
bakasyon.
ANA: Kung sabagay. (Ipapatong ang kanang kamay na may
ANA: Biro mo namang mahigit na dalawampung taon ka na hawak na basahan sa sandalan ng isang silya.) Si Tony, pati
yatang nagtuturo. Noong dalaga ka pa, hindi ba? Pwede ka nanliligaw kay Aida, kinikilatis na mabuti. Hindi na nagbalik
nang magretiro. iyong preskong kaklase yata ni Aida, ano? Iyong de-kotse? “Ano
ba sa akin kung de-kotse siya,” sabi sa akin ni Tony. Sino nga ba
REGINA: (sasandal) Sayang naman kung hindi ko matatapos iyon?
REGINA: (parang hindi siya pinapansin) Mababait silang lahat. ANA: Aywan ko, Regina, pero kung minsan nga'y naiisip kong
kahit yata saan tayo pumunta, sinusundan tayo ng trahedya.
ANA: Si Tony, minumutyang talaga si Aida.
REGINA: Hindi naman sa tayo'y sinusundan, Ana. (kukunot ang
REGINA: Mapagbigay pa ‘ka mo sa mga kapatid. Hindi na noo). Mabuti pang sabihin mong dahil sa mga pagkakataon, o
baleng siya ang wala mayroon lang si Aida at Ben. Ang dahil sa mga kondisyon ngayon. Ibang-iba na talaga ngayon.
maipipintas mo nga kay Tony ay walang kibo. Aywan ko rin, Ana. Aywan ko.

ANA: Seryoso. Palaisip. Kaparehung-kapareho ng ama. ANA: (Pagkaraan ng ilang saglit, malumanay na) Naubos na nga
pala ang gamot ni Aida, Regina. Iyong “ tranquilizer”.
REGINA: May pagkaseryoso rin itong si Ben, pero hindi
kamukha ng kuya niya. Si Aida- si Aida ang (parang mawawala REGINA: Magpabili tayo. Sino ba'ng ating pagbibilhin? Si Tony?
sa sinasabi, mababasag ang boses)-pinakamasaya.
ANA: Pabilhin mo na't gabi na. Malapit na sigurong mag-alas-
ANA: (mapapansin ang pagbabago ng mukha ni Regina, nguni't nuwebe.
itutuloy pa rin) Masasabi mong isip-bata si Aida. Inosente. Pero
maganda. Maganda. Akalain ko bang gaganda ng ganyan ang REGINA: Gabi na pala.
anak mo, Regina. Natatandaan mo pa, noong sumakay siya sa
karosa ng “lantern parade” sa UP, noong nakaraang Pasko? ANA: Akala ko ba'y napapagod ka ?
Noong dalhin tayo ni Tony? Hindi ako makapaniwalang anak
mo iyon at pamangkin ko iyon. Bakit nga'y di- “jeans-jeans” at REGINA: (tatawag) Tony!
“pony-tail pony-tail” lang dito. Ang sarap ‘ka mo, namatay ang
“generator” ng karosa! Di pinasinagan siya ng “flashlight”. TONY: (sa itaas): Sandali po! Ikinakabit ko lang itong
Nakatingin kay Aida ang lahat, at siya'y ngumingiti, at “daylight”.
nangyayabang, at nang-iinggit naman ang kanyang mga
kaklase. Sa tingin ko ba noo'y para siyang nakaangat sa karosa- ANA: (nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, may binibilut-bilot
(Makikitang ibig maiyak si Regina) Sino nga ba naman ang na sinulid ng basahan ang daliri): Ano ba ang napapansin mo
makapag-aakalang- kay Aida?

REGINA: (tutuwid ng upo, sa dingding nakatingin) Nangyari na REGINA: Ano'ng napapansin?


iyan Ana.
ANA: May pagbabago ka bang nakikita ? Hindi ba parang
ANA: (Pagkaraan ng ilang saglit, malungkot) Disiotso na siya sa lumalala?
Setyembreng ito, Regina.
REGINA: (bubuntung-hininga) Ang sabi naman ng doktor ay
REGINA: Limang taon na tayo rito. Natatandaan mo? Dito nag- may “shock” pa siya hanggang ngayon. Totoo raw nasindak si
“birthday” si Aida nang lumipat tayo. Aida.

ANA: At napapanaginip ko pa noon ang kanyang “debut”. At ANA: Kung sabagay. Medyo nawawala na ang mga marka ng
naisip ko na ang gagawin kong tahi sa damit niya. dagok sa kanyang mga pigi. Talaga sigurong hindi ka
REGINA: (Iiling) Ang buhay nga naman. makakabangon kapag dinagukan ka roon. Iyon namang sugat
at galus-galos, magaling na. Ang ikinatatakot ko'y ang kanyang
ANA: (nagpapahid ng matang isasauli ang basahan sa lababo.) nerbiyos. Lalo siyang nagiging nerbiyusin yata. Lagi kaya
Mabuti pa sigurong hindi tayo umalis sa Gagalangin, Regina. niyang naaalala ang nangyari sa kanya? Ganoon ba iyon? Hindi
Siguro, kung hindi tayo lumipat dito- ba- may naloloka sa ganyan?

REGINA: Sino ang makaaalam na dito siya magkakaganyan? REGINA: Hindi naman siguro, Ana. Mahusay ang gamot na
ibinibigay sa kanya ng doktor. At sabi sa ospital, magaling daw
ANA: Bakante ngayon ang itaas ng bahay doon. ang “psychiatrist” na tumitingin sa kanya. Talaga raw isa sa
pinakamahusay dito sa Pilipinas, sabi sabi rin Tony.
REGINA: (nagpapaliwanag): Hindi ba dahil sa mga bata kung
kaya tayo umalis sa Gagalangin? Gusto mo rin namang tayo'y ANA: Naaalala ko kasi iyong kapitbahay natin sa Gagalangin.
umalis doon nang lumalaki na ang mga bata,di ba? At nang Iyon bang anak ng kapitan na dinadala sa V.Luna at ipina-e-
malapit pati sila ‘ka mo ng eskuwela. Naisip kong umutang nga “electric shock”. Namumuti raw talaga at umiikot ang tau-
tayo at ipatayo natin ang “apartment” na ito- unang-una'y dahil tauhan ng mata. Bumubula ang bibig. Pero iba naman siguro
diyan ang malayo nga sila doon. Pinaupahan na lang natin ang iyon.
bahay doon. Hindi ba't mas nagustuhan naman dito ng mga
bata? Mas tahimik dito, hindi siksikan, mas- REGINA: Tiyaga, tiyaga ang kailangan natin, Ana. Kaya
hahabaan ko ang aking bakasyon.
ANA: Oo nga, Regina. Pero -
ANA: (Maliwa-liwanag ang mukha): Mahusay siguro iyong
REGINA: Dahil sa pagtanda nati'y wala naman tayong likidong “tranquilizer” na inihahalo ko sa pagkain niya. Biro
makakasama- patay na rin lang ang ating mga magulang- naisip mo, iyong tira niyang pagkain, sinubok kong ipakain kay Sultan
kong maaari na tayo dito. May apat na pinto tayo dito, tamang- noong isang araw. Nakatulog ang pobreng aso.
tama, ‘ka ko. Magkaasawa man ang mga bata, magkaanak man
sila, hindi rin tayo magkakalayu-layo. Tig-I-tig-isa ‘ka ko sila ng REGINA: Iyon naman daw ang kailangan, sabi ng doctor- ang
pinto- isa kay Aida, isa kay Ben, isa sa ating dalawa. Hindi tayo humupa ang kanyang nerbiyos.
magkakawalay-walay. Ganyan ang naisip ko noon, Ana.
ANA: Ibinigay ni Tony kay Aida nag maliit niyang ponograpo. taon, naka-polosert na guhitang pula, bukas ang butones sa
itaas. Kasama niyang papasok ang isang naka-“polo-barong” na
REGINA: Sa Linggo ang punta dito uli ng doktor. Malalaman lalaki, may kaputian maliit, mataas ang gupit, naka salamin,
natin sa kanya kung kailangan pang ipasok sa ospital si Aida o parang nakaismid, at ang mata'y nag-uusisa agad sa pinasok na
hindi. (Maalala) Si Tony nga pala, iyong gamot. (tatawag) Tony! “apartment”).
Di ibinigay ba ang kanyang “turntable”? (mananaog si Tony,
payat, di
nasusuklay ang buhok, lampas sa karaniwan ang taas, habaan ALKALDE: (itataas ang kaliwang kamay, bahagyang yuyukod)
ang mukha, nakasalamin at mukhang matanda kaysa tunay “Good Evening”.
gulang. Lumang pantalon at maluwang ang manggas na polo
sert ang suot. May dalang plais at “tape” sa kordon.) REGINA: Magandang gabi ho naman.

REGINA: Bumili ka ng gamot, Tony. Nasa tokador iyong pera. ALKALDE: Napasyal kami, Misis.

TONY: Opo. ( Ililigpit sa may ilalim ng hagdan ang plais at REGINA: (bantulot na ituturo ang upuan) Maupo kayo.
pandikit, pupunta sa repriheradora at kukuha ng inumin. Tiyak
at tila laging pinag-iisipang lagi ang kilos.) Nauuhaw si Aida. ALKALDE: (bago maupo) Misis, ang kasama ko nga ho pala'y si
Konsehal Collas, Atty. Collas. (Bahagyang tatango ang konsehal.
ANA: (pagkapanhik ni Tony, naghihinala): Ilang beses ko nang Mauupo sila. Mananatiling nakatayo si Regina. Nasa silid-
napapansing lumalabas ng gabi ang Toning iyan. Di mo ba kainan si Ana, nakahilig sa barandilya ng hagdan si Ben).
napapansin?
ALKALDE: (nakatingin kay Ben): Anak ho ninyo?
REGINA: Hindi.
REGINA: Oho.
ANA: Iyong lagay na iyon siguro'y palakad na.
ALKALDE: (humahangang nakatingin kay Ben) Guwapo. At
REGINA: Ugali lang talaga niyan ang maglakad. Di nga ba sabi listo. Listong bata. Hindi basta nagpapasol. (Mahihiyang
mo kangina'y palaisip? pupunta si Ben sa silid-kainan at doon mauupo, kasama si Ana.
Mapapansin ng Alkalde na nakatayo si Regina). Maupo naman
ANA: Oo nga. Pero gabing-gabi na kung umuwi kung minsan. kayo, Misis. Kami ho naman ni Konsehal ay ngayon lamang
Susi ang ginagamit. napadalaw dito sa inyo.

REGINA: Baka naman nagpupunta lang sa kaklase niya riyan sa KONSEHAL: Siyanga naman, Misis. (Mauupo si Regina).
kabilang kanto? ALKALDE: (lilinga-linga) Magandang “apartment” ito, a.
Tingnan mo ang “Japanese Painting” nila, konsehal. Di ba
ANA: (kukumpas): Aywan ko. Si Ben ang tanungin mo. Sila'ng ganyan ang nakuha mo sa Tokyo?
magkakuwarto. Kaya lang, nag-aalala ako. Alam mo na ngayon,
baka makatuwaan iyan. (Isang sasakyan ang hihinto sa tapat ng KONSEHAL: Masinop ang “ apartment” nila, “Mayor”.
“apartment”. Maririnig ang pagkalapak na pagsasara ng pinto
nito, ang pagkahol ng aso). ALKALDE: Ito ang sasabihin ng “comadre” mo na “Cozy”. (Kay
Regina) Malaki siguro ang upa ninyo, Misis sa “apartment” na
REGINA: (kay Ana): Sa atin ba iyon? (May babatinting sa ito.
pintuang bakal).
REGINA: Sa amin ho ito, inaakupa lang namin ang unang pinto.
ANA: Tingnan mo nga Benjamin.(Lalabas si Ben. Sa may “gate”
maririnig ang boses-matandang tanong na “ Nariyan ba si Mrs. ALKALDE: (tatawa) Dispensa, Misis! Dispensa. “An honest
Calderon?” at ang mababa at pagak na “Opo, sino po sila?” ni mistake”. Tingnan mo nga naman, konsehal, sa kanila pala ito.
Ben. Nakatayo sina Regina at Ana sa tabi ng mesa, nakatingin
sa labas). KONSEHAL: “Must have gotten a loan from the GSIS”.
(Mananaog si Tony, magugulat pagkakita sa Alkalde,
ANA: (Makikilala ang dumating) Si “mayor”, Regina! May pagkaraa'y parang walang nakitang tutungo sa komedor upang
kasama. kunin ang sapatos, mananatili siya sa komedor. Samantalang
nakatingin sina Ana at Ben sa nag-uusap, ipapatong niya ang
REGINA: (magugulat) Ano kayang kailangan? mga kamay sa mesa, nakakunot-noong kakatuk-katukin ang
daliri ang salamin niyon. Manaka-naka lamang siyang lilingon
ANA: (kinakabahan) Baka-aayusin ka. sa sala).

BEN: (papasok) Gusto raw kayong makausap, Inay. ALKALDE: (nakatingin kay Tony) Anak din ninyo, Misis?

ANA: Bakit daw? REGINA: Siya ho ang panganay.

BEN: Aywan ko po. ALKALDE: Marunong na tipo. “Scholarly type,” wika nga. “Law”
siguro ang kinukuha, Misis?
REGINA: (pagkaraan ng pagbabantulot) Papasukin mo.
(Lalabas si Ben). REGINA: (kangina pa nagtitimpi) A.B. ho, sa UP

ANA: (Kay Ana) Anong ayos-ayos. (Papasok ang alkalde, ALKALDE: (magugulat) UP! Taga-UP rin pala konsehal. Pareho
maitim, katamtaman ang taas, may katabaan, hagod sa batok kayo. Ako ho, Misis- bakit ho ba nasasabi ito'y hindi naman
ang tintina at walang partidang buhok,may mahigit nang 50 naitatanong?- ay sa Francisco Law College lamang ang
gradwado.(Tatapikin sa balikat ang konsehal) Walang ALKALDE: Si Misis- -
kuwentang eskwelahan. Kung sabagay, doon nagtapos si Carlos
P.Garcia, ha, konsehal? (Magtatawanan sila). Buweno, buweno, REGINA: Kayo ba'y may anak na babae, “Mayor?”
ang ibig kong sabihi'y isa sa mga hindi natupad na ambisyon ko
iyang makapag-aral sa UP. Marunong ang anak ni Misis, ALKALDE: (nakangiti pa rin) Alam ko ang itatanong ninyo.
konsehal. Mayroon. Tatlo. Paano kung isa sa kanila ginawa iyon? (
Nakangiting, maiiling ang konsehal).
KONSEHAL: Maestra kayo, Misis,a - “Calderon”?
REGINA: Paano kung ang pinakamamahal ninyo sa tatlong
REGINA: Oho. anak na iyan ay ginahasa ng aking anak?

ALKALDE: Saan naman kayo nagtuturo? ALKALDE: Natural namang mararamdaman ko ang katulad ng
nararamdaman ninyo ngayo, Misis.
REGINA: Sa Torres High School, sa Maynila.
REGINA: Hindi ko itinatanong kung ano ang mararamdaman
ALKALDE: (magugulat) Paano ho naman ang nangyari't dito ninyo. (Malakas) Ano ang gagawin ninyo? (Kukumpas sa
kayo- kawalang-maisagot ang alkalde. Sa itaas, tatawag si Aida, “Inay,
Inay!)” Tatahimik ba kayo? Magdedemanda ba kayo? Ano ang
REGINA: Narito ang aming “apartment”. May bahay kami sa gagawin ninyo? Kung sabagay, sino nga ba naman ang
Gagalangin pero pinauupahan namin. “Grocery” ang silong. matapang na mangangahas na - “mayor” kayo. Pero
halimbawang kayo ang nasa katayuan ko?
KONSEHAL:Mukhang “familiar” sa akin ang “Calderon”. Saan
kayong probinsiya, Misis? KONSEHAL: (sasaluhin ang alkalde) Sa ganitong anggulo natin
tingnan, Misis, umabot na rin lang sa ganito. Malinaw kong
REGINA: Lehitimo ho akong taga-Maynila. Ang Mister ko ho'y nakikita ang inyong punto. Ngayo,y kauumpisa pa lamang nang
taga- Nueva Ecija. kaso. Di ba ninyo inaalala ang inyong anak? Kung itutuloy
ninyong talaga ang demanda, ang kauna-unahang gagawin para
KONSEHAL: “ You are now a - - widow?” (tatango si Regina). mapatunayang ginahasa siya ay ang ipaeksamen siya. Hindi mo
maiaalis sa abugado ng kabila na hingin iyan, ipaeksamen siya.
ALKALDE: Buweno, kami ho'y medyo ginabi, Misis, dahi sa
nanggaling pa kami sa “squatter area” diyan sa may “highway”. ALKALDE: (sasang-ayon) Kawawa rin ang inyong anak. Ang
(Nakatawang iiling) “Wise” din naman ang mga lider niyon ibig kong sabihi'y—
ngayo't alam na eleksiyon sa Nobyembre ay saka
magrerepresentasyon sa akin, huwag ko raw silang ipatapon. REGINA: (sa konsehal): Para patunayan kung siya'y ginahasa o
May nakikiusap na riyan , may umiiyak na diyan, at ako naman hindi?
(kukumpas) mahabagin nga siguro ako ay wala nang magawa.
Paano ka pa makakatanggi niyon? KONSEHAL: (iduduldol sa “ash tray” ang sigarilyo) Para
patunayan kung siya'y ginahasa o hindi.
REGINA: Marami ring botante roon, “Mayor”?
REGINA: Kung hindi kayo kumbinsidong ginahasa nga ang
ALKALDE: Ha-ha-ha! Hindi naman, Misis, hindi naman! Ang aking anak ay bakit narito kayo?
lagay naparaan nga kami roon, kaya ginabi kami sa pagsasadya
sa inyo. ALKALDE: Para - - para huwag na ngang umabot diyan,Misis.

REGINA: (titingnan siya ng tuwid): Para ipaurong sa akin ang REGINA: Legalismo ninyong mga abugado!
demanda, “Mayor?”
KONSEHAL: Wala tayong magagawa, Misis. (Bahagyang
ALKALDE: (magkikibit-balikat): Para - - para tayo'y tatawa) Ganyang talaga.
magkausap.
REGINA: Tusuhan, patalinuhan, pasinungalingan, diyan, diyan,
KONSEHAL: (magsisindi ng sigarilyo): Ang totoo niyan, Misis, si kayo magaling!
“Judge” Joaquin ang nagmungkahing magkausap kayo, na kung
ako ang tatanungin, ay siyang pinakamabuti ninyong gawin. KONSEHAL: Sa ilalim ng batas, walang kasalanan ang isang tao
Iyan naman ang sinabi ng inyong “compadre”, di ba, “Mayor”? hangga't hindi siya napapatunayang nagkasala.

REGINA: Mahusay pala kayong magpalaman sa mga salita, REGINA: Magandang dahilan ninyong mga abugado!
konsehal.
KONSEHAL: Hindi ba kayo naaawa sa kanya? Hindi ba ninyo
ALKALDE: (maagap): Misis, kami'y naparito, unang-ana'y para inaalala ang kanyang kinabukasan? Sa kasalukuya'y hindi pa
magdiskargo. Alam kong mabigat itong aming inilalapit sa inyo, masyadong bulgar ang nangyari per---
kaya naman ako'y makumbabang naparito sa inyo upang-
upang wika nga'y ihingi ng tawad ang ginawa ng aking anak. REGINA: Mababando rin na ang anak ng “mayor” ang
gumahasa sa kanya!
REGINA: (susukatin siya ng tingin): Akala ba ninyo'y makukuha
sa paghingi-hingi ng tawad ang ginawa ng inyong anak? KONSEHAL: (ngingiti-ngiti): Hindi kayo praktikal, Misis.
ALKALDE: (iiling, nakangiti): Alam ko, alam ko, Misis.
REGINA: Anong hindi praktikal?
REGINA: Ganoon pala'y bakit hindi natin ipaubaya sa husgado?
KONSEHAL: Halimbawa nang napatunayang nagkasala ang
anak ni “Mayor”- halimbawa lamang iyan- halimbawa nang tatayo ang alkalde at konsehal. Dadamputin ng konsehal ang
napatunayang nagkasala siya, na aywan ko kung kailan, sobre. Lalapit sina Tony).
siguro'y tayo na rin mismo ang maiinip - ano naman ang
inyong makukuha? ALKALDE: (hindi makapaniwala, nakangiti ngunit ngani-
nganing sampalin si Regina) Sa buong buhay ko, Konsehal,
REGINA: Hustisya. ngayon pa lang ako nasampal. Pero hindi bale. (kay Regina)
Dinadaan ko kayo sa pakiusapan pero gusto ninyong
KONSEHAL: Hustisya. (Iiling) Ang tingnan ninyo'y ang panig ng magkademonyuhan. Pasensiyahan tayo. Ituloy ninyo! (Lalabas
inyong anak. Iyan ang isipin ninyo. ang dalawa, ang alkalde'y nagmumura. Sa labas, maririnig ang
pagsibad ng kanilang sasakyan. Mapapaupo si Regina.
REGINA: (nagpupuyos): Halos labingwalong taon mong Nakatayo sa harap niya si Tony, nakaupo at nakamasid si Ben).
pinalaki, inalagaan, kung maaari'y ipakatagu-tago mo,
pinakaingat-ingatan mo, at pagkatapos, pagkatapos, nag- REGINA: (humihingal) Akala ng mga taong iya'y sila ang batas.
aabang lamang ng bus na pauwi galing sa eskwelahan ay bigla
na lamang aagawin ng anak ninyo, dadalhin sa motel, sasaktan TONY: (galit ngunit matimpi) Sa kasalukuya'y sila nga, Inay.
doon, paglalaruan, pag-aaliwan! Isasakay sa taksi, pauuwiin,
halos hindi makagulapay. At pagkaraan niyan, pagkaraan niyan REGINA: (nanginginig) Lalabas din ang katotohanan at
paparito kayo sa aki't sasabihin ninyong ako'y maging mananaig ang katarungan!
praktikal!
TONY: Iyan ang itinuturo ninyo sa “Government”.
KONSEHAL: (namamayapa) Nariyan na tayo, Misis, nariyan na
tayo. REGINA: Mananaig din ang katarungan.

REGINA: Hindi babaing damputin ang anak ko. Makakaalis na TONY: Kay gandang sabihin! “Justicia” o justicia poetica”?
kayo. Hindi ko iuurong ang demanda. Kung sa inyo ang Hustisyang talaga o hustisyang Diyos-ko-bahala ka na?
sinasabi ninyong huwes, sasabihin ko sa aming abugadong
hilinging malipat sa ibang huwes. REGINA: Kailangang maputol ang ganito!
KONSEHAL: (banayad) Hindi rin ganyan lamang iyan, Misis.
Saan at kanino ililipat? Dito rin. Ngayon, sino sa mga huwes TONY: (malakas) Paano?
dito ang kaalyado ni “Mayor”? Kung nakapagme-“mayor” siya
ng labingdalawang taon, malamang pang maging labing-anim -- REGINA: (parang giniginaw) Nanginginig ako. (Sa itaas,
- maririnig ang mga pagtawag ni Aida at ang pag-aalo ni Ana.
Papanhik si Ben).
REGINA: (napapaiyak) Kayo nga ang hari dito.
REGINA: Hindi ako titigil hangga't hindi siya nabibilanggo!
KONSEHAL: Hindi siya ganoong napakahina para hindi maalis
ang sinumang kalaban niyang huwes. Ayaw ko sanang sabihin TONY: (kinukuyom ang palad) Tatlo lamang ang nagkakaroon
ito pero alam ninyong pulitiko rin ang nakapaglalagay sa ng hustisya dito sa atin. Iyong malalakas, iyong
huwes? Sino ngayon ang nakapaghuhuwes nang hindi makapangyarihan, iyong mayayaman. Kung simple kang tao,
lumalapit sa pulitiko? Nasaan naman ang mga naging huwes mahina ka. Kung mahirap ka, lolokohin ka, tatakutin ka,
dito na hindi naging kaalyado ni “Mayor”? Iyong isa, nasa pasensiya ka, magtiis ka. Kadalasang nagkakasama-sama pa
Palawan, iyong isa, nasa Mindoro. Dudulog kayo sa itaas? Sino iyan: lakas, kapangyarihan, yaman.
ang nasa itaas? Pulitiko? Ilang boto ang maaring ibigay - sa
kanya ni “Mayor”? Makikisama rin sila! REGINA: (tutop ang mukha) Walang kuwenta sa akin
magkaubus-ubos man ang ating kabuhayan!
REGINA: Kayong masasamang pulitiko!
TONY: (patuya) Sasayangin ninyo ang minana ninyo't
KONSEHAL: (nakatawa) Masasamang pulitiko. Ganyan ang pinaghirap-hirapang ipundar. Sa paningin ng ating batas, hindi
buhay ngayon, Misis. May nakita na ba kayong anak ng magkakapantay ang lahat! Ang demanda ninyo, sapagka't ang
kongresista na kanilang nagalaw? Anak ng Senador? Anak ng idinemanda ninyo'y malakas, ay mananatiling demanda
Gobernador? Anak ng- “mayor”? lamang.

REGINA: (nagpupuyos) Tama, pumatay man kayo'y hindi kayo REGINA: Susulat ako sa magasin, susulat ako sa lahat ng
nagagalaw! diyaryo. Isusulat ko ang lahat at natitiyak kong tulungan nila
ako, pakikinggan nila ako!
KONSEHAL: Ay, Misis. “Be practical.”
TONY: (parang hindi siya pinapakinggan) Ang demanda
ALKALDE: (dudukot sa bulsa ng polosert at may ilalabas na ninyo'y kamukha lamang ng kung kayo'y nasusukol sa binggit
sobre) Alam kong malaking perwisyo ang nagawa ng aking ng bangin at malaki pa ang agwat ng kabilang pampang na
anak sa inyo - ibig kong kailangan ninyong talunin. Alam ninyong sa pagtalon ay hindi
ninyo maaabot ang kabilang pampang, pero pipiliti't pipilitin
( ilalagay sa mesita ang sobre) tanggapin ninyo ang kahit din ninyong tumalon. Tatalon kahit alam na alam ninyong
kaunting tulong na ito - kayo'y mahuhulog. Bakit pa kayo magdedemanda?

KONSEHAL: “ That check is for ten thousand. Pay to cash. Be REGINA: Sasabihin ko sa kanila ang lahat. Pakikinggan nila ako,
practical.” Tony. Kapag nalaman nila ang lahat- Tony, ito na ang
pagkakataon natin sa hustisya!
REGINA: (sasampalin ang alkalde) Akala ba ninyo'y mabibili
ninyo'y mabibili ninyo ako? Layas! Layas! ( Nababaghang TONY: Hustisya!
iyan ang kailangan mo”. Ang hustisya ba rito sa ati'y isang
REGINA: (nabuhayan ng loob) Tingnan mo, Tony. Palagay ko misteryo? Alam nating lahat na ito'y hindi hustisya, at alam
nga'y ako at si Aida ay sadyang pinili ng Diyos para rito. natin kung bakit ito hindi ganito. Wala naman tayong
Makinig ka: kung sa anak ng mahirap na iskwater niya ginawa misteryong dapat tuklasi'y kung bakit nananalig at naniniwala
iyon, tatahimik na lamang sila. Lulunukin na nila ang kanilang pa tayo!
dignidad at siguro'y kanila pang tatanggapin ang pera. Ngayon,
kung sa anak-mayaman naman niya ginawa iyon, REGINA: Lawakan mo ang iyong pagtingin, Tony. Ang
magdadalawang-isip ang magulang, mahihiya silang mabulgar ikinagagalit mo'y dahil lamang sa mga personal na karaingan.
ang nangyari. Hindi nila iibiging masira ang kanilang
reputasyon! Tatahimik din sila. Nagkamali sila, Tony, TONY: Lawakan! Ang kay Itay ay isa lamang sa matagal at
nagkamali sila. Lalaban ako, lalaban ako! laganap nang kawalang- katarungan!

TONY: Ang ipanlaban ninyo sa napakalaking bato'y ang inyong REGINA: Darating ang hustisya, Tony.
mga kuko!
TONY: Kailan? Gaano katagal? Sa anong paraan? Ang
REGINA: Kay laki ng ipinagbago mo, Tony. Paano ang ibig mong paghihintay nati'y makakatulad lamang ng ginawa nating
mangyari? Huwag nang lumaban, iurong na ang demanda? paghihintay sa kaso ni Itay. Ano ang nangyari sa kaso niya?
(Mapapayuko si Regina). Natatandaan ko pa, disisais anyos
TONY: Mula nang mapatay ang si Itay-sinasabi nating nabaril, ako, nasa Gagalangin tayo. Naghahapunan tayo. May tumawag
para siguro mabawas-bawasan ang lagim, pero ang totoo'y kay Itay. Alam natin na mula nang madiskubre niya ang di
pinatay siya-sinimulan ko nang isipin kung ano ang batas na paglilista ng trak-trak na tabakong inilalabas sa bodega ay
nararapat dito sa atin,, kung sino ang dapat magpatupad niyon pinagbantaan na siya, daang libong piso ang halaga ng mga
kung ano ang hakbang na nararapat nating gawin. At sa lahat ipinupuslit. Pero matapang si Itay, hindi siya napatakot. At
ng libro'y sa Bibliya ko pa nakita ang sagot. Naglalakad ako nang gabi, ngang iyo'y lumabas siya kumpiyansa, matapang -ni
minsan -pagkaraan ng nangyari kay Aida- nang maalala ko ang hindi isinukbit ang saliri niyang baril. Nag-usap sila sa labas at
sinabi ng ama ni Itay, noong araw na iyon ng libing. “ Kapag nang nagkakainitan na'y napalabas tayo. At narinig natin ang
buhay ang inutang, buhay din ang magiging kabayaran, na para mga putok, bagsak si Itay, takbo sa nakaparada nilang
bang may sisingil para sa kanya.- o para sa atin- ang inutang na “jeep”ang tatlo. Nakuha ko ang numero ng “jeep” at natunton
buhay ni Itay. Naisip ko, ito'y hindi isang pamahiin, hindi isang ang mga nagsigamit niyon. Nadiyaryo tayo, kung ilang araw
kasabihan- ito'y isang simpleng batas, isang kautusan o tayong nasa peryodiko. Umasa tayong mahuhuli at
kahatulang inihabilin ng Diyos kay Moses sa itaas ng bundok sa makukulong ang mga nagsibaril kay Itay - hanagang sa
gitna ng kulog, ng kidlat, ng usok at ingay ng pakakak. pumasok ang isang pulitiko. Ano pa ang nangyari pagkaraan
Sapagka't hindi ba sinabi sa Exodus na “buhay sa buhay”. Ito niyon? Unti-unti na silang nawalan ng interes sa kaso, hindi ba
bang nangyari kay Aida'y masahol pa ang pagkamatay? naging pursigido ang nagiimbestigang pulis. “Third year high
Ngayon, ito ang mga kahatulang nararapat nating sundin: school” ako noon, at sa kauna-unahang pagkakataon, naisip
“mata sa mata, ngipin sa ngipin… apoy sa apoy , sugat sa sugat, kong ang hustisya pala'y ganito. Hanggang ngayo,y nasa akin
latay sa latay”. Ito ang aking gagawin: gaganti ako: ako ang pa ang “clippings” ng mga diyaryo noon, itinatago ko. Duguan
gaganti sa kanya. ang retratong kuha ni Itay.

REGINA: Gaganting paano? REGINA: Nakaraan na iyon, Tony.


TONY: Hindi pa ba kayo nadadala? Hanggang ngayon ba'y
TONY: Papatayin ko siya. naniniwala pa kayo?

REGINA: (manghihilakbot) Tony! REGINA: Ano ang silbi ng aking itinuturo kung hindi ako
maniniwala? Kaya kong magretiro anumang araw ngayon pero
TONY: May isa pa kayong hindi nalalaman, Inay. Diyan sa nagtuturo pa rin ako - siguro'y sa nais kong makatulong sa
abangan ng sasakyan minsan, nang ako'y papuntang eskwela, paglikha ng mabubuting mamamayan. Ituturo mo sa kanila ang
isinakay ako sa “jeep” ng dalawang bataan ni “Mayor”. “Jeep” katarungan ngunit ikaw na mismo ang hindi naniniwala rito.
iyon ng mga pulis, at ang nagsakay sa akin ay parehong pulis. Bubuo ka ng mahuhusay na mamamayan nguni't ikaw mismo
Nagpaikut-ikot kami, nasa gitna nila ako.Sabi nila'y itigil daw ay hindi modelong mamamayan. Naniniwala ako, Tony. At
ninyo ang kaso, o --- maghihintay ako.

REGINA: Mga banta! banta! TONY: Mahuhulog kayo sa pampang! (Mula sa itaas, bababa si
Ana. Nasa mukha niya ang kawalang malamang gawin).
TONY: Isa iyan sa pinakakaraniwan nilang ginagawa- hindi
lamang sila ang gumagawa niyan. Pero ang kinatatakutan ko'y ANA: (sa hagdan pa lamang): Ninenerbiyos na naman si Aida,
ang kalalabasan ng inyong demanda - ng inyong paniniwala sa Regina. Nanlalamig mula pa kanina. Parang takot na takot.
hustisya. Nakabili na ba ng gamot?

Regina: Kung hindi pa ako maniniwala'y ano pa ang aking REGINA: (maaalala): Ang gamot nga pala. Sino ang bibili?
mahihintay?
ANA: Akala ko ba'y si Tony?
TONY: May kuwento tungkol kay San Agustin tungkol sa
paniniwala. Naglalakad daw si San Agustin sa tabing-dagat at (Iiling-iling na papanhik si Tony).
tinutuklas ang misteryo ng Divina Trinidad. Habang nag-iisip at
naglalakad, mayroon daw narinig si San Agustin na parang REGINA: Hindi ba puwedeng ipagpabukas na ang pagbili?
hanging nagbulong sa kanya: “Agustin, ang ginagawa mong Ano'ng oras na ba?
pagtuklas sa misteryong iyan ay kasing-hirap ng pagsalok mo
ng tubig sa buong dagat sa iyong palad. Pananalig, paniniwala, ANA: Mag-aalas-onse na siguro. Mayroon namang botika
riyang hindi nagsasara. Kailangan ni Aida, Regina. Hindi siya ilaw. (Aakyat ng ilang baitang) Halina, Regina. Matulog ka na,
mapapahinga kapag hindi nakainom. Maaring makasama pa sa ikaw nga ang pagod. (Tutuloy nang umakyat si Ana. Sa itaas,
kanya. Sa linggo kamo'y pupunta rito ang doktor. maririnig ang bilin niya, “Ben, abangan mong pagdating ng
kuya mo”).
REGINA: Gabi na, Ana. (Mananatiling nakaupo sa sala si Regina, nababaghan, hindi
makapaniwala. Pagkuwa'y kikilos siya, tatayo, maglakad-lakad,
ANA: (nagpapaubaya): Nasa iyo iyan, Regina. Pero si Aida- nakayuko at magkadaop ang palad. Mauupo siyang muli
(Mananaog si Tony). Eto na si Tony. pagkaraan. Sa kanyang harap, pagkaraan ng ilang saglit
makikita niya si Tony).
TONY: (patungo sa pinto) Lalakad na ako.
TINIG NI TONY: Walang mangyayari sa demanda niyo, Inay.
ANA: Alam mo ang pupuntahan mong botika?
(Mag-aangat ng mukha si Regina).
REGINA: Magtaksi ka na.
Alam ko na ang aking gagawin. Gaganti ako. Papatayin ko siya.
ANA: Umuwi ka kaagad. Kailangan ni Aida iyan.
REGINA: (Nagugulumihan) Tony!
REGINA: (pagkalabas ni Tony, parang gaping-gapi)
Kinakabahan ako, Ana. TABING

ANA: Sa pagkakapunta rito ni “Mayor”? Iintindihin mo iyon? (Sa pagbubukas ng tabing, makikitang nakaupo si Regina,
nakapikit, naiidlip, ang isang kamay ay nasa katangan ng upuan
REGINA: Kay Tony, Ana. Ibang-iba na siya ngayon. Ang mga at nakasapo sa noo, ang isa'y nasa kanyang kandungan. Sa
pinagsasabi niya! (Mapapakumpas lamang si Ana. Mananaog si labas, maririnig ang manaka-nakang pagdaraan ng taksi. Sa
Ben). labas din, maririnig ang pahagok na ingay ng trak na
nangongolekta ng basura at ang pagkala-kalantog ng mga
BEN: Umalis na ang kuya? inihahagis na lalagyan ng sukal).

REGINA: Oo. Bakit? (Mula sa itaas ay bababa si Aida, nakaputing damit-pantulog,


nakalugay ang buhok at nakatapak. Nakikita niya ng naiidlip na
BEN: (parang takot) May dala siyang baril. Ina nguni't hindi ito gigisingin. Tutuloy siya sa komedor,
bubuksan ang ilaw at may hahanapin sa kabinet. Matatabing
REGINA: Baril? niya ang isang bote ng gamot at ito'y mababasag. Magigising si
Regina).
BEN: Huwag ko raw sasabihin sa inyo. Sa malaking kahon sa
ilalim ng kama niya kinuha. REGINA: (parang naalimpungatan): Sino iyan? (Lalabas,
makikita si Aida na nakadukdok sa mesa) Aida!
REGINA: (hindi makapaniwala) Saan kukuha ng baril iyon?
AIDA: (mahina) Ang gamot, Inay?
BEN: Baril, Inay? Kitang-kita ko.
REGINA: (maaalala) Si Tony? Wala pa?
REGINA: (sasapuhin ang mukha) Diyos ko, ano kaya ang
kanyang gagawin? AIDA: Bakit pa?

(Tatayo nguni't tutop ang ulong mapapaupo). Sundan mo REGINA: Bumili ng gamot. Anong oras na ba?
kaya,Ben. Sundan mo kaya, Ana. (Lalabas si Ben).
AIDA: Pasado alas-dos na po siguro.
ANA: Siguro naglalalabas ng gabi iyan.
REGINA: (kinabahan) Umaga na. Saan kaya nagsuot ang
REGINA: Anong ginagawa? Antoniong ito? (Mauupo, gulo ang mukha) Sinabi namang
agahan at kailangan -
BEN: Hinahanap ang anak ng”mayor”. Hindi ko na siya
nakikitang nag-aaral kung gabi. Baka hindi na siya maging AIDA: May nabasag po akong bote.
“schoolar” sa susunod na semestre.
(Walang kibong kukunin ni Regina ang walis na tambo at
REGINA: (galit) Nalalaman mo pala'y hindi mo sinasabi? “dustpan” at dadakutin ang basag na bote. Patingkayad siyang
mauupo at pupulutin ang ilang bubog).
BEN: Kung isasama ako ng kuya'y sasama ako.
AIDA: Hindi ako makatulog, Inay.
ReGINA: Ang aking mga anak! Ang aking mga anak! (Sandaling
mananatili si Ben sa harap ng Ina, naaawang nakatingin dito, REGINA: (inililigpit ang dinampot) Gusto mo ng --- gatas?
tila nagsisisi sa sinabi. Pagkaraa'y malungkot siyang papanhik.
Papatayin ni Ana ang ilaw sa komedor). AIDA: (tatango, nanlalambot na nakatingin sa lumapit na ina)
May dugo kayo, Inay.
ANA: (papalapit kay Regina) Hindi mo sila masisisi, Regina, lalo
pa nga't pagkaraang marinig ang pinagsanib ng alkalde at ng REGINA: (pagulat) Saan?
konsehal. Ang hustisya'y hustisya lamang, kung madali itong
naibibigay at naibibigay nang pantay-pantay. Papanhik na ako. AIDA: Hayan.
(Sa hagdan) Pumanhik ka na rin. Iwan mo nang bukas iyang
REGINA: (titingnan ang damit, ang mga kamay) Saan? Saan kaya nagputa itong Toning ito?

AIDA: O, akala ko'y may dugo sa inyong palad. AIDA: Anong sinasabi ni Kuya tungkol sa nangyari?

REGINA: (ikakaskas ang kanang palad sa damit) Wala. REGINA: (parang mabibigla) Wala, wala namang sinasabi.

AIDA: Akala ko'y mayroon AIDA: (mangingiti) Kung pumapasok siya sa kuwarto at
kinakausap ako, nahuhuli kong tinitingnan niya akong mabuti.
REGINA: (naguguluhan) Ano ba ang gagawin ko? A, gatas. Gatas Medyo nalalaglag pa ang salamin sa kanyang ilong. Ang lalim
nga pala. niyang tumingin! Sabi lang ni Tiya Ana'y pangit ang nakakunot-
noo, pero sa tingin ko, bagay pa nga kay Kuya. (Uubusin ang
(Pupunta sa may kabinet, kukuha ng termos, sa reprihedora, laman ng baso).
kukuha ng gatas).
AIDA: (nakadukdok pa rin sa mesa, nakatingin sa dingding) REGINA: Siya, siya panhik ka na.
Lagi kong naiisip ang luma nating bahay, Inay.
AIDA: (kikilos) Kayo?
REGINA: (dala ang gatas) Ano ‘ka mo?
REGINA: Hihintayin ko siya. Ano na kayang oras?
AIDA: Ang ating lumang bahay, lagi kong naiisip ‘ka ko.
AIDA: Umaga na.
REGINA: Bakit?
REGINA: Umaga na?
AIDA: (nakasandal na ngayon, bahagyang tatango) Aywan.
Basta lagi ko lang naiisip. Parang gusto ko pang naroon tayo. (Papanhik si Aida. Maiiwan sa komedor si Regina, may
Parang natatakot ako dito. nakalaylay ngayong mga hibla ng buhok sa noo. Nakatayo siya,
wala na ang antok, parang namamalik-matang nakatingin sa
REGINA: (nakatingin sa palad) Bakit ka naman matatakot dito? pinto.

AIDA: Sabi niya'y huwag raw tayong magsusumbong. Hindi ako (Isang taksi ang pasagadsad na hihinto sa kanilang tapat.
natatakot kung ako. Pero baka kayo o si Ben- o si Kuya. Buti pa Mapapasugod si Regina sa pinto. Kakalapag ang pinto ng taksi.
ako. Kung anu-ano ang naiisip ko, Inay. At kasa-kasama ng Iingit ang pintong bakal. Lalabas si Regina.)
aking napapanaginip. Naparito raw siya at ang kanyang mga
kasama. Marami silang mga dalang baril. Nasa eskuwela kayo, REGINA: (sa labas) Tony! Ano'ng nangyari sa iyo?
may pinuntahan si Tiya Ana at pumasok si Ben. Kami lang
dalawa ni Kuya ang naiwan. Nakakatakot, Inay. Pinaupo nila sa (papasok sila, halos yakap ni Regina si Tony na sapo ang
mesa si Kuya, nakapaligid sila at siya'y may inaabot na bote ng duguang kaliwang balikat. Mapapaupo si Tony sa sala, hawak
lason kay Kuya. Inumin mo sabi sabi niya kay Kuya. Inumin ni Regina).
mo! At binunot niya ang baril at itinutok kay Kuya. Sinabi ko na
sa iyong huwag magsusumbong, nagsumbong ka pa rin, sabi AIDA: (Makakaramdam sa itaas): Kuya?
niya niya kay Kuya. Kaya inumin mo ito- iniaandot niya ang
bote ng lason- inumin mo! At-at nagmamakaawa ako sa kanya. REGINA: Ano'ng nangyari sa iyo?
Pasensiya na kayo, sabi ko, pasensiya na kayo sa kapaatid ko.
Anong pase-pasensiya, sabi niya, nagsumbong siya. Inumin mo! (Sesenyasan siya ni Tony na huwag maging maingay).
At ininom ni Kuya ang lason. Inay.
TONY: Aalis tayo rito, Inay. Dali! Gigisingin ninyo sina Ben.
REGINA: (aaluin ang anak) Iyang gatas, Aida. Huwag mong
isipin iyan. AIDA: (sa itaas, pakalabog na babangon at manggigising) Tiya
Ana! Ben! Ben!
AIDA: (ibaba ang baso) Kay bait pa naman ni Kuya kung sa
kanya gagawin iyon. TONY: Sa Nueva'y ‘cija, sa mga kamag-anak na magsasaka ni
Itay. Sa Tarlac, sa Pampanga, sa bundok.
REGINA: Hindi nila gagawin iyon. Hindi nila aanuhin ang kuya
mo. REGINA: (matatag) Hindi, Tony. Hindi tayo aalis. Susuko ka.

AIDA: Huwag naman sana nilang sasaktan, ano, Inay? TONY: Inay!

REGINA: Oo, hindi nila sasaktan. REGINA: (kakapkapin kay Tony ang baril) Bigay mo sa akin ang
baril.
AIDA: (nagpapahid ng labi) Ang bait-bait pa naman ni Kuya.
TONY: (pipigilin ang kamay ng ina) Kailangan ko ito, Inay.
REGINA: Mahal na mahal ka nga niya. Tiyak nila akong papatayin. Madali silang makagagawa ng
dahilan.
AIDA: (malumanay na): Noon, noon naisip ko, kung - kung
pipili ako ng mapapangasawa, ang pipiliin ko'y kamukha niya. REGINA: (aagawin ang baril at ipapaloob ang baywang ng
Mabait siya at mapag-alala. Aywan ko, pagkaraan si Itay siya na damit niyang pambahay) Susuko ka, Tony.
ang para kong naging ama. Hindi ba't parang siya naman
talaga, ha Inay? TONY: (tumututol) Inay, Inay---

REGINA: (balisa) Oo. (Mapapatingin sa may pinto, mahina) REGINA: Ibang krimen kaysa nangyari kay Aida.
PULIS III: Kalokohan!
TONY: (magugulat) At ako'y kriminal?
PULIS I: Paano'y nanlalaban!
REGINA: Pinatay mo siya.
REGINA: Nanlalaban!
TONY: “Huwag ninyong sasaktan ang sinumang balo o ulila sa
amang bata,” habilin ng Diyos kay Moses. “ Kapag sila'y inyong PULIS II: “Resisting arrest!” Ha-ha-ha!
sinaktan sa anupamang paraan at silang lahat ay tumawag sa
akin, ang panawagan nila'y tiyak kong diringgin. At ang poot PULIS: Nagtatangkang tumakas!
ko'y maglalatang, at kayo'y papatayin ko sa tabak.” Naglalatang
ang poot ng Diyos sa masasamang kamay na umagaw at REGINA: O! O!
humahawak ngayon ng kanyang tabak! Sasabihin ninyong
ako'y kriminal? Saan paano kanino ako hihingi, hahanap at ALKALDE: Pinatay niya ang aking anak!
makapagtatamo ng katarungan? Sino ang magbibigay? Inay,
ang kidlat ng Diyos ay ihahagis ng kamay ng naaapi at ang REGINA: Kayo ang batas kapag inyong anak!
tabak ng hustisya ay itataga sa lipunan ng mga pinagkakaitan
ng katarungan. PULIS I: Dadalhin namin sa husgado!

(Maliban sa panginginig at abut-abot na paghingal ni Aida ay REGINA: Husgado, anong husgado?


matahimik silang lahat. Sa labas, maririnig na ang mga
sirenang papalapit). PULIS II: Bakit ba marunong ka pa sa husgado?

TONY: Nariyan na sila!( Tatayo, magpapalinga-linga). PULIS III: Sa hustisya!

REGINA: (nakasunod) Susuko ka, Tony. REGINA: Hustisya! Hustisya! Alam ba ninyo ang kahulugan ng
hustisya? Kayo, “Mayor” alam mba ninyo ang kahulugan niyan?
(May sisigaw sa labas ng “Calderon, napapaligiran ka na namin.
Sumuko ka”.) (Ubus-lakas siyang sasampalin ng alkalde at siya'y babagsak.
Mapapayakap sa kanya si Ben).
REGINA: (kay Ben) Buksan mo ang pinto, Ben.
PULIS I: Posasan iyan.
(Bubuksan ni Ben ang pinto) Maayos siyang susuko. Halikayo,
narito siya. PULIS II: Masyadong makatuwiran!

(Bunot ang mga baril, papasok ang mga pulis, karamiha'y REGINA: (umiiling) Hindi ninyo nalalaman, “Mayor”, ang
nakauniporme, ang ila'y nakasibilyan at may mga taling panyo kahulugan niyan. Hindi ninyo nalalaman. (Malakas) Kayo, lahat
sa ulo). kayo, hindi ninyo nalalaman ang kahulugan niyan!

Hayan siya. (ituturo si Tony na nakatayo sa may komedor). PULIS III: Binaril mo ang sarili mong anak!

(Papasok ang alkalde, bunot ang baril. Itututok nito ang baril PULIS I: “Parricide!”
kay Tony nguni't matatabig ni Regina. Sa dingding tatama ang
bala). ALKALDE: Pananagutan mo ito.

REGINA: Maayos siyang susuko,”Mayor”. Hayan, nariyan ang REGINA: Pananagutan mo ito.
aking anak, arestuhin ninyo.
PULIS II: (hihiklatin si Ben kay Regina): Halina! Halina!
(Pagtutulung-tulongan ng mga pulis si Tony. Malakas na
mapapatili si Aida. Pagkabaliti kay Tony, may kakadyot dito, Sa presinto!
may sisipa, may papalo, may dadagok. Mapapaluhod si Tony, at
makalawang makapagpapaputok si Regina bago maagaw ng PULIS III: Sa presinto!
isang pulis ang kanyang baril. Babagsak si Tony).
PULIS I: Doon ka makipagdebate.
ALKALDE: Bakit mo binaril?
ALKALDE: Dalhin ninyo!
REGINA: (hawak nang dalawang pulis): Kapag sinaktan ng
ibang bata ang ating anak, at tayo'y walang magawa sa nanakit REGINA: (napoposasang ilalabas): O, dalhin ninyo ako kahit
sa kanya, di ba ibinubuhos natin ang parusa sa ating anak? Ang saan. Sa presinto, sa korte, sa husgado, kahit saan! Dalhin ninyo
sabi ninyo'y aarestuhin ninyo ang aking anak ano ang inyong ako kahit saan. Pananagutan ko ang pagkamatay ng aking anak.
ginagawa? Ako ang pumatay sa aking anak!

PULIS1: Inaaresto! (Papalakas) Pinatay ko ang aking anak! Sasabihin ko sa lahat


REGINA: Inaaresto! na pinatay ko ang sarili kong anak. Pinatay ko ang aking anak!

PULIS II: Dadalhin namin sa presinto! (Lalabas sila. Maiiwan sina Ana, Ben, at Aida. Kapuwa
nakatingin sa bukas na pinto sina Ben at Ana, sinusundan ng
REGINA: Dito pa lamang ay pinapatay na ninyo! tingin ang mga nagsilabas. Nakalupasay sa isang tabi si Aida at
umiiyak. Nasa kanyang kinabagsakan si Tony).

You might also like