0% found this document useful (0 votes)
31 views5 pages

Edukasyon Sa Pagpapakatao 5

Ang dokumento ay isang pagsusulit para sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao na naglalaman ng mga tanong na nagtatasa sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga konsepto ng pagtutulungan, katapatan, at responsibilidad. Ang mga tanong ay nakatuon sa mga sitwasyon na nangangailangan ng mapanuring pag-iisip at tamang desisyon sa mga sitwasyong panlipunan. Ang pagsusulit ay may layuning suriin ang kakayahan ng mga mag-aaral na ilapat ang kanilang natutunan sa tunay na buhay.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
31 views5 pages

Edukasyon Sa Pagpapakatao 5

Ang dokumento ay isang pagsusulit para sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao na naglalaman ng mga tanong na nagtatasa sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga konsepto ng pagtutulungan, katapatan, at responsibilidad. Ang mga tanong ay nakatuon sa mga sitwasyon na nangangailangan ng mapanuring pag-iisip at tamang desisyon sa mga sitwasyong panlipunan. Ang pagsusulit ay may layuning suriin ang kakayahan ng mga mag-aaral na ilapat ang kanilang natutunan sa tunay na buhay.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

1ST Periodical Test

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: ________

Panuto: Suriing mabuti ang larawan. Basahin mabuti ang pangungusap at bilugan ang tamang titik.

1. Ano ang ginagawa ng mga mag-aaral sa larawan?


A. Nagkakasiyahan sa paglalaro
B. Pinag-uusapan ang ibang kaklase
C. Nagtutulungan sa pangkatang gawain
D. Masusing nag-uusap tungkol sa kahit anong bagay

2. Ano ang ipinapakita ng bawat miyembro ng pangkat sa kanilang ginagawa?


A. Nagtutulungan ang bawat miyembro
B. Nakikinig ang bawat isa sa ideya ng iba
C. Nakikiisa ang bawat isa sa gawain
D. Lahat ng nabanggit

3. Sa iyong palagay, ano ang dapat tandaan ng bawat miyembro ng pangkat upang maging mabilis at maayos
ang gawain?
A. Ipaubaya sa ibang miyembro ang gawain dahil sa tingin mo mas magaling sila sa iyo.
B. Makikilahok ang bawat miyembro upang mapadali ang gawain.
C. Hindi sasali sa gawain dahil walang ibabahaging ideya.
D. Ipagpilitan ang nabuong ideya tungkol sa gawain.

4. Ano ang iyong gagawin kung hindi mo naintindihan ang ipinapagawa sa iyo ng guro?
A. Hayaan na lamang sapagkat nakakahiya.
B. Magtatanong sa katabi kung anong gagawin.
C. Hindi na lamang iintindihin ang sinasabi ng guro.
D. Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol sa gawain.

5. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto ang iyong pangkat?
A. Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa nang mapabilis ang ginagawang proyekto
B. Upang lalong mapatagal ang ginagawang proyekto
C. Upang bigyan ng malaking marka ng guro
D. Upang purihin ng guro
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at tukuyin kung alin sa mga pagpipilian ang nagpapakita ng
katapatan. Bilugan ang letra ng tamang sagot

6. Napagtanto ni Celso na sobra ang ibinigay na sukli ng tindera sa grocery store na kaniyang binilhan. Ano
ang dapat niyang gawin?
A. Umuwi kaagad sa bahay pagkatapos bumili.
B. Pagalitan ang tindera dahil nagkamali ito.
C. Ibalik ang sobrang sukli sa tindera.
D. Isilid sa bulsa ang sobrang sukli.

7. Nakita mo ang iyong kaklase na mabilis na lumabas ng palikuran ng mga babae na parang may
tinatakasan. Kinabukasan ay inanunsyo ng punong guro ng paaralan na mayroong nagsulat sa dingding sa
loob ng palikuran. Bilang isang matapat na mag-aaral, ano ang gagawin mo?
A. Ipagsigawan sa buong paaralan na ang iyong kaklase ang nagsulat.
B. Pumunta sa punong guro at makipag-usap nang masinsinan tungkol sa iyong kaklase.
C. Ipahiya ang kaklase sa buong paaralan.
D. Tumahimik lang at huwag sabihin ang nakita.

8. “Bawal umihi rito”. Ito ang karatulang mababasa sa pader sa tapat ng inyong paaralan. May mga
kabataang lalaki ang lumabag sa babala na bawal ang umihi sa lugar na iyon. Paano mo aaksyonan ang
pangyayari?
A. Isumbong kaagad ang mga nakitang lalaki
B. Pagalitan ang mga lalaking umihi sa hindi tamang lugar.
C. Pagsabihan nang mahinahon ang mga lalaki na bawal umihi rito.
D. Sabihin sa punong guro na may mga lalaking lumabag sa babala ng paaralan.

9. Alam ni Myra na si Jose ang nambato sa batang katutubo sa inyong paaralan ngunit natakot siyang sabihin
ang katotohanan dahil sa pinagbantaan siya ni Jose. Gustong ipaalam ni Myra ang totoo, kanino niya ito
sasabihin?
A. Sasabihin ni Myra sa kaniyang mga kaklase.
B. Sasabihin ni Myra sa kaniyang kapitbahay.
C. Sasabihin niya ito sa guro ng batang katutubo.
D. Sasabihin niya ito sa punong barangay.

10. Pinuri ng Science teacher si Jane dahil nakakuha siya ng pinakamataas na marka sa pagsusulit.
Pinalakpakan at pinuri siya ng buong klase. Mayamaya lang ay dahan-dahan siyang tumayo at pumunta sa
gitna. Inamin niya na siya ay nagkodigo. Anong katangian ang ipinakita ni Jane sa kaniyang pag-amin sa
kasalanan?
A. Pagpapakumbaba
B. Pagkamatapat
C. Pagkamasunurin
D. Pagkamabait

11. May nagpuntang bata sa inyong bahay. Kukunin niya ang kaniyang laruan na nahulog sa inyong
bakuran. Bago pa man pumunta sa inyo ang bata, nakita mo na ang hinahanap niyang laruan. Kinuha mo ito.
A. Itatanggi mong nasa iyo ang laruan
B. Ibabalik sa may-ari ang laruang nakuha sa bakuran
C. Papaalisin ang bata
D. Itatago ito

12. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili sa tindahan. Sobra ang perang pambili na naibigay sa iyo.
A. Ibabalik ang sobrang pera
B. Ibibili ng kendi ang sobrang pera
C. Itatago ang sobrang pera
D. ibibigay sa kaibigan
13. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kinuha ang bolpen ng iyong kamag-aral.
A. Sasabihin sa kaibigan na ibalik ang bolpen
B. Hindi kikibo at babalewalain ang mga nangyari
C. Pauwiin ang kaibigan
D. Pagalitan ang kaibigan

14. Inihabilin sa iyo ng inyong guro na bilangin mo ang mga test tubes na ginamit ninyo sa eksperimento
pagkatapos ng klase. Nabilang mo na at ibabalik na sana nang napatid ka at nabitawan ang mga test tubes na
hawak at ito ay nabasag.
A. Magkunwari na walang alam sa nangyari
B. Ipagtatapat sa guro ang nangyari at sasabihin kung ilan ang nabasag
C. Aalis na lamang bigla sa silid-aralan
D. mauupo na lang

15. Niyaya ka ng matalik mong kaibigan na dumaan muna kayo sa palaruan bago pumasok sa paaralan. Sa
kapipilit ay sumama ka sa kaniya dahilan para mahuli kayo sa klase. Tinanong kayo ng inyong guro kung
bakit nahuli kayo sa pagdating..
A. Sasabihin sa guro na inutusan ng iba pang guro kung kaya nahuli sa klase
B. Hindi na lamang kikibo
C. Ipagtatapat sa guro ang ginawa, hihingi ng tawad at mangangakong hindi na uulit
D. tatayo lang

16. Nag-away ang dalawa mong kaklase. Si Niko na matalik mong kaibigan ang nagsimula ng gulo. Bilang
kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
A. Tutulungan ang kaibigan at makikipag-away din sa kaklase.
B. Pagtatawanan ang dalawang nag-aaway.
C. Aalis at pababayaan ang nag-aaway.
D. Aawatin ang nag-aaway at pagsasabihan silang dalawa sa mahinahong paraan.

17. Kailan makikita ang katapatan sa sarili?


A. Aangkinin ang gawa ng iba para purihin ng guro.
B. Tatanggapin nang maluwag sa loob ang maliit na marka at pag-iigihin ang pag-aaral sa susunod.
C. Magagalit kapag pinupuna ng kaklase.
D. Maniniwalang palaging tama ang kaniyang ginagawa.

18. Nag-away ang dalawa mong kaklase. Si Niko na matalik mong kaibigan ang nagsimula ng gulo. Bilang
kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
A. Tutulungan ang kaibigan at makikipag-away din sa kaklase.
B. Pagtatawanan ang dalawang nag-aaway.
C. Aalis at pababayaan ang nag-aaway.
D. Aawatin ang nag-aaway at pagsasabihan silang dalawa sa mahinahong paraan.

19. Kailan makikita ang katapatan sa sarili?


A. Aangkinin ang gawa ng iba para purihin ng guro.
B. Tatanggapin nang maluwag sa loob ang maliit na marka at pag-iigihin ang pag-aaral sa susunod.
C. Magagalit kapag pinupuna ng kaklase.
D. Maniniwalang palaging tama ang kaniyang ginagawa.

20. Inihabilin sa iyo ng inyong guro na bilangin mo ang mga test tubes na ginamit ninyo sa eksperimento
pagkatapos ng klase. Nabilang mo na at ibabalik na sana nang napatid ka at nabitawan ang mga test tubes na
hawak at ito ay nabasag.
A. Magkunwari na walang alam sa nangyari
B. Ipagtatapat sa guro ang nangyari at sasabihin kung ilan ang nabasag
C. Aalis na lamang bigla sa silid-aralan
II. Isulat ang tsek (✓) sa bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan sa
radyo, nabasa sa pahayagan, o internet at ekis (x) kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip.

_____ 21. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita ukol sa pamamahagi ng
bigas.
_______22. Naniniwala ako sa balitang aking nabasa tungkol sa mga dahilan ng pagpapasara sa ABS- CBN.
_______23. Naikukumpara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o facebook.
______24. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.
______25. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.
_______26Lumiban sa klase para maglaro ng DOTA.

_______27. Gabayan ng mga magulang ang mga anak sa paggamit ng media.

_______28. Huwag gamitin ang cellphone tuwing gabi upang makatulog nang maaga.

_______29. Ilagay sa ilalim ng unan ang cellphone.

_______30. Manood nang malalaswang palabas sa youtube.

_______31. Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan. Agad
mo itong sinabi sa iyong Nanay pati ang eksaktong halaga ng naturang proyekto.
_______32. Nakalimutan ni Noli na gawin ang kaniyang takdang aralin. Nang tawagin siya ng kaniyang
guro, sinabi niyang naiwan ito sa kanilang bahay.
_______33. Si Ana ay tumakbo sa pagkapangulo sa Supreme Pupil Government ng kanyang paaralan. Sa
araw ng halalan ay may nakita siyang nakakalat na balota na gagamitin sa botohan. Kaagad
niyang ibinalik ang mga ito sa gurong taga-pangasiwa.
______34. Si Mang Aldo ay nangungupit ng mga kagamitan mula sa opisina na kaniyang pinagtatrabahuan
at agad niya itong ibinebenta sa labas sa mas mababang halaga.
_______35. May malasakit sa mga gawain sa pabrika si Ruby, nakatingin man o hindi ang kaniyang amo sa
oras ng trabaho.
_______36. Ang tagumpay ng isang proyekto ay bunga ng pagkakaisa ng bawat miyembro.
_______37. Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa lahat.
_______38. Ang lider ng pangkat ang dapat masusunod.
_______39. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.
_______40. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.
III. Piliin sa Kolum B ang ibig sabihin ng pahayag na nasa Kolum A. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Kolum A Kolum B

___1. Kusang paggawa/Paggawa ng hindi A. Tungkulin


inuutusan

___2. Nakatakdang proyekto B. Pagtutulungan

___3. Kooperasyon sa gawain C. Pagkukusa

___4. Samahan D. Pagkakaisa

___5. Pagtatapos ng gawain E. Gawain

___6. Inaasahang gampanin F. Katarungan

___7. Nais na makamtan sa paggawa G. Pangkat

___8. Sama-samang paggawa H. Tagumpay

___9. Pahayag ng pagmamalasakit I. Layunin

___10. Pagbibigay sa kapuwa ng nararapat J. Pakikilahok

Prepared:

BERNADETTE B. SEGUNDO
Class Adviser reviewed:

ONOFRE M. MOLINA PhD


P-IV/Schoolhead

You might also like