Paaralan Geras Integrated School- Baitang Baitang 9
Secondary
Guro Emmarielle C. Francisco Asignatura Araling Panlipunan
Petsa March 22, 2023 Markahan Ikatlong Markahan
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
ISABELA CITY SCHOOLS DIVISION
GERAS INTEGRATED SCHOOL
Barangay Sumagdang, Isabela City
Basilan
BANGHAY-ARALIN
Panuruang Taon 2022-2023
Bilang ng Linggo Ikalimang Linggo
I. LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag unawa sa mga pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonomiya bikang kabahagi sa pagpapabuti ng
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
B.Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong
ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
C.Mga Kasanayang Pagkatuto Nasusuri ang iba't ibang epekto ng Implasyon - AP9MAK-IIIe-10
Napapahalagahan ang paglutas ng implasyon - AP9MAK-IIIe-11
D.Tiyak na Layunin a. Nasusuri ang mga epekto ng implasyon.
b. Napapahalagahan ang paglutas ng implasyon.
c. Nakabubuo ng maikling tula tungkol sa epekto ng implasyon.
II. NILALAMAN EPEKTO AT PAGLUTAS NG IMPLASYON
III. KAGAMITANG PANTURO Biswal aids, pandikit, panulat, manila paper
A.Sanggunian Ekonomiks - Araling Panlipunan 9 Modyul para sa Mag-aaral
IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A.Panimulang gawain
A.1 Panalangin
Magsitayo muna ang lahat para sa panalangin. (Pangungunahan ng estudyante ang panalangin)
(Magtatawag ng isang estudyante upang pangunahanan
ang panalangin)
A.2 Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga po mga guro.
Kamusta kayo? Maayos po Ma'am Emma.
Handa na ba kayong matuto? Opo Ma'am.
A.3 Alituntunin sa silid-aralan
Bago kayo umupo ay ayusin muna ang inyong mga upuan
at pulutin ang mga nakakalat na basura.
Opo Ma'am. Salamat po.
Ayos na ba ang lahat? Maaari na kayong umupo.
Ngayon, makinig muna ang lahat sa mga alituntunin natin
habang tayo ay nasa loob ng silid aralan na ito.
1. Pag may nagsasalita o nagbibigay ng sagot, guro
man o kaklase ninyo dapat kayong makinig at
ibigay ang inyong buong atensyon sa kanila.
2. Kung mayroon kayong katanungan o nais ninyong
sumagot, itaas lamang ang inyong mga kamay.
3. At higit sa lahat huwag kayong maingay. Opo Ma'am.
Nauunawaan niyo lang ba ang mga alituntunin?
A.5 Pagtsetsek ng liban sa hindi liban
Maaaring umupo muna ang lahat sa kani kanilang mga
grupo upang matukoy kung ilan ang absent.
Monday group o group 1 ilan ang lumiban sa klase? Wala po Ma'am.
Tueday group o group 2? Mat tatlo po Ma'am.
Wednesday group o group 3? Isa lamang po.
Thursday group o group 4? Dalawa po Ma'am.
Friday group o group 5? Wala pong lumiban Ma'am.
B Balik Aral
May makakabahagi ba sa akin kung ano ang tinalakay natin
kahapon? Natalakay po natin kahapon ang tungkol po sa mga dahilan
kung bakit nagkakaroon po ng Implasyon.
Opo natalakay natin ang mga dahilan ng implasyon. Mag
bigay ng isang dahilan. Cost push inflation po.
Ito po yung pag taas po ng presyo po ng mga gastusing
Ano naman ang naging pamproduksiyon gaya ng mga hilae na sangkap o
materyales kung kaya'y tumataas din po ang output ng
mga prodyuser.
Demand pull po, ito po ay nagaganap pag halimbawa
Okay mahusay. Ngayon naman may pag aaralan tayong maraming pera ang tao tapos bibili po sila ng bibili, tataas
kasunod ng dahilan ng impasyon. po ang demand at ang presyo po ng bilihin.
C Paggagayak
Ngunit bago ang lahat, chika muna tayo. Diba natanong ko
kahapon kung nasubukan niyo nang magbenta ng mga
produkto?
Opo Ma'am.
Pamilyar naman kayong lahat sa sari sari store no? Kase
ngayon tatanungin ko kung nasubukan niyo nang bumili sa
tindahan. Opo Ma'am.
Naranasan niyo na yung bibili kayo ng isang produktong lagi
niyong binibili tapos bigla na palang tumaas at kulang ng Opo.
ilang piso pera niyo?
Ano ang nararamdaman ninyo? Naapektuhan ba kayo o
hinde? Nagugulat po kase mahal na pala. Tapos nahihiya po kase
kulang po ang pera.
Okay ngayon, may ipapagawa ako sa inyo.
D Gawain
Sa inyong grupo, may ibibigay akong mga grupo ng salita.
Syempre wala pa kayong ideya diyan kase di pa naman
natin natatalakay.
Ang gagawin ninyo ay ididikit ninyo sa harap ang mga grupo
ng salitang sa tingin niyo ay magkaugnay at papangalanan
ninyo kung ako ang paksa ng mga grupo ng ideyang inyong
napagsama sama.
Halimbawa kung ang mga salita ay: sampaguita, mahogany,
gumamela, germilina, acacia, rose, at tulip, paano niyo
ihihiwalay ang mga salita? Ano ang grupo ng mga ideya ang Ihihiwalay po namin sa dalawa, bulaklak at puno po ang
mabubuo ninyo? Ano ang magiging paksa? magiging paksa.
Magaling. Ngayon
Mga nakikinabang Mga nalulugi sa
sa Implasyon Implasyon
Umuutang Mga nagpapautang
Negosyante Mga empleyado
Speculators Mga nag-iipon
E. Pagsusuri
Kamusta ang pag aayos ninyo ng mga ideya? Ayos po.
Ano naman ang inyong nahinuha o nabuong ideya mula sa
ginawa ninyong activity? Tingin po namin sila po yung mga naapektuhan sa
implasyon po.
Tama. Ang ilan sa mga diyan ay ang mga mamamayang
naapektuhan ng implasyon. Ang ilan naman ay ang mga
nakikinabang
Ano sa tingin ninyo ang magiging paksa natin ngayong Ang mga nakikinabang at naapektuhan po.
araw?
F. Paghahalaw
Epekto ng Implasyon sa Mamamayan
MGA TAONG NAKIKINABANG SA IMPLASYON
Mga umuutang
Ang mga umuutang ay may 10% na interes sa kanilang
binayad na pera. Ang ibinayad ng nangutang kasama ang
interes ay ₱1,100, ngunit dahil sa 15% ng Implasyon ang
halaga ng buong ibinayad ay ₱935 lamang kaya siya ay
nakinabang.
Paano kaya naging ₱935 pesos na lamang ang kaniyang
babayaran? Kase po yung orihinal na babayaran niya po ay ₱1,000,
dahil po may 10% na interes po iyon ang babayaran niya
po ay 1,100. Pero dahil po may 15% ng implasyon, kung
kaya babawasan ang kaniyang babayaran ng 15%
Magaling. Dito naman tayo ngayon sa
Mga negosyante/ may ari ng kumpanya
Retailer ang isang tao at marami siyang imbak nito. Kapag
tumaas ang presyo ng gasolina, tataas ang presyo ng
kaniyang kita nang hindi inaasahan.
Anong nangyari dito, pakipaliwanag.
Retailer po siya at nagbebenta ng produktong bulto niyang
binili or maramihan kung kaya'y pwede siyang magtabi ng
maraming produkto. Kung sakaling tataas ang presyo ng
langis, mabebenta niya ito nang mas mahal kumpara sa
nauna nitong presyo kung kaya masasabing malaki ang
naging presyo ns kaniyang kinita
Mga speculator at mga negosyanteng may lakas ng
loob mamuhunan
Mga real estate broker, nagtitinda ng mga alahas at iba pa
na nag speculate na tataas ang presyo sa hinaharap
Dito naman, sila yung may mga investments na at
naghihintay silang tumaas ang halaga ng produktong meron
sila.
Speculate, yung pinapanood o nag oobserve ka lang ng
kaganapan sa ekonomiya. Kaya nga minsan nangyayari
ang hoarding, hindi dahil kailangan nila yung produkto kundi
dahil balak nila itong ibenta pag tumaas na ang halaga ng
naimbak nila.
ANG MGA TAONG NALULUGI
Kung merong nakikinabang, meron ding mga
naluluging mamamayan dahil sa Implasyon.
Mga taong may tiyak na kita
Ang mga empleyado tulad ng guro, pulis, clerk, nars at iba
pang tumatanggap ng tiyak na kita bawat buwan ay
matinding naaapektuhan sa pagtaas ng presyo. Ang dating
dami sa kanilang nabibili ay nababawasan dahil bumababa
ang tunay na halaga ng salapi.
Ganyan ang nangyayari ngayon, tumataas ang presyo ng
bilihin ngunit ang sweldong kanilang natatanggap ay ganun
parin. Kung naaalala ninyo yung halimbawa noong bago pa
lamang natin tinatalakay ang implasyon, may larawan ng ng
tatlong basket akong ipinakita kung saan ang ang mga
basket ay nagkakaiba ang dami ng produktong nilalaman sa
paglipas ng panahon.
Bakit nga ba dati ang dami pang nabibili ng halagang
₱500?
Tama. Ngayon dumako naman tayo sa mga taong
nagpapautang
Kase po dati hindi pa po mahal ang mga bilihin kung kaya'y
Ang mga taong nagpapautang marami pang nabibili.
Ang taong nagpautang ay umaasa na kikita ng 10% interes
sa kaniyang pinahiram na pera. Ang ibinayad ng nangutang
kasama ang interes ay Php1,100. Ngunit dahil sa 15% ng
implasyon, ang halaga ng kaniyang tinanggap ay Php935
lamang kaya siya ay nalugi.
O diba kabaliktaran sa nangyari kanina? Nagpapautang
tayo kase umaasa tayong may matatanggap tayong tubo o
ineteres mula sa umutang satin ang 10% ng 1,000 ay 100.
Malaking bagay na sana kung makakatanggap tayo ng
ganung halaga kung patuloy na tumataas ang bilihin ngunit
dahil nga sa implasyon, yung inaasahan niyang kita ay
nabawasan pa.
Mga taong nag-iimpok
Sila ay malulugi kapag ang interes ng kanilang inimpok sa
bangko ay mas maliit kompara sa antas ng implasyon. Ang
real value o tunay na halaga ng salaping nasa bangko ay
bumababa bunsod ng mas mababang kinikita nito mula sa
interes.
PAGLUTAS NG IMPLASYON
G. Paglalapat
Tula
Bumuo ng maikling tula tungkol sa epekto ng Implasyon.
Ang tula ay dapat may dalawang saknong at apat na linya
bawat saknong. Ito ay malaya, ibig sabihin pwedeng walang
sukat at hindi tugma ang tunog ng mga huling salita. Ang
pamagat ay Epekto ng Implasyon.
Makinig at babasahin ko ang rubriks
H. Paglalahat
Ano nga ulit ang ang ating paksang tinalakay ngayong Tungkol po sa dahilan ng implasyon.
araw?
Maaari mo bang ibahagi sa klase ang iyong natutunan?
Natutunan ko po na may dahilan kung bakit tumataas ang
bilihin natin, isang halimbawa po ang mataas na presyo ng
*Magtatawag pa ng ilang estudyanteng nais magbahagi ng mga sangkap.
kanilang mga natutunan.
Dahil mukhang may natutunan na kayo. Kumuha ng ¼ na
papel at sagutin ang mga tanong sa pisara. Basahin at
intindihin ang panuto.
V. Ebalwasyon
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang demand pull inflation? 1. B
A. And demand pull inflatuon ay pagbaba ng gastusing
pamproduksiyon kung kaya bumababa ang presyo
ng mga bilihin.
B. Ang demand pull inflation ay ang pagtaas ng
paggastos ng sambahayan, bahay kalakal,
pamahalaan, at panlabas na sektor.
C. Ang demand pull inflation ay ang kawalan ng pera
ng mga mamamayan kung kaya wala silang
kakayahang makabili.
D. Ang demand pull ay pagtaas ng gastusing
pamproduksiyon na siyang nagiging sanhi ng
pagtaas ng presyo ng mga bilihin
2. Ano ang cost push inflation?
A. Ang cost push inflation ay pagbaba ng gastusing 2. D
pamproduksiyon kung kaya bumaba ang presyo ng
mga bilihin.
B. Ang cost push inflation ay ang pagkakaroon ng
labis na dami ng salapi sa sirkulasyon kung kaya
tumataas ang demand.
C. Ang cost push inflation ay ang kakulangan sa pera
ng mga tao kaya wala silang kakayahang makabili.
D. Ang cost push inflation ay ang pagtaas ng
gastusing pamproduksiyon na siyang nagiging
sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
3. Natutulungan bang bawasan ang pagtaas ng
presyo kapag maraming pera ang mga tao?
A. Hindi, dahil mas nagkakaroon ng kakayahang
makabili ang mga tao kung kaya ang tumataas
ang demand at tumataas din ang presyo. 3. A
B. Oo dahil ito ang kasagutan sa kahirapan.
C. Hindi dahil hindi naman totong marami ang pera ng
mga tao.
D. Oo dahil babayaran ng mga konsyumer ang mga
prodyuser para bawasan nila ang presyo.
4. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng
katotohanan tungkol sa demand pull inflation?
A. Nagaganap ang demand pull inflation pag
tumataas ang paggastos ng sambahayan, bahay
kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor.
B. Nangyayari ang demand pull kapag naghihilahan
ang mga manggagawa ng trabaho.
C. Nagaganap ang demand pull kapag tumaas ang 4. A
gastusing pamproduksiyon na siyang nagiging
sanhi ng pagtaas ng presyo.
D. Nagaganap ang deman pull inflation tuwing
tumataas ang sahod ng mga manggagawa.
5. Bilang isang estudyante, alin sa mga ito ang
magagawa mo upang mabawasan ang implasyon?
A. Gumasta ng walang pakundangan
B. Bumili ng mga produkto online.
C. Magdesisyon ng maayos sa paggasta at
tangkilikin ang lokal na produkto natin.
D. Mag aral ng mabuti.
5. C
VI. Takdang-aralin/Kasunduan
Hanapin sa Internet ang mga epekto ng implasyon sa
mamamayan at basahin ito sa bahay.
Paalam na sa inyong lahat. Paalam na po mga guro.
Prepared by:
Emmarielle C. Francisco BSED IV
Pre-Service Teacher