You are on page 1of 1

Ilang Pamahiin ng mga Pinoy

Kailangan ang hagdan at hindi divisible by three, dahil sa oro plata mata, na ibig sabihin ay ginto, pilak, kamalasan o kayay kamatayan. Kasi mamalasin kapag nagtatapos sa MATA ang bilang naghagdan. ORO in ORO,
PLATA, MATA does not refer to gold itself but to gold coins, the symbol of royalty and fine living. PLATA does not refer to silver itself but to silver coins, the symbol of the lifestyle of commoners. MATA refers to shrubs, the symbol of the working class whose life depended not on symbols of the currency but on what the earth gives, the crop.

Bawal ang pintuan na magkatapat. Lagusan pa rin kung tawagin ang mga pintuang yan, may mga nilalang na maaring mag labas masok diyan. (at ang pintuan namin ay magkatapat kaya daming mumu dito) Bawal yung papasok ang pintuan. Katulad ng sa ikalawang pamahiin, may mga pintuan ang mga nilalang na yan na hindi katulad ng sa atin. Bawal maglagay ng salamin sa labas ng bahay, for example, sa garahe, viranda o terrace.. May mga espiritong sa loob ng salamin. Dito sa amin may doppelganer*sila yung mga nanggagaya ng istura* at alam niyo ba kung saan sila nagtatago? Sa salamin. (at mayroon kaming dalawang malalaking salamin sa labas ng bahay, ung isa nabasag na, yung isa tinanggal na nilipat sa bahay ng lola ko) Kapag magpipicture taking, bawal tatlo. Kasi daw mamatay yung nasa gitna, ewan ko ba haha natatawa ako sa kasabihang to. (tatlo kaming original na magkakapatid, anong gusto niyong gawin samin?, favorite spot ko sa gitna pag picture taking) and I died. Kapag galing ka sa patay, pupunta ka muna sa ibang lugar bago ka umuwi. Para hindi ka sundan ng kaluluwa ng namatay o para hindi sumama sa bahay niyo ang kamalasan. Kapag may namatay sa panaginip e kakagat sa kahoy bago mo ikwento. Upang hindi magkatotoo ang napaniginipan mo. (huhu, madalas mangyare sakin dati na may namamatay sa panaginip ko, lagi naman ako kumakagat sa lapis bago ko ikwento) Sukob sa patay. Kapag may namatay at mayroong ikakasal sa parehang taon, yun ang sukob sa patay. Magdadala ng maraming kamalasan ang dala nito sa buong pamilya ninyo. Huwag pipito sa gabi. Kasi ibig sabihin daw nagtatawag ka ng mga kaluluwa.

You might also like