You are on page 1of 5

ARALIN 8 : PAGTITIMPI ,

PINAHAHALAGAHANG UGALI
Naranasan mo na bang tuksuhin o manukso ng
kapuwa mo mag-aaral?

Kung ikaw naman ay palaging tinutukso ng iyong


mga kalaro o kaklase, madali ka bang mainis o
magtampo?
Ano ang gagawin mo sa mga
sitwasyong ganito?
Inagawan ka ng baon ng iyong kaklase sa loob ng
silid-aralan
Siningitan ka sa pila ng iyong kaklase sa tray.

Itinulak ka ng iyong kalaro dahil gusto niyang


mauna sa pagkuha ng tubig sa gripo.
Panoorin natin ang video na to

click
Tandaan natin:
Ang pagiging mapagtimpi ay isang
pinahahalagahang ugali na dapat isabuhay. Gaya
ng ating mga magulang, sila ay nagpapakita ng
pagiging mapagtimpi sa pagpapalaki sa kanilang
mga anak. Ang ating mga guro ay ganoon din. Sa
kabila ng mga kaguluhan, kakulitan, at pagiging
pasaway ng mga mag-aaral, iniiwasan nilang
magalit. Nagtitimpi sila dahil gusto nilang ipaalam sa
mga mag-aaral na kailangan ang ugaling ito para sa
magandang pakikisalamuha at pakikipagkapuwa-
tao. Naipapakita sa ugaling mapagtimpi ang
pagmamahal na tapat sa isang tao.
Ang taong mapagtimpi ay nalalayo
sa pakikipag-away. Dahil hindi siya madaling
magalit o mainis, kinagigiliwan siya ng
marami: sa pamilya , paaralan , o
pamayanan.
Sa lahat ng pagkakataon, kailangan
natin ang magtimpi. Sa ganito , magiging
positibo ang pakikisalamuha natin sa kapuwa
saan man tayo patungo.

You might also like