You are on page 1of 7

Noli Me

Tangere
Dr. Jose P. Rizal
Kabanata 1: Isang Pagtitipon
Isang handaan ang inihanda ni Kapitan
Tiyago “ Don Santiago delos Santos” bago
matapos ang Oktubre. Palibhasa ay galante kaya’t
lahat ng dako sa Maynia ay nakaalam.
Nakatago sa tabi ng Wawang Binondo ang
magarang tahanan na may orkestrang masiglang
tumutugtog. Tinanggap ng matandang pinsang si
Isabel ni Kapitan Tiyago ang mga panuhin.
Magkahiwalay sa mga umpukan ang mga
kababaihan at mga kalalakihan na higit na
maingay.
Pinagtatalunan naman ng isa pang grupong
maingay ang kapabayaan ng mga Indiyo na nauwi sa
mainitang pagtatalo. Binubuo ito nila Padre Damaso,
Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Ginoong Laruja at
isang binatang mapula ang buhok na kararating
mula sa Espanya
Dahil sa pagtatalo nina Padre Damaso at
Tinyente Guevarra, inalam tuloy ang dahilan ng
pagkakaalis ni Padre Damaso na naglingkuran bilang
Kura sa loob ng dalawang taon sa bayan ng San
Diego. Nabatid din na alam ng kapitan Heneral ang
kaso ng pagpapahukay ni Padre Damaso sa ama ni
Crisostomo Ibarra na si Don Rafael. Na naging kaso
lamang ay di pangungumpisal, nagmula ang
pagsasalaysay kay Tinyente Guevarra .
Sa tulong ni Padre Sibyla, napatigilang
pagtatalo, patuloy ang pagdating ng mga panauhin.
Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Kasamang dumating ni Kapitan Tiyago si Crisostomo
Ibarra. Namangha ang lahat nang ipakilala si Ibarra , ngunit
namutla naman si Pdre Damaso. Upang lubusang makilala
ang binatang panauhin nilapitan ng malapitan ni Tinyente
Guevarra.
Hindi inabot ang pakikipagkamay ng binata kay
Padre Damaso at itinanggi din itong kaibigan si Don
Rafael Ibarra na ikinapapahiya ni Crisostomo.
Kabaligtaran naman ang ginawa ni Tinyenta Guevarra
dahil pinuri nito ang ama na ikinasiyang kanyang puso.
Pansamantalang napawi ang pag-aalala ni Crisostomo
Ibarra.
Dahil walang nagpakilala kay Crisostomo
Ibarrasa bulwagan, ipinakilala ang sarili tulad sa
kaugaliang Aleman na natutuhan sa Europa. Kimi
ang mga kababaihan ngunit nagpakilala ang mga
kalalakihan.

Si Kapitan Tinong ang nag-imbita kay


Crisostomo ng pananghalian sa bahay nito sa
Tondo. Magalang na tinanggap ang imbitasyon
sapagkat patungo siya sa San Diego
Kinabukasan.
Kabanata 3:Ang Hapunan
Pinagharian ng inggitan sina Padre Damaso at
Padre Sibylakaugnay ng pag-upo sa kabisera at nalimutang
imbitahang sumalo sa kanila si Kapitan Tiyago.Si Ibarra
ang tumawag kahit wala ng silyang uupuan.
Nang ihain ang tinola, mga parteng walang laman
ang napunta kay Padre Damaso kayat nagdabog ito
samantalang ang napunta kay Ibarra ay magagandang
parte ng manok.
Naging paksa ng usapan ang paglalakbay ni
Ibarra na siya niyang nais, lalo na ang paksang
nakapokus sa KALAYAAN at KAGIPITAN ng bayan na
nakasalalay sa kaginhawahan ant kahirapan nito.
Hindi Nagustuhan ni Padre Damaso ang
kanyang pahiwatig na painsultong tinugon
nito.Nagtimpi ang binata at magalang na nagpukol
ng sagot sa kuro.

Nagpaalam si Crisostomo Ibarra at di


nagpapigil kay Kapitan Tiyago kahit na sinabi ng
huli na darating si Maria Clara at ang banyagang
kura ng San Diego.

You might also like