You are on page 1of 8

Ang longhitud (Ingles: longitude), sinisimbolo ng Griyegong titik na lambda (λ),

ay ang heograpikong koordinado na karaniwang ginagamit sa kartograpiya at


pandaigdigang paglalayag para sa silangan-kanlurang pagsukat. Ang isang guhit ng
longhitud ay isang meridyanong hilaga-timog at kalahati ng isang malaking bilog

Ang latitud (Ingles: latitude) ay ang isang distansyang angular na natutukoy sa


pamamagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng ekwador.
Ang punong meridyano (sa Ingles: prime meridian) ay ang pinakagitnang guhit
na humahati sa silangan at kanluran ng globo. Ito ang meridyano (guhit ng longhitud) sa
longhitud na binibigyang kahulugan bilang 0°, kaya't kilala rin bilang Sero Meridyano. Ito
ang guhit sa mukha o ibabaw ng globo na nagmumula sa Hilagang Polo papunta sa Timog
Polo, na dumaraan sa Greenwich, Inglatera. Ito ang batayan kung alin ang silangan at
kanluran magmula sa sinasabing guhit.

Ang ekwador (Ingles: equator, bigkas: /ek-wey-tor/) ay isang kathang-isip


na bilog na ginuguhit sa palibot ng isang planeta (o ibang astronomikal na bagay) sa layong
kalahati sa pagitan ng mga dulo ng mundo (polesa Ingles). Hinahati ng ekwador ang planeta
sa Hilagang Hemispero at Katimugang Hemispero.
Ang Hilagang Polo, tinatawag Ang Polong Timog, kilala din sa
din na Heograpikong Hilagang tawag na Heograpikong Polong
Polo o Panlupang Hilagang Polo ay isang Timog o Panlupang Polong Timog, ay isa sa
bahagi sa ibabaw ng Daigdig na nakapirme dalawang punto kung saan sumasalikop ang
pakundangan sa ibabaw na binibigyan aksis ng pag-ikot ng Daigdig sa ibabaw nito. Ito
kahulugan bilang ang punto sa hilagang hating- ang pinakatimog na punto sa ibabaw ng Daigdig
daigdig kung saan nagsasalubong ang aksis ng at matatagpuan sa kabaligtaran bahagi ng
pag-ikot ng Daigdig at ang ibabaw ng Daigdig Daigdig mula sa Hilagang Polo.
Ang Tropiko ng Kanser, o Hilagang Tropiko, ay isa sa limang pangunahing panukat ng digri o
pangunahing mga bilog ng latitud na minamarkahan ang mga mapa ng Daigdig. Ito ang
pinakahilagang latitud kung saan maaaring magpakita ang Araw ng diretso sa ibabaw sa tanghali.

Ang Tropiko ng Kaprikorn o Katimugang tropiko ay kasalukuyang nakahimlay sa 23º 26′ 17″
timog ng ekuwador. Kasalukuyan itong umaanod pasilangan sa tulin ng halos kalahati ng isang
segundo (0.47) ng latitud, na nasa bandang 15 mga metro, bawat taon (dati itong tumpak na nasa
23º 27' timog noong taong 1917). Minamarkahan nito ang pinakatimog na latitud kung saan
maaaring tuwirang lumitaw ang araw sa dagat o sa lupa (soil) tuwing gabi. Nangyayari ang
kaganapang ito tuwing solstisyo ng Disyembre, kapag ang katimugang hemispero ay nakapatahilig
patungo sa araw hanggang sa pinakamataas nitong maaabot.
Dalawang paraan ng pagtukoy ng lokasyon:
Tiyak o absolute - ang pagtukoy ng eksaktong lokasyon ng lugar sa
pamamagitan ng longhitud at latitude o paggamit ng
sistemang grid.

Relatibo ( insular at bisinal )


- natutukoy ang lokasyon sa pamamagitan ng pag-alam sa mga anyong tubig na
nakapaligid dito.
- natutukoy ang kinaroroonan ng lugar sa pamamagitan ng pag- alam sa mga
bansang katabi o nasa hangganan nito.
Tiyak
Lokasyon ng Pilipinas 4˚ at 21˚ hilagang latitude at 116˚ at 127˚ silangan longhitud.
Insular Bisinal

You might also like