You are on page 1of 57

RETORIKA

Asst.Prof. ROBERTO DL. AMPIL, Ph.D


UNANG SESYON
INTRODUKSYON

“ Walang sinoman ang


nabubuhay para sa
sarili lamang”
• Isang palasak na sawikain subalit
makatotohanan. Ang tao ay nangangailangan
ng kanyang kapwa upang manatili sa mundo,
ang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng
pakikipagtalastasan ang higit na epektibong
nakikita niyang paraan.
• Ang tao sa simula ay marunong nang makipag-
usap subalit hindi ang pagsulat.
• Ang tao upang paniwalaan ay
nangangailangang maging epektibo sa
paglalahad ng kanyang sinasabi at upang
basahin ang anumang isinulat ay kailangan
ding may pangganyak dahil wala sinuman ang
mag-aabala o gugugol ng kanyang oras sa
isang bagay na walang kabuluhan sa kanya.
• Dito pumapasok ang retorika, ang sining ng
wastong pagpili ng mga salita sa pasalita at
maging pasulat na diskurso.
• Maipalalagay ng iba na ang pagsulat ay basta na
lamang paglilipat sa papel ng anumang wika. Kung
tutuusin nga ang pagsulat at pagsasalita ay halos
walang ipinagkaiba maliban sa paraan ng
pagpapahayag. Ngunit kung pakasusuriin ang mga
katangiang ito ng wika may makikitang pagkakaiba.
• Una, kailangan lamang natin ang mga salita at sintaks
sa pagsulat samantalang sa ating pagpapahayag na
pasalita’y naroon ang intonasyon, ang tono ng boses
pati na ang kilos ng katawan.
• Ikalawa, kailangan natin ng sapat na panahon sa
pagsulat na di matatagpuan sa pagsasalita.
• Ikatlo, kailangang kaharap samantalang hindi naman
nagkikita ang manunulat at mambabasa, at
• ikaapat, higit na binibigyang pansin ng nagsasalita ang
interaksyong kontekswal kaysa sa pagsulat. Higit na
mauunawaan ito sa talahanayan.(Talahanayan 1)
• Kung ang pasalita at pasulat ay nagkakaiba bilang
paraan ng pagpapahayag, ang kanilang katangian
bilang bahagi ng wika ay nagkakatulad sa maraming
bagay.
• Ang katangian nilang ito’y bumubuo ng patuloy at
walang patid na ugnayan ayon sa sitwasyon, tungkulin,
at madlang kinahaharap.
• May mga sosyolinggwistikong pag-aaral na
nagpapakitang ang paraan ng pagsasalita lalo na sa
katutubong wika’y nakaaapekto sa pagsulat.
• Malaki rin ang kaugnayan sa pagsulat ang mga unang
linggwistikong kaalamang natutuhan ng mga bata at
ang kakayahang umunawa ng ikalawang wika o wikang
banyaga. Magkagayunman, wala namang batayan kung
paanong ang nasusulat na lenggwahe ay nakaapekto
sa pagsasalita gayung ang pagsulat ay nakatutulong sa
pagpapaunlad ng pananalita.
• Maaaring ang palagay na ito’y salig sa kaisipang una
nating natutuhan ang pagsasalita kaysa pagsulat. At
hindi kataka-takang mas marami ang mahusay sumulat
kaysa magsalita sa tunay na kahulugan nito.
Saligang Pangkasaysayan ng
Retorika
• Nagsimula bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa
Syracuse, isang isla sa Sicily noong ikalimang siglo
bago dumating si Kristo.
• Binigyang pagkakataon ang mga mamamayan na
dumulog at ipaglaban sa hukuman ang kanilang
karapatan.
• Si Corax,isang tagaroon ang nagpanukala sa mga
tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento.ayon sa
kanya upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig
kailangan ang maayos na paglalahad ng argumento.
• Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa limang
mahahalagang elemento: ang proem o introduksyon;
ang salaysay o kasaysayang historical; ang mga
pangunahing argumento; mga karagdagang pahayag o
kaugnay n argumento; at ang perorasyon o konklusyon.
• Ginagamit ang retorika sa pag-aapila ng emosyon at di
gaanong binibigyan diin ang katumpakan at kalakasan ng
argumento.
• Ayon sa mga sophist, ang retorika’y angkop sa
pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamagitan
lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang
ipinaglalaban at istilo sa pagbigkas.
• Binatikos ni Socrates (470-399 B.C) sa pagsasabing
walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang
kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang
lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng
pakikipagtalo at hindi sa sustansya ng talumpati.
Binigyang katuturan niya ang retorika bilang “agham ng
paghimok o pangungumbinsi”.
• Banta pa niya na ang ganitong pamamaraan ay nagtuturo
lamang sa estudyanteng palabasin ang kasamaan ng
isang mabuting adhikain.
• Kinikilalang pinaka-maimpluwensyang
retorisyan noon si Isocrates (436-338
B.C).
• Nagtatag siya ng sariling paaralang
nagtuturo ng istilo ng pananalumpati
batay sa maindayog at magandang
pagkakatugma ng mga salita sa paraang
tuluyan o prosa.
• Kakikitaan ang kanyang sariling prosa
ng mga maikli ngunit eleganteng
nakabiting pangungusap na mayaman
sa historya at pilosopiya.
• Sa Rhetoric ni Aristotle (384-322 B.C) sinuri niyang
mabuti ang sining ng panghihikayat, binigyan ng
parehas ng emphasis ang katangian ng nagsasalita, ang
lohika ng kanyang isipan, at ang kakayahang pumukaw
ng damdamin ng mga nakikinig.
• Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang
mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong
pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa
maaaring maganap kaysa tiyak na magaganap.
• Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na
mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga
panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang
enthymeme kung saan ang pansamantalang
kongklusyon ay kinukuha sa pansamantalang batayan,
sa halip na silohismo na mula sa katotohanang
unibersal; at ang halimbawa o analodyi para sa
pangangatwirang induktibo.
• Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang
forensic na naging batayan sa ngayon ng mga abogado
para sa kanilang legal na salaysay.
• Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Ano ang nangyari?
Iniwan din ni Aristotle ang oratoryong deliberative o
political na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap.
Anong aksyon ang ating gagawin? Dito sinasabing
nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga
pagtatalong pampubliko.
• Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong
panseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga
mabubulaklak at madamdaming mga salita. Karaniwang
binibigkas ito sa pagbibigay papuri. Ito ang tinatawag
natin sa Ingles na declamation.
• Si Cicero (106-43 B.C) ang batikang orador ng
Roma, katulad din ni Aristotle, ay hayagan
ding nagtagubilin sa kaangkupan ng prinsipyo
ng mananalumpati.
• Nasabi niyang ang pagtalakay sa anumang
adhikain ay batay sa mabuting panlasa at
pagpapasiya ng orador kaysa sa isyu ng
moralidad ipinahahayag niyang nararapat na
maging mabuting tao ka muna upang maging
mabuting mananalumpati.
• Sagana ang prosa ni Cicero sa mga
hugnayang nakabiting pangungusap.
Ang Semantiks ng Retorika, Wika at
Linggwistika
• Ang sining ng lenggwahe ay pag-aaral kung
paanong magagamit natin ng epektibo ang
wika.
• Ipinakikita sa siyensya ng lenggwahe ang
mga hilaw na sangkap na taglay ng wikang
magagamit sa pagpapahayag.
• Sa pamamagitan lamang ng sining na ito ng
lenggwahe’y maaari tayong pumili at
pagsama-samahin sa abot ng ating
makakaya ang mga sangkap sa mabuting
pagsasalita.
• Sa pagsasama-sama ng mga sangkap na ito
ay nakabubuo tayo ng isang komposisyon at
ito ang kabuuan ng mga sangkap.
• Samakatuwid, ang pag-aaral ng pagsulat
ng komposisyon ay pag-aaral din ng
lenggwahe – ang pagsasaayos sa dapat
kalagyan ng mga salita ayon sa kanilang
pagkakasunod.
 Kapag napag-uusapan ang wika o
lenggwahe dalawang bagay ang agad na
sumasagi sa ating isipan – ang
pagsasalita at pagsulat.
 Nagagawa nating pagsamahin ang
dalawang ito subalit di man lamang natin
masabi ang kanilang pagkakaiba.
 Hindi lingid sa ating kaalaman na
pinakamahalagang sangkap sa
komunikasyon ay ang pagsasalita subalit
ano nga ba ito?
 Sa mga linggwista, ang lenggwahe’y isang
sistema ng mga pananalitang tunog na
ginagamit ng tao upang makipagkomunikasyon.
 Karamihan sa kanila’y nagsasabing ang
pananalita at lenggwahe ay iisa.
 Para naman sa karamihan ng tao ang
lenggwahe ay kapwa pagsasalita at pagsulat at
kung minsan nga’y hindi alam kung alin sa
dalawa ang tutukuyin kapag nagtatanong
tungkol sa wika.
 Ang katotohanan bago ang isang tao’y matuto
ng epektibong pagsulat, kailangang batid niya
ang kanilang pagkakaiba at kapag naunawaan
niya ang kanilang pagkakaiba, mauunawaan
din niya kung bakit parang mas madaling
magsalita kaysa sa magsulat.
Bakit ginagamit ng mga linggwista
ang salitang lenggwahe kapag tinutukoy
ay pananalita?
• Una, wala namang nakaaalam ng tiyak
na taon kung kailan unang ginamit ng tao
ang pananalita basta ang alam lang
nati’y marunong nang magsalita ang tao
may daang libong taon na ang
nakalilipas.
• Subalit ang pagsulat ayon sa mga
dalubhasa ay natutuhang gamitin ng tao
mga limang libong taon lamang ang
nakalilipas. Kumpara sa pagsasalita, ang
pagsulat ay bagong tuklas pa lamang.
• Magkagayon man, walang sibilisasyon
sa mundo na unang gumamit ng
pagsulat bilang anyo ng komunikasyon
kaysa pagsasalita.
• Lahat ng tao maliban sa mga may
kapansanan at walang kakayahang
mag-isip ay marunong magsalita.
• Samakatwid, ang pagsulat ay batay o
galing sa lenggwahe.
• Ito’y pangkat ng mga simbolong sadyang
nilikha upang kumatawan sa wika.
• Sa halos lahat ng lenggwahe, ang mga
simbolong nakasulat ay tumutugon sa
panalitang tunog.
• Wala namang lenggwaheng ang tunog
ng pananalita ay kumakatawan sa mga
simbolong nakasulat.
• Sa madaling salita, posibleng
magkaroon ng panalita (lenggwahe)
nang walang pagsulat, subalit hindi
maaaring mangyari na magkaroon ng
pagsulat nang walang pananalita.
• Ang mga nasabing dahilan ay
nagbibigay sa atin ng pagkukuro na
kung bakit ang mga panalitang tunog ay
itinuturing na lenggwahe ng mga
linggwista at ang pagsulat bilang
sistema ng mga simbolong
kumakatawan sa wika.
Ang Pasulat at Pasalitang Wika
• Dala marahil ng globalisasyon kung bakit ang
bawat isa ay nagkukumahog sa paghahanap ng
mga bagay na tutugon sa kanyang
pangangailangan.
• Bunga nito nakalimutan ng tao na magpahalaga
sa higit na dapat bigyang pansin ang gawaing
pasalita at pasulat.
• Maraming beses na tayo nakababasa kundi
man ay nakaririnig ng mga balita na dahil
lamang sa maliit na bagay na pinag-uusapan o
binabasa ay nauuwi sa awayan o hindi
pagkakaintindihan.
• Kung ang bawat isa na nakikipagtalastasan ay
marunong umunawa sa lahat ng mga senyales
ng pakikipag-usap baka sakaling maiwasan pa
ang ganitong sitwasyon.
• Kapwa naghahatid ng mensahe ang pasalita at
pasulat na wika, gayunman, malaki ang kanilang
pagkakaiba.
• Nasa ating katawan ang lahat ng
pangangailangan upang makipagtalasatasan.
Kailangan lang ay ibuka ang bibig at magsalita
sa paghahatid ng mensahe. At ang tunog na
nalilikha ay nakararating sa awdyens at
awtomatiko niya itong nauunawaan sapagkat
magkatulad ang kanilang kaligiran.
• Samantala, ang mensahe na dala ng pasulat na
wika ay mahirap unawain dahil na rin sa hindi ito
naririnig at ang awdyens ay malayang makabuo
ng iba’t ibang kahulugan sa mensaheng
ipinahatid.
Kalamangan ng Wikang Pasulat
Hindi maiiwasan sa anumang pag-uusap na
pagtalunan kung bakit higit na pinapapaboran ang
wikang pasulat kaysa pasalita.
 Hindi ba’t sa hukuman na lamang ay maririnig ang
mga pahayag na tulad ng “ ang mga sinabi mo ay
walang basehan dahil iyan ay sabi-sabi o haka-haka
lamang”, hindi tinatanggap ng husgado ang mga
pahayag na narinig lamang.
 Hindi ba’t kung may transaksyon tayo
kinakailangang may kasulatan upang kahit papaano
ay may habol pagdating ng panahong magkaroon ng
hindi pagkakaunawaan. Ayon nga sa mga pag-aaral
napatunayan na mas mataas ang pagtinging
inilalaan sa gawaing pasulat.
 Ito ang itinuturing na midyum ng literatura na siyang
bukal naman ng pamantayan sa kahusayang
panlinggwistika. Ang mga alintuntuning
panggramatika’y mahusay na nasusunod at
nailalarawan sa mga tekstong nakasulat. Para sa
kanila, sa paraang pasulat lamang nabibigyan ang
lenggwahe ng pagkakataong mamalagi na may hibo
ng kapangyarihan
Kung walang pagsulat, wala ring
magaganap na pag-aaral ng ating kasaysayan.
Wala tayong landas tungo sa nakaraan.
 Ang mga pangyayari sa nakalipas ay pawang
nakasulat sa ating kasaysayan. Ang kasaysayan
ang nagtuturo sa atin upang ituwid ang mga
pagkakamaling nagawa.
 Sa pamamagitan ng pagsulat ay nagagawa
nating itago ang mga buhay ng mga kinikilalang
tao na sa huli ay magbibigay sa atin ng
inspirasyon at ng gabay.
 Natututo tayong mag-isip at gumawa ng tamang
pagpapasya dahil naturuan tayo ng mga
literaturang ating nababasa at itinuturo sa atin.
 Sa ating pag-iisa, ay nagbabasa tayo upang
maglibang at makakuha ng impormasyon gayon
din sumusulat tayo upang magbigay o
magpaabot ng impormasyon. Mahirap yatang
ipasa ang mga karunungang sa bibig lamang
dahil hindi lahat ng ating naririnig ay ating
natatandaan.
Kalamangan ng Wikang Pasalita
• Ang pagsasalita’y isang natural at hindi maiiwasang
aspekto bilang tao hindi katulad ng pagsulat.
• Natutuhan nating magsalita nang hindi namamalayan
samantalang maingat naman tayong tinuturuan upang
matutong sumulat.
• Ang likas na kakayahan ng taong magsalita’y tulad din
ng likas niyang kakayahang lumakad at tumakbo.
• Sa pagsasalita, namumutawi ang mga kataga nang
walang gaanong hirap at pag-iisip.
• At sa bilis ng ating pagsasalita, hindi natin
namamalayan ang tamang pagpili ng mga salita at ang
mga kahingian ng gramatika, sapat na sa atin ang
makapagpahayag at maunawaan.
• Hindi ito nakikita sa pagsulat, mabagal at kailangan ang
buong isip.
• May ilang paraan ng komunikasyon sa mga
sitwasyon ng pagsasalita na hindi bukas sa
manunulat.
• Halimbawa, ang paggamit ng galaw ng katawan at
iba’t ibang ekspresyon ng mukha upang bigyang diin
ang mahahalagang bahagi ng pahayag.
• Maaari ding baguhin ng nagsasalita ang tono ng
kanyang tinig sa pagpapakita ng kasiyahan, galit, ng
pagiging seryoso o sobrang kagalakan. Magaan
ding nagagamit nang epektibo ang mga salita kahit
na hindi batid ang ispeling ng mga ito.
• Sa alinmang sitwasyon ng pagsasalita kailangan
ang dalawang panig- ang nagsasalita at ang
nakikinig. Dahil kakikitaan ito ng patuloy na bigayan
at pagtanggap sa pagitan ng nagsasalita at
nakikinig, masasabing ang ganitong sitwasyon ay
fleksibol.
• Nangangahulugan ito nang pabagu-bagong
sitwasyon, minsan ang nakikinig ang nagsasalita at
ang nagsasalita naman ang nakikinig. At kung hindi
man magkaunawaan ay madali na nila itong
nagagawan ng solusyon.
Ang Retorika at Balarila
• Ang Retorika at Balarila o Gramatika ay
mahahalagang kailangan sa isang maayos,
wasto at magandang pagpapahayag.
• Alisin ang Balarila at mawawalan tayo ng
kawastuang hindi maaaring iwaglit sa anumang
matinong panunulat na ating hinaharap.
Sapagkat ang Balarila ay isang agham na
tumatalakay sa mga salita at sa kanilang
pagkakaugnay.
• Kung gaano kahalaga sa ikapagtatagumpay ng
isang mekaniko ang kaalaman sa bawat bahagi
ng makinang kanyang kinukumpuni, gayundin
kahalag sa isang manunulat ang mga bahagi at
tungkulin ng mga salita sa isang pangungusap.
• Datapwat, ang isang pagpapahayag na may
balarila lamang at walang retorika ay nagiging
kabagut-bagot sa bumabasa o nakikinig.
Ano ang retorika?

 Ang retorika ay isang mahalagang


karunungan ng pagpapahayag na
tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-
akit na pagsasalita at pagsulat.
 Kung ang balarila ay nauukol sa kawastuan, sa
kaibhan ng tama sa maling pangungusap, ang
retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng
malinaw, mabisa, maganda at kaakit-akit na
pagpapahayag.
 Samantala,ayon naman sa ibinigay na
depinisyon ng diksyunaryo, ito ay isang sining o
agham ng paggamit ng salita sa mabisang
paraan pasalita man o pasulat.
• Sa ngayon, ito ay sining o agham sa
pagsulat ng kathang pampanitikan. Sa
tradisyunal na pagkilala sa sining na ito,
karaniwang iniuugnay ang retorika sa sining ng
pagbigkas, samakutwid,ay kinakailangang
masangkapan hindi lamang ng mga estilo sa
pananalita kundi maging sa paggamit ng
jestyurs at galaw para maging efektibo at
kaakit-akit sa mga tagapakinig, kaugnay nito,
sinasabi nina William D. Halsey at Emmanuel
Friedman (1979) na ang retorika ay isang
verbal na agham at humahakdaw pa sa lojic
at balarila.
• Sa pagbibigay-diin nito sa paggamit ng mga salita
bilang epektibong sangkap, ang retorika ay
nakatuon sa maaaring magawa ng mga salita at
hindi sa kinakailangang istruktura o ayos ng mga
salita sa isang pahayag.
• Ang binibigyang unang pansin sa retorika ay
kalayaan ng pagpapahayag at hindi ang mga
panuntunang ipinagbabawal ng lohika at balarila.
• Maaaring ipagpalagay na mahalaga sa retorika,
unang-una ay ang epektibo at magandang
pagpapahayag, bago pa ang lohika at balarila.
Hindi sapat ang maging wasto lamang ang ayos
ng mga salita sa loob ng isang pangungusap.
Bigyang -pansin natin ang mga pangungusap sa
ibaba:
1. Makikita sa mukha ng babae ang
kalungkutan, Ilang saglit pa'y umiiyak na ito.
2. Nababanaag sa anyo ng kanyang mukha
ang kalungkutan at maya-maya pa ang
nangingilid na luha’y dagling dumaloy sa
kanyang pisngi.
• “Huhukayin ko ang pag-ibig sa
dagat ng iyong dibdib”
• “Huhukayin ko ang pag-ibig sa
puntod ng iyong dibdib”
• “Pasiong Mahal ni San Jose” ni Jose F. Lacaba

Pait, katam, at martilyo,


ibubulong ko sa inyo
ang masaklap kong sikreto:
hindi ko pa inaano
ay buntis na ang nobya ko.
Ang sabi ng anghel, wala
akong dapat ikahiya,
walang dahilang lumuha;
dapat pa nga raw matuwa
pagkat Diyos ang gumahasa.
Martilyo, katam, at pait,
Makukuha bang magalit
ng karpintero? Magtiis.
Ang mahina’t maliit,
wala yatang laban sa langit!
• “Putol” ni Mike Coroza

May kanang paang


putol
Sa tambakan
ng basura.
Naka-Nike.
Dinampot
ng basurero.
Kumatas
ang dugo.
Umiling-iling
ang basurero’t
bumulong, “Sayang,
wala na namang kapares.”
Ano ang retorika?

• Ang salitang retorika ay nabigyan na ng iba’t


ibang depinisyon sa loob ng mahabang
panahon.
• Ito’y galing sa salitang rhetor: (GK – isang
nagsasalita sa publiko (public speaker).
• Ayon kay Socrates (350 B.C) ang retorika ay
“agham ng pagpapahinuhod”.
• Kay Aristotle naman ay “kakayahan sa
pagwawari o paglilirip sa bawat pagkakataon
ng anumang paraan ng paghimok.”
• Kay Richard Whatley noong ika-19 siglo, “Ang
sining ng argumentatibong komposisyon.”
Ano ang retorika?
• Mula sa mga nabanggit na depinisyon ay
mamalas ang mga istratehiyang ginagamit ng
mga nagsasalita/manunulat sa tuwing sila’y
nakikipag-usap.
• Kung gayon masasabing may retorika dahil sa
kadalisayan at barayti ng wika.
• Kung ang isang kaisipan ay maipapahayag
lamang sa iisang paraan, hindi sana
nagkaroon ng retorika.
• Ang retorika ay sining ng epektibong pamimili
ng wika, at ang di mapasusubaliang batayan
ng pamimili ay ang pagkakaroon ng mga
pagpipiliin o alternatibo.
Ang Retorika bilang Sining
Katulad ng tula, ang retorika ay isang
sining. Lumilikha ito ng istorya mula sa
kawalan na gumagamit lamang ng simbolo
upang buhayin ang damdaming nalilimutan
natin at mga bagay-bagay na hindi pa natin
nakukunsidera. Gumagamit ito ng wika,
pangkaraniwan o komon na ideya,
kumbensyunal na wika at ispesipikong
impormasyon upang baguhin ang damdamin at
kilos ng tagapakinig.
Sining ito na may mga katangiang
sumusunod:
• Isang Kooperatibong Sining-
Pinagbubuklod nito ang tagapagsalita
at tagapakinig. Hindi maaaring gawin
ito nang nag-iisa. Ito ay ginagawa
para sa iba sapagkat sa reaksyon ng
iba nagkakaroon ito nang kaganapan.
Pinagsasama ang dalawa o higit pang
tao sa posibleng atmospera ng
pagbabago.
• Isang Pantaong Sining-Isang
ordinaryong sining ito. Ang istandard
ng kanyang kahusayan ay istandard
ng ordinaryong tao. Isa itong
ordinaryong wikang ginamit na
extraordinaryo.
• Isang temporal na Sining-Karaniwan, ang
retorika ay nagmumula sa panahon kung
kailan ito nalikha. Ang mga taong lumilikha
nito ngayon ay nangungusap sa ganitong
wika, hindi ng kahapon. Ang retorika ng
panahon ngayon ay gumagamit ng
napapanahong istatistiks; jargon na walang
pag-aalintana kung paano ito bibigkasin
bukas.
• Isang Limitadong Sining- Maaaring marami
itong gamit, subalit hindi lahat ay kaya nitong
gawin. Hindi nito maaaring pagalawin ang
mga bundok, hatiin ang dagat, sungkutin ang
mga bituin at buwan sa kalangitan at
pasukuin ang nagmamatigas na mga rebelde.
• Isang "Frustrating" o May Kabiguang Sining sa Ilang
Okasyon-Walang batas ang retorika. May mga
mahalagang panuntunan subalit kakaunti lamang.
Kailangang magkaroon ka ng "touch" o ng abilidad sa
paggamit ng tamang argumento at parirala sa isang
tamang panahon. Kung magdidisisyon sa kung ano ang
sasabihin, ang isang tagapagsalita ay lumalangoy sa
dagat nang kawalang patutunguhan sapagkat;
• Ang tao'y nakikipagtagisan ng argumento sa mga bagay
na walang kasiguraduhan tulad ng : dapat bang pairalin
ang Euthanasia? Sa halip na "fix" o kongkreto tulad ng :
Ang hindi mapipigilang kamatayan.
• Masyadong komplex o komplikado ang tao, pabagu-bago
sa maraming bagay.
• Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika.
Marami rin ang walang kasanayan sa pagbuo ng mga
pangungusap at pagdedebelop ng mga kaisipan. May
magandang mangusap at mayroon din namang hindi.
• Isang Generativ o Nagsusupling na
Sining- Nililikha nito ang mga
kaalamang ipinapasa natin sa iba.
Tinutulungan tayo nito na matutunan o
makuha ang iniiisip ng iba. Dahil sa
ating pagpapalitan ng ideya,
nagkakaroon tayo ng karunungang
sosyal o "social knowledge".
SAKLAW O "RANGE" NG
RETORIKA

Upang maunawaan ang retorika, kailangang


ikunsidera kung ano ito o kaya'y kung hindi ito ganito,
ano ito? Ipinakikita ng ilustrasyon ang realm o sakop ng
retorika.
Siyentifikong
Nakikita

Panlipunang Artistikong
RETORIKA Mapanlikha
Konsern

Makatwirang
Pilosofikal
• Ang nagsasalita ay isang artistikong
mapanlikha. Gumagamit ng simbolo
upang bigyang buhay ang ideya.
Gumagamit ng simbolo upang bigyang
buhay ang ideya. Gumagamit ng
imahinasyon upang akitin ang mga
tagapakinig.
• Nagiging pilosopikal ngunit resonable o
makatwiran ang isang gumagamit ng
retorika upang ipakita na ang mga
argumento ay kailangang may padron ng
sensibilidad upang maunawaan ng iba.
• Dahil sa siya ay isang mamamayan,
kailangan niyang maging konsern sa
lipunan na tutulong sa gawaing
pagbabago hindi lamang para sa isang
tao kundi sa mas marami pang tao.
• Dahil sa maraming tinutumbok ang
retorika, ito ay makapangyarihan. Ang
"acid test" sa pagitan ng mga
siyentipikong nakikita at nasasabi ay
nagpapakita ng katotohanan.
FANKSYON O GAMPANIN NG
RETORIKA
• Nagpapaluwag ng daan para sa
komunikasyon.
May mga bagay na hindi natin masabi nang
diretsahan kaya gumagamit tayo ng retorika.
• Nagdidistrak
Dahil sa pakikinig natin sa iba, nakaklilimot
tayo sa ating gawain at kinukuha nito ang ating
atensyon. Pinag-iisip tayo sa paksa.
Pinagkokonsentreyt tayo sa bagay na
binabanggit. Pinahihina ang ating latitud sa
pagpili. Kinokontrol nito ang depinisyon na
ibinibigay natin para sa isang aktibiti; halimbawa.:
"Ang inyong abuloy sa simbahan ay di kawalan
sa inyong materyal na yaman kundi ito'y
kontribusyon ninyo sa langit"
• Nagpapalaki/ nagpapalawak
Para itong intelektwal algebra.
Humihingi ng pahintulot na ikunsidera
ang bagong solusyon sa problema.
Iniexpand nito ang pananaw ng
tagapakinig-pinararami
• Nagbibigay ngalan ito
Ang mga tao,hayop,bisikleta, bato
ay dumating o ipinanganak nang walang
"label". Dahil sa retorika binigyan sila ng
mga katawagan.
Halimbawa: Mrs. Masungit , Mr. Terror,
brownie, Mr. Suwabe etc.
• Nagbibigay Kapangyarihan
Dahil sa retorika, maraming mga tahimik at
konserbatibong tao ang naging prominente dahil
sa kagalingan sa pagsasalita.
- Ang kapangyarihang sosyal ay ibinigay sa
kanila ng lakas ng retorika.
- Ang mga matatalinong ideya, malalim na
paniniwala at ideolohiya ay pinagmumulan din
ng kapangyarihan at kalakasan. Kabilang na rito
ang mga paniniwala, konsepto at teorya ng mga
sinaunang pilosopo at paham.
Bigyang halimbawa natin si Gng.Corazon
Aquino na isang simpleng maybahay lamang ni
Sen. Ninoy Aquino ay naging isang pangulo
matapos ipaglaban ang kanyang asawa.
Gayundin si Pangulong Gloria Macapagal-
Arroyo na isang ekonomista at Sen. Loren
Legarda-Leviste na isang journalist at news
reporter.
•Nagpapahaba ng Oras
•Pinahahaba nito ang oras upang ang panahon
ay kumilos sa paghilom ng mga sugat ng
lipunan.
Ito ang winika ni Martin Luther King nang sinabi
niyang, Mayroon akong panaginip…na minsan
isang araw,dito sa Alabama, ang mga maiitim at
mapuputing batang paslit ay maghahawak-
kamay bilang magkakapatid. Mayroon akong
pangarap ngayon.
Ang Tatsulok ng Retorika
Ang anumang argumento o usapin na
ginagamit sa pasulat o pasalitang diskors ay
hindi nagmumula sa kawalan.
• Ito ay nililikha ng manunulat o ispiker para
sa kanyang awdyens – isang kaugnayan na
maaaring ilarawan sa diwa na isang tatsulok
na may mga puntong “ mensahe”,
“manunulat / ispiker” at “awdyens”.
• Sa pagsusulat/ pagsasalita ng isang
epektibong argumento, kinakailangang
isaalang-alang ng manunulat o ispiker ang
tatlong elemento ng tatsulok ng retorika.
• Ang pag-iiba ng isang punto ay
nangangahulugan din ng pag-iiba ng
naiwan. Kung nais mong palitan ang
iyong awdyens mula sa galit na galit na
demonstrador patungo sa isang
kaibigang nakikinig ay marapat na
ibahin din ang mensahe nito upang
bumagay.
Ang tatsulok ng Retorika ay
nakapokus sa mensahe, manunulat
/ispiker at awdyens ay maiuugnay din sa
tatlong uri ng panghihikayat na kinikilala
ng mga retorisyan: logos,ethos at
pathos.
Mensahe ( logos: Papaano ko gagawing konsistent at lohikal ang
argumento sa loob nito? Papaano ko masusumpungan ang
pinakamagandang kadahilanan at suporta rito na may pina-epektibong
ebidensya?)

RETORIKA

Awdyens : Manunulat / ispiker:


(Pathos: Paano ko gagawing bukas (ethos: Papaano ako magiging epektibo sa
ang isip ng awdyens sa aking mensahe? Mambabasa at tagapakinig? Paano ko
Paano ko ilalapat ang emosyon at imahinasyon mapapanatili ang aking kredibilidad at
ng aking mambabasa/tagapakinig? Paano ako pagkamatapat?)
makakaapila sa pagpapahalaga at interes ng
aking mambabasa?)
Logos (Salita sa Griyego) ay patungkol
sa panloob na konsistensi ng
mensahe.
• Ang kalinawan ng pag-aangkin, ang
lohika ng kadahilanan, at ang pagka-
epektibo ng mga suportang
ebidensya.
• Ang dating sa awdyens ng logos ay
kadalasang tinatawag ding
argumentong apilang lohikal
(Arguement’s logical appeal).
Ethos ( karakter sa Griyego) ay patungkol naman
sa pagkamatapat at kredibilidad ng manunulat
/ispiker.
• Ang ethos ay kadalasang naipapahayag sa
pamamagitan ng tono at istilo ng mensahe at
sa paraan ng manunulat at ispiker sa
paglalahad ng magkataliwas na punto.
• Naaapektuhan din ito ng reputasyon ng
manunulat- ang kanyang kadalubhasaan sa
kanyang propesyon, ang kanyang naunang
record ng integridad.
• Ang dating ng ethos ay tinatawag ding
argumentong apilang etikal o apilang may
kredibilidad.
Pathos ( Emosyon sa Griyego) ang pinakamahirap bigyang
katuturan.
• Ito ay patungkol sa dating ng mensahe sa awdyens, ang
kapangyarihan na kung saan ang mensahe ng
manunulat o ispiker ay nagdadala sa awdyens na
magbigay ng pagpapasya o nag-uudyok na umaksyon o
kumilos.
• Kung tutuusin talagang mahirap ihiwalay ang emosyon
sa lohikal na argumento.
• Ang matagumpay na istrakturang lohikal ng argumento
ay mauugat sa pagpapahalaga at paniniwalang
ibinabahagi ng awdyens upang makapaglabas ito ng
emosyon.
• Ang logos ay para sa ating rasyunal fakultis samantala
ang pagsasama-sama ng logos at pathos ay sa ating
imahinasyon.
• Ang dating ng pathos sa ating awdyens ay tinatawag na
apila sa emosyon o apilang motibasyunal.
ELEMENTO NG ISANG SITWASYONG
RETORIKAL

AWDYENS
KUMBENSYONG RETORIKAL

PAKSA
MENSAHE

LARANGAN NG
PANGHIHIMOK

KALAGAYAN

MIDYUM

ISPIKER
KULTURAL NA
HANGGANAN
ELEMENTO NG ISANG SITWASYONG
RETORIKAL

Ispiker
 Bukod sa pagtalakay sa isang partikular na paksa sa
isang partikular na kalagayan, nakalikha ba ng
pahayag na sosyal (social statement) ang ispiker?
 May kaalaman ba ang awdyens sa ispiker?
 Ang ispiker ba ay “santo” o “biktima” ng mga
isteryotipong awdyens?
 Ang ispiker ba ay may kalayaan sa pagtukoy ng
kanyang motibo sa pagsasalita?
 May partikular bang ideolohiya o doktrina ang ispiker
na nagpapalawak at naglilimita ng kanyang
tinatalakay?
 May taglay bang unikong assets o liabilities ang
ispiker sa pagtalakay niya sa paksa?
 May patunay ba ang ispiker sa pagkukunsidera sa
faktor na ito sa pagsasagawa niya ng mga
katanungang ito?
ELEMENTO NG ISANG SITWASYONG
RETORIKAL

Awdyens
 Anuman ang kalalabasan ng interaksyon,
nakapagpakita ba ng pahayag na sosyal ang mga
nakikinig?
 Hanggang saan ang kayang baguhin ng awdyens
“Retorikal na awdyens” na siyang hinihingi ng ispiker?
 Nagawa ba ng ispiker na magkaroon ng ugnayan sa
kanyang mga awdyens?
 Anu-anong personal at pilosopikal na komitment ang
nagawa ng awdyens na nakaaapekto sa kanilang
pagtugon sa ispiker?
 Anu-anong impormasyon o gawi ng awdyens na
nakaaapekto sa tagumpay ng ispiker?
 Anu-anong karanasan ng awdyens ang nakaaapekto sa
kanilang pagtanggap at pagkikinig sa ispiker?
 May patunay ba ang ispiker sa pagkukunsidera sa
faktor na ito sa pagsasagawa niya ng mga katanungang
ito?
ELEMENTO NG ISANG SITWASYONG
RETORIKAL

Paksa
 Katanggap-tanggap ba ang paksa sa lipunan? May
kahalagahang sosyal ba ito?
 Ang paksa ba ay mainit o payapa? Ang opinyon ba
ng publiko ay higit na tinanggap sa ganitong
kalagayan?
 Gaano kakompleks ang paksa? Makatwiran bang
talakayin ito sa awdyens sa ganitong kalagayan?
 May pagbabago ba sa pagtalakay ng ispiker ng
ganito ring paksa?
 May espesyal bang katangian ang paksa na
makapagbibigay ng bentahe o panganib sa
pagtalakay?
 May patunay ba ang ispiker sa pagkukunsidera sa
faktor na ito sa pagsasagawa niya ng mga
katanungang ito?
ELEMENTO NG ISANG SITWASYONG
RETORIKAL

Larangan ng Panghihimok
– Sa pagtalakay sa kabuuan, ang kalagayan ng
pagsasalita (speech setting) ba ay nakikinita bilang
“counterstatement” ng iba pang set ng mensahe?
– Napalawak o nalimitahan ba ng ispiker ang
posibilidad ng kasalukuyang panghihimok?
– Anu-anong pahayag na nalikha ng mga tao nuon ang
pumipigil sa ispiker na talakayin ang paksa sa
ngayon?
– May patunay ba ang ispiker sa pagkukunsidera sa
faktor na ito sa pagsasagawa niya ng mga
katanungang ito?

You might also like