You are on page 1of 18

Ang mga tagapakinig ay maaring mauri

batay sa kanilang mga reaksyon habang


nakikinig lalo na sa isang klase o
talakayan.
Sa ibang sitwasyon at pagkakataon ay
maaaring makakita tayo ng isa o ilan sa
mga sumusunod.
EAGER BREAVER
Uri ng tagapakinig na mapagkunwari.
Siya ang tagapakinig na ngiti ng ngiti o
tangu ng tango habang may nagsasalita
sa kanyang harapan. Ngunit kung
naiintindihan ay isang malaking tanong.
SLEEPER
Sya ang tipo ng tagapakinig na nauupo
sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala
siyang tunay na intensyong makinig.
Dahan-dahan niyang ipinipikit ang
kanyang mata habang inihihilig ang ulo.
TIGER
Siya ang tipo ng tagapakinig na laging
handang magreak sa ano mang
sasabihin ng tagapagsalita. Lagi siyang
naghihintay ng maling sasabihin upang
bawat pagkakamali ay bigla siyang
susugod at magtanong kung magkamali
ang speaker.
BEWILDERED
Siya ang tipo ng tagapakinig na kahit
anong pilit ay walang maintindihan sa
naririnig. Kapansin pansin sa pagkunot,
pagsimangot at anyong pagkatao
pagtatanong ang kawalan niya ng malay
sa kanyang pakikinig.
FROWNER
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari’y
lagi na lang may tanong at pagdududa.
Makikita sa kanyang mukha ang
pagiging atentibo, ngunit ang totoo, hindi
lubos ang kanyang pakikinig kundi
pagkukunwari lamang.
TWO-EARED LISTENER
Ito ang ang pinakamagaling at
epektibong tagapakinig. Ginagamit ang
kanyang tainga at isip.
BUSY BEE
Isang captive na tagapakinig hindi
nakikinig ngunit hindi naman makaalis
lalo na kung nasa loob ng klasrum. Abala
sa ibang gawain gaya ng
pagsusulat,pagdodrowing,pagmemake-
up at iba pang gawaing walang
kaugnayan sa pakikinig.

You might also like