2. Pang-uri Ang Pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Halimbawa:
1. Ang gumamela ay kulay pula.
2. Ang babae ay maganda. 3. Ang Bulkang Mayon ay matarik. 4. Malinamnam ang lechon. 5. Ang tubig sa dagat ay malinaw at malinis. Ano ang kahalagahan ng paglalarawan? Paano mo mailalarawan ang katatapos lamang na eleksyon. Panuto:
Ang bawat mag-aaral ay
maghahanap ng kapares at pagkatapos ay ilarawan ninyo ang isa’t isa sa harap ng klase. Panuto: Salungguhitan ang mga pang-uri sa pangungusap.
1. Bagong pitas ang sariwang bulaklak.
2. Binili ko ito sa magandang tindera. 3. Inilagay ko ito sa isang malaking plorera. 4. Nalimutan kong lagyan ito ng maraming tubig. 5. Kinabukasan ay nalanta na ang mga bulaklak. Takdang Aralin
Sumulat ng isang paglalarawan tungkol
sa isang taong hinahangaan ninyo at isulat ito sa isang buong papel.