You are on page 1of 19

Panuto:

Unawain at basahin ang bawat


pangungusap na
makikita.Tukuyin ang mga
salitang naglalarawan sa mga
salitang nasalungguhitan sa loob
ng pangungusap.
Ang gumamela ay kulay pula.
Ang babae ay maganda.
Ang Bulkang Mayon ay matarik.
Malinamnam ang lechon.
Ang tubig sa dagat ay malinaw at malinis.
Ang aso ay matapang.
Napakalaki ng bahay.

Napakalaki ng bahay.
Anu-anong mga salita ang mga
nakuha natin sa bawat pangungusap?
pula malinis
maganda matapang
matarik malinaw
malinamnam napakalaki
Tanong:
Ano ang tawag
sa salitang
naglalarawan?
PANG-URI = ay salitang
ginagamit upang
maglarawan sa tao, bagay,
hayop, at pook o lugar.
*Ang maganda ay pang- uring naglalarawan
sa babae.(tao)
*Ang napakalaki ay pang- uring
naglalarawan sa bahay.( bagay )
*Ang matapang ay pang- uring
naglalarawan sa aso.( hayop )
*Ang matarik ay pang-uring naglalarawan sa
Bulkang Mayon.( pook )
Panuto: Tukuyin kung ano ang pang-uri ang
ginamit sa bawat pangungusap.

1. Ang malawak na parke ay laging malinis.


2. Ang ating punong- bayan ay masipag at matapat.
3. Ang mga bata ay masisipag.
4. Ang mga matatapang na aso ay hindi
pinababayaang nakakalat sa kalye.
5. Ang mga upuan sa parke ay luma.
Tingnan natin kung tama ang inyong
sagot.
1. malinis
2. masipag at matapat
3. masisipag
4. matatapang
5. luma
INDIBIDWAL
NA GAWAIN
Punan ng pang-uri ang puwang upang mabuo ang mga
pangungusap.Piliin ang angkop na pang-uri na nasa kahon.

lanta sariwang malaking magandang


maraming
1.Bagong pitas ang _______ bulaklak.
2.Binili ko ito sa _________ tindera.
3.Inilagay ko ito sa isang _________ plorera.
4.Nalimutan kong lagyan ito ng ________ tubig.
5.Kinabukasan ay _________ na ang bulaklak.
Nasagutan nyo ba ng tama mga
bata? Tingnan natin
1. sariwang
2 . magandang
3. malaking
4. maraming
5. lanta
Panuto: Ano ang angkop na pang-uri na maaring gamitin sa mga
nakalarawan? Gamitin ito sa pangungusap.
Nagamit nyo ba sa pangungusap ang
angkop na pang-uri para sa larawan?

1. Ang kape ay mainit.


2. Ang tubig sa talon ay malinis.
3. Ang puto ay may ibat ibang kulay.
4. Si kuya Angelo ay masipag mag-aral.
5. Ang baboy ay payat.

You might also like