You are on page 1of 28

KAWALAN NG

PAGKAKAISA SA
HIMAGSIKAN
AT KILUSAN

Unang Markahan
Paano naitatag at
lumaganap ang
Katipunan?
Nagkaroon ba ng
pagkakataon na hindi
nagkasundo ang mga
miyembro ng
Katipunan?
Ibigay na halimbawa ang
hindi pagkakasundo ni
Emilio Aguinaldo at
Andres Bonifacio at
talakayin sa klase ang
naging epekto nito.
Ano sa inyong palagay
ang mga pinagmulan
ng di-pagkakasundo
nila Emilio Aguinaldo at
Andres Bonifacio?
Pagsisimula ng
Himagsikan
Sa pagkakatuklas ng Katipunan
noong 19 Agosto 1896, hindi na
napigilan ang tuluyang
pagsisimula ng rebolusyon laban
sa Espanya. Sa mga sumunod na
araw, naghanda ang mga
Katipunero upang isakatuparan
ang mga plano na pakikipaglaban.
Noong Agosto 22, 1896,
nagpatawag si Bonifacio ng
pulong sa Kangkong, Balintawak,
na gaganapin noong Agosto 24,
1896. Sa pulong na ito ng mga
pinuno ng mga Sangguniang
Bayan, pinagdesisyunan ang mga
taktika ng paghihimagsik.
Napagkasunduan din na
sasalakayin ng Katipunan ang
Maynila, sentro ng
pamahalaang Espanyol sa
Pilipinas, sa Agosto 29, araw
ng Sabado.
Sa kabilang dako, nagsagawa ang
mga Espanyol ng malawakang
pagdakip sa mga Filipinong
pinaghihinalaang miyembro ng
Katipunan. Ang buong Maynila at
mga karatig nitong pook ay nabalot
sa pangamba ng pag-aresto. Lumikas
palayo sa Maynila, sa Balintawak at
Kalookan, ang maraming Katipunero.
Magkahalong takot at galit ang
nadama ng maraming Katipunerong
nagsilikas patungong Balintawak. Sa
gitna ng malakas na ulan, labis na
pagod at kakapusan sa pagkain, daan-
daang mga Filipino ang tumawid sa
masukal na gubat ng Balintawak
upang makaiwas sa pag-aresto ng
mga guardia civil at veterana.
Nagsimula ang rebolusyon sa tinatawag na
‘Unang Sigaw’. Ayon sa opisyal na panandang
pangkasaysayan, naganap ito noong Agosto
23, 1896 sa Pugad Lawin sa dating Kalookan na
ngayo’y Lungsod Quezon, sa bakuran ng bahay
ni Juan Ramos, anak ni Melchora Aquino
(‘Tandang Sora’). Pinunit ng mga katipunero
ang kanilang mga sedula, simbolo ng kanilang
pagtatakwil sa pamahalaang Espanyol. Ang
salaysay na ito ay batay sa gunita ng
katipunerong si Dr. Pio Valenzuela.
Iba rin ang mga alaala ng naging
pagsasagawa sa kaganapang ito.
Ang kadalasang binibigyang diin ay
ang pagpunit ng mga sedula. Ngunit
kasinghalaga ang pinagkasunduan
sa pulong ng mga sanggunian ng
Katipunan noong huling linggo ng
Agosto.
Dito ipinagtibay ang posisyon ni
Bonifacio bilang Kataastaasang
Pangulo na pagtanggi ng mga
Filipino sa pangingibabaw ng
Espanya at ang paghihimagsik para
sa kalayaan ng bayang Filipino. Ito
ang kahalagahan ng Unang Sigaw;
ito ang kahalagahan ng Agosto 1896
sa kasaysayan ng Pilipinas.
Labinlimang taon ang nakalipas, kinilala
noong Setyembre 1911 ang kahalagahan
ng Unang Sigaw sa pamamagitan ng
monumentong pinangalanang ‘Pag-alala
sa mga Bayani ng 1896’ (Homenaje a los
Héroes de 1896). Matatagpuan ito
ngayon sa harapan ng Bulwagang
Vinzons sa Unibersidad ng Pilipinas sa
Diliman, Lungsod Quezon.
Pananaw ng mga
Espanyol sa
Himagsikan
Para sa mga rebolusyonaryo, tatlong
daang taon ng paghihirap ang
nakalipas sa ilalim ng pamamahala
ng mga Espanyol. Ang isang
armadong rebolusyon lamang ang
magsisilbing paraan upang makalaya
na ang Pilipinas mula sa kalupitan ng
mga mananakop.
Dahil dito, itinuring ng mga
lumaban para sa kalayaan ng
Pilipinas ang kanilang sarili hindi
bilang rebelde o criminal (o
tulisan, bandido), kundi mga
rebolusyonaryong may malinaw
na adhikain para sa bayang
Filipino.
Mula sa kapatiran ng Katipunan na
itinatag noong Hulyo 7, 1892,
hanggang sa Republika ng Pilipinas
na itinayo sa Malolos noong Enero
23, 1899, paulit-ulit na isinaad ng
mga rebolusyonaryo na sila’y mga
Filipinong nagtatayo at bumubuo ng
isang malawakang bansang malaya
at may pagkakapantay-pantay.
Ngunit sa tingin naman ng mga
Espanyol, ang rebolusyon ay hindi
isang kilusan para sa kalayaan
kundi grupo ng mga rebeldeng
nagnanais manggulo sa gobyerno
at sirain ang lahat ng nagawa ng
mga Espanyol sa kolonyang
Pilipinas.
Magbigay ng dahilan ng
pagbagsak ng mga Filipino
noong panahon ng himagsikan.
Ipakita ito sa pamamagitan ng
isang malikhaing presentasyon
(tula, dula-dulaan, jingle, o
awit)
Pagpapamalas ng malikhaing
presentasyon at pagpapalalim
ng kaalaman ng bata sa
pamamagitan ng pagbigay ng
mga akmang pangyayari na
naganap na naging epekto ng
di-pagkakaisa noong
himagsikan
Naniniwala ba kayo na
maaring mabuwag ang isang
magandang plano kung
magkakaroon ng di
pagkakaintindihan sa pagitan
ng mga miyembro ng grupo?
Bakit?
Paano mo maipakikita ang
pagkakaisa sa silid-aralan?
Sa tahanan?
Sa komunidad?
Ano-ano ang implikasyon ng
kawalan ng pagkakaisa sa
himagsikan o sa kilusan?
Sumulat ng isang balita hinggil
sa implikasyon ng kawalan ng
pagkakaisa sa himagsikan/
kilusan at kung paano ito
maaring mangyari sa
kasalukuyang panahon.
Magsaliksik sa silid-aklatan ng
mga karagdagang
impormasyon tungkol sa mga
napag-aralan at maghanda
para sa isang maikling
pagsusulit.
Mag-aral nang mabuti!

You might also like