You are on page 1of 31

CRY OF THE REBELLION

(SIGAW NG PUGAD LAWIN).


Sigaw ng pugad lawin.

• kilala din sa orihinal na tawag na sigaw ng balintawak. ito


ay ipinahayag ng katipunan at naging simula ng
Himagsikang Pilipino laban sa imperyong kastila, upang
makamit ang kasarinlan.
KATIPUNAN...
Kataas taasang
Kagalang galangan na
Katipunan nang mga anak ng
bayan .
PANITIKAN NG KATIPUNAN.
“Únang Sigáw” ang simbolikong unang pagtatagpo ng mga Katipunero upang ipahayag ang
Himagsikang1896 laban sa España. Maitutulad ito sa El Grito ng himagsikan sa Mexico.
Isang kontrobersiya hanggang ngayon kung kailan at kung saan naganap ang Unang Sigaw.
May panahong ipinagdiriwang ang Unang Sigaw sa Balintawak tuwing Agosto 26. Ngunit
binago ito ng saliksik ni Teodoro A. Agoncillo (1956), na nagtakdang naganap ito sa
Pugadlawin noong 23 Agosto 1896.
Nang malantad ang Katipunan noong 19 Agosto 1896 ay tumakas patungong Kalookan sina
Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Procopio Bonifacio, at ilang pinunò kasabay ang isang
pagpapatawag ng pangkalahatang pulong upang pag-usapan ang mga dapat gawin.
Itinakda niya ang pulong sa Balintawak sa Agosto 24. Dumating sina Bonifacio sa
Balintawak sa hatinggabi ng Agosto 19. Dumating kinabukasan, Agosto 20, si Pio
Valenzuela. Noong hápon ng Agosto 21, umalis ang umaabot sa 500 Katipunero, kasáma
nina Bonifacio, patungong Kangkong at natulog sa bakuran ni Apolonio Samson. Umalis sila
ng Kangkong sa hapon ng Agosto 22 at dumating kinagabihan sa Pugadlawin sa bakuran ni
Juan A. Ramos, anak ni Melchora Aquino.
• Kinabukasan, Agosto 23, doon nilá idinaos ang pulong na
nagpasiyang simulan ang himagsikan laban sa España sa Agosto
29. Sa pulong na iyon, tumindig si Bonifacio sa isang plataporma
at nagpahayag: “Mga kapatid, nagkaisa táyong ituloy ang
himagsikan. Sumusumpa ba kayóng itakwil ang pamahalaang
umaapi sa atin?” Sabay-sabay na sumigaw ng “Opo!” ang mga
Katipunero. “Kung ganoon,” patuloy ni Bonifacio, “ilabas ang
inyong mga sedula at punitin upang patunayan ang ating
pasiyang humawak ng sandata!” Inilabas ng mga Katipunero ang
mga sedula at pinagpunit-punit. Pagkatapos, naluluha siláng
sumigaw: “Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang Katipunan!”
Iyon ang dramatisasyon ng Unang Sigaw, ayon kay Agoncillo.

You might also like