You are on page 1of 5

POSISYONG

PAPEL
“Ang Unang Sigaw sa Pugad
lawin”

Ipinasa kay:

Ginoong Michelangelo Fulo

Ipinasa nina:

Blanco, Regielyn

Boco, Cathy Mae

Boreros, Alejandro

SBIE-2G
TALAAN NG NILALAMAN

I. Panimula--------------------------------------------- 1-2

II. Argumento------------------------------------------- 2-3

III. Konklusyon------------------------------------------ 3

IV. Sanggunian------------------------------------------ 3
I. Panimula

Ang “Unang Sigaw” ang simbolikong unang pagtatagpo ng mga


Katipunero upang ipahayag ang Himagsikang1896 laban sa España.
Maitutulad ito sa El Grito ng himagsikan sa Mexico. Isang kontrobersiya
hanggang ngayon kung kailan at kung saan naganap ang Unang Sigaw.
May panahong ipinagdiriwang ang Unang Sigaw sa Balintawak tuwing
Agosto 26. Ngunit binago ito ng saliksik ni Teodoro A. Agoncillo (1956),
na nagtakdang naganap ito sa Pugadlawin noong 23 Agosto 1896.

Nang malantad ang Katipunan noong 19 Agosto 1896 ay tumakas


patungong Kalookan sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Procopio
Bonifacio, at ilang pinunò kasabay ang isang pagpapatawag ng
pangkalahatang pulong upang pag-usapan ang mga dapat gawin. Itinakda
niya ang pulong sa Balintawak sa Agosto 24. Dumating sina Bonifacio sa
Balintawak sa hatinggabi ng Agosto 19. Dumating kinabukasan, Agosto
20, si Pio Valenzuela. Noong hápon ng Agosto 21, umalis ang umaabot sa
500 Katipunero, kasáma nina Bonifacio, patungong Kangkong at natulog
sa bakuran ni Apolonio Samson. Umalis sila ng Kangkong sa hapon ng
Agosto 22 at dumating kinagabihan sa Pugadlawin sa bakuran ni Juan A.
Ramos, anak ni Melchora Aquino.

Kinabukasan, Agosto 23, doon nilá idinaos ang pulong na


nagpasiyang simulan ang himagsikan laban sa España sa Agosto 29. Sa
pulong na iyon, tumindig si Bonifacio sa isang plataporma at nagpahayag:
“Mga kapatid, nagkaisa táyong ituloy ang himagsikan. Sumusumpa ba
kayóng itakwil ang pamahalaang umaapi sa atin?” Sabay-sabay na
sumigaw ng “Opo!” ang mga Katipunero. “Kung ganoon,” patuloy ni
Bonifacio, “ilabas ang inyong mga sedula at punitin upang patunayan ang
ating pasiyang humawak ng sandata!” Inilabas ng mga Katipunero ang
mga sedula at pinagpunit-punit. Pagkatapos, naluluha siláng sumigaw:
“Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang Katipunan!”

II. Argumento

 Agosto 19,1896
Unang dumating sina Andress Bonifacio, Emilio Jacinto, Procopio
Bonifacio, Teodoro Plate at Aguedo del Rosario noong hating gabi sa
balintawak.

 Agosto 20,1896
Kinabukasan noong araw na ito ay dumating si Pio Valenzuela sa
balintawak.

 Agosto 21,1896
(Hapon) Umalis ang limang daan na katipunero kasama si Bonifacio
patungong sa kangkong at doon natulog as bakuran ni Apolonio Samson.

 Agosto 22,1896
Umaalis sila sa kangkong ng hapon at noong araw din na iyon dumating
sila kinagabihan sa pugad lawin sa bakuran ni Juan A. Ramos, anak ni
Melchora Aquino.
 Agosto 23,1896
Araw kung kailan naganap ang unang sigaw sa pugad lawin. Pinunit
ang cedula at sumigaw ng mabuhay ang pilipinas mabuhay ang katipunan

 Pugad lawin
Ayon kay Teodoro Agoncillo naganap ang unang sigaw ng
himagsikan noong Agosto 23, 1896 sa pugad lawin mismo.

III. Konklusyon

Ang aming naging konklusyon batay sa pag aaral namin patungkol


sa kung saan ang unang sigaw ng himagsikan ay naganap ito sa Pugadlawin.
Sa kasalukuyan ipinagdiriwang ito tuwing Agosto 23 sa nasabing lugar.
Patunay nito ang aming ginawang pananaliksik na nagsasaad ng tunay na
pangyayari noong mga panahon na iyon.

IV. Sanggunian

 https://philippineculturaleducation.com.ph/unang-sigaw/

 https://www.pressreader.com/philippines/philippine-daily-inquirer-
1109/20100903/283274569062897

You might also like