You are on page 1of 11

*

Ang Karapatang Pantao ayon sa United States


●Malaking bahagi na ng kamalayan ng karamihan ng mga tao ngayon ang
pagkakaroon ng mga karapatan at mga kalayaan. Maituturing na may
pandaigdigang pagpapahalaga sa karapatang pantao.
●Likas ang karapatang pantao, ibig sabihin ay taglay ito ng lahat mula pa
sa simula. Hindi ito kailangang hilingin, pagtrabahuan, o kaya ay
ipagkaloob.

Karapang Sibil (civil rights)- ang mga karapatang tumatalakay sa buhay,


kalayaan, at seguridad ng isang indibidwal.
Karapatang Politikal (political rights)- ang mga karapatan ng isang
indibidwal sa malayang pamamahayag, pakikisalamuha, pagtitipon-tipon,
at makilahok sa pagpapasiyang pampolitika ng kaniyang komunidad.
Karapatang Ekonomiko at sosyal (economic and social rights)- ang mga
karapatang nagbibigay-daan upang magkaroon ng pag-unlad at pagbabago
ang pamumuhay ng isang indibidwal.
Karapatang Kultura (cultural rights)- ang tawag sa mga karapatan ng
isang indibidwal na makibahagi sa buhay kultura ng kaniyang komunidad.
Ang Universal Declaration of Human Rights
●Isinakodigo ito noong 10 Disyembre 1948 sa dokumentong “Universal
Declaration of Human Rights” o UDHR. Ang UDHR ay isang
napakahalagang dokumento sa kasaysayan ng pakikipaglaban at
pagtataguyod ng karapatang pantao.

Nakasaad sa Artikulo 1 at 2 ng UDHR, sa salin ng United Nations


Department of Public Information.
Artikulo 1
Ang lahat ng tao’y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan
at mga karapatan.
Artikulo 2
Ang bawat tao’y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang
nakalahad sa Pahayag sa ito, nang walang ano mang uri ng pagtatangi,
gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika
o iba pa,pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba
pang katayuan.
●Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng mundo, komprehensibong
inilatag at tinukoy ang mga karapatang pantao sa 30 Artikulo ng
UDHR.

Artikulo 1 Karapatan sa pagkakapantay-pantay


Artikulo 2 Kalayaan mula sa diskriminasyon o pagtatangi
Artikulo 3 Karapatan sa buhay, kalayaan, at seguridad
Artikulo 4 Kalayaan mula sa pang-aalipin
Artikulo 5 Kalayaan sa pagpapahirap at di-makataong pagpaparusa
Artikulo 6 Karapatan sa pagkilala bilang tao sa harap ng batas
Artikulo 7 Karapatan sa pantay na proteksiyon ng batas
Artikulo 8 Karapatan sa legal na remedyo o lunas mula sa hukuman
Artikulo 9 Kalayaan mula sa arbitraryong pagdakip, pagkakulong, o
pagpapatapon
Artikulo 10 Karapatan sa makatarungang paglilitis ng isang hukuman
Artikulo 11 Karapatan na ituring na inosente hanggang mapatunayang
nagkasala
Artikulo 12 Kalayaan mula sa panghihimasok sa pribadong buhay,
pamilya, tahanan, at korespondensiya maging sa pag-atake sa
karangalan at reputasyon
Artikulo 13 Karapatan sa malayang pagkilos palabas ng o pabalik
sa bansa, at paninirahan
Artikulo 14 Karapatan sa asilo sa ibang bansa laban sa
persekusyon o pag-uusig
Aryikulo 15 Karapatan sa pagkamamamayan at magpalit nito
Artikulo 16 Karapatan sa pag-aasawa at pagbuo ng pamilya
Artikulo 17 Karapatan sa pagkakaroon ng ari-arian
Artikulo 18 Karapatan sa kalayaan sa paniniwala at relihiyon, at
sa pagtalima rito
Artikulo 19 Karapatan sa kalayaan sa opinyon, pagpapahayag, at
impormasyon
Artikulo 20 Karapatan sa mapayapang pagtitipon at asosasyon
Artikulo 21 Karapatan sa pakikilahok sa pamahalaan at malayang
halalan
Artikulo 22 Karapatan sa panlipunang srguridad para paunlarin ang
pagkatao
Artikulo 23 Karapatan sa paghahanapbuhay at sumali sa mga
unyong pangmanggagawa
Artikulo 24 Karapatan sa pamamahinga at paglilibang, at takdang
oras ng pagtratrabaho
Artikulo 25 Karapatan sa pamantayan ng pamumuhay na sapat sa
kagalingan ng sarili at pamilya, at sa lahat ng bata
Artikulo 26 Karapatan sa edukasyon
Artikulo 27 Karapatan sa pakikilahok sa komunidad, sining, at
agham
Artikulo 28 Karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig kung
saan maisasakatuparan ang mga karapatang pantao
Artikulo 29 Katungkulan sa komunidad; pagkasaklaw sa ilang
limitasyon ng mga karapatan at kalayaan
Artikulo 30 Pagtitiyak na walang pakahulugan sa Deklarasyon na
maaaring gamitin ng estado o sinuman upang labagin ang mga
karapatan at kalayaang nabanggit
∗Customary international law
∗Ang lahat ng karapatang pantao ay unibersal, di-nahihiwalay
(indivisible), at magkakaugnay (interdependent and intrrelated).

Iba pang Kasuduan ukol sa Karapatang Pantao


●Ang ICESCR ay isang pandaigdigang kasunduan na naglalayong
susugan ang mga karapatang kultura at pangkabuhayan na inilatag ng
UDHR sa pamamagitan ng pagsusulong at pagpapatibay ng karapatang
ekonomiko at kultura na susundan ng mga bansang lumagda rito. Ito
ay nagbisa simula 3 Enero 1976.
●Ang ICCPR naman ay isang kasunduang naglalatag ng pananagutan ng
mga bansa na pangalagaan, pagtibayin, at isulong ang mga karapatang
politikal at sibil ng mga mamamayan ng bansang nakalagda rito.Ito ay
nagkabisa simula 23 Marso 1976.
●Isang malaking bahagi rin ng naratibo ng pagpapalaganap ng
karapatang pantao ang Vienna Declaration and programme of Action
(VDPA) noong Hunyo 1993
Karapatang Pantao sa Silangang Batas ng 1987

●Ang mga bansa ay may mga batas na nangangalaga sa katauhan at


dignidad ng kani-kanilang mamamayan.Maaaring nagkakaiba ang wika
ng pagkakasulat o ng implementasyon ng mga ito ngunit karamihan sa
mga ito ay tumatalakay sa pangangalaga at paggalang sa pagkatao,
kabuhayan, kalayaan, at seguridad ang bawat indibidwal.
●Sa Artikulo 3 nakalaan ang 22 seksiyon na naglalatag sa kalipunan ng
mga karapatan (bill of rights) ng mga Pilipino na dapat itaguyod ng
pamahalaan.
●Commission on Human Rights o CHR (komisyon sa Karapatang
Pantao). Mandato nito na magsiyasat ng anumang uri ng paglabag sa
karapatang pantao, magsulong ng mga hakbang upang
mapangalagaan ng lahat ang karapatang pantao, at magbigay ng
tulong at proteksiyon sa mga nangangailangan nito.
●Batas Republika blg. 7438 o “Rights of Persons Arrested, detained,
or Under Custodial Investigation” na nagsasaad ng pamantayan ng
wastong proseso ng batas para sa isang nasasakdal
ang Batas Republika blg. 9344 o “Juvenile Justice and Welfare Act of
2006” na nagsasaad ng mga karapatan ng isang batang nasasakdalan;
at ang Batas Republika blg. 2004 “na naglalayong pangalagaan ang
kababaihan at kabataan laban sa karahasan at pag-aabuso.
●Batas Republika blg. 9745 o “Anti-Torture Act of 2009” na
nagbabawal sa anumang uri ng pagpapahirap, pagpaparusa, at
pananakit ng mga detenido. Ang Batas Republika blg. 9851 o ang
“Philippine Act on Crimes against International Humanitarian Law,
Genocide, and Other Crimes against Humanity.

Mga ahensiya ng Karapatang Pantao ng UN


●Ang United Nations Commission on Human Rights (UNCHR) ay isang
komisyon na pangunahing nagtataguyod at nangangalaga ng
karapatang pantao sa buong mundo.
Charter-based bodies (Nakabatay sa Karta ng UN)
1. Human Rights Council
2. Universal Periodic Review
3. Commission on Human Rights (pinalitan ng Human Rights Council)
4. Special Procedures of the Human Rights Council
5. Human Rights Council Complaint Procedure

Treaty-based bodies (Nakabatay sa mga tratado at kasunduan)


1. Human Rights Committee (CCPR)
2. Committee on Economic, Social and Cultural Rights (CESCR)
3. Committee on the Elimination of Racial Discrimination (CERD)
4. Committee on the Elimination of Discrimunation against Women
(CEDDAW)
5. Committee against Torture (CAT)
6. Subcommittee on Prevention of Torture (SPT)
7. Committee on the Rights of the Child (CRC)
8. Committee on Migrant Workers (CMW)
9. Committee on the Rights of Persons with Disabilities (CRPD)
10. Committee on Enforced Disappearances (CED)

Mga Hamon sa Karapatang Pantao


●Malaking paglabag din sa karapatang pantao ang pagkasira ng
pamayanan at kabuhayan ng mga taong naiipit sa kaguluhan.
Napipilitan ang mga karamihan na maging refugee at
makipagsapalaran sa ibang bansa.Ngunit kalimitan ay himdi tiyak ang
kaligtasan ng mga lumilikas at hindi rin sigurado kung tatanggapin sila
ng mga bansang kanilang lilipatan.
●Ang kahirapan, represyon, at ang kawalan ng kalayaan ay ilan din sa
mga dahilan ng paglikas ng mga refugee.
●May mga bansa o lugar sa mundo na sistematikong sinisikil ng
pamahalaan ang kalayaan ng mga mamamayan sa pagpapahayag,
pagpili, pagpapasiyang politikal, at pagpapatakbo ng pamilya at
buhay.
●Mayroon namang bansang may masyadong tradisyonal o radikal na
konserbatibong pamantayang panlipunan, na hindi masyadong
pinahahalagahan ang karapatan ng kababaihan at minorya, at hindi
kinikilala ang ibang kasarian.

You might also like