You are on page 1of 30

CARLOS P.

GARCIA
Ika-8 Pangulo ng Pilipinas
Ika-apat na Pangulo ng Ikatlong Republika
Panunungkulan
23 Marso 1957 [halal 30 Disyembre 1957] – 30
Disyembre 1961
Pangulo Ramon Magsaysay
Pangalawang Pangulo Diosdado Macapagal
Sinundan si Ramon Magsaysay
Sinundan ni Diosdado Macapagal
Kapanganakan 4 Nobyembre 1896
Talibon, Bohol
Kamatayan 14 Hunyo 1971
Talibon, Bohol
Partidong Politikal Nacionalista
Asawa Leonila Dimataga
Hanapbuhay Abogado, Guro, Manunula at Ekonomista
Relihiyon Katoliko
Si Carlos Polistico Garcia
(4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo
1971) ay isang Pilipinong makata
at politiko at ang ikawalong
Pangulo ng Republika ng Pilipinas
(23 Marso 1957–30 Disyembre
1961). Naging pangalawang
pangulo at miyembro ng
gabinete ni Ramon Magsaysay si
Garcia. Nanumpa siya bilang
pangulo nang mamatay si
Magsaysay. Kilala si Garcia sa
kanyang pagpapatupad ng
patakarang "Pilipino Muna"
("Filipino First").
Maagang buhay
Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa
bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang mga magulang ay
sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya
sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at
kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine
Law School at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.
Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng
highschool.
Kapulungan ng mga Kinatawan
Una niyang pinasok ang politika noong 1926 bilang
kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan at naglingkod
hanggang 1932.
Gobernador ng Bohol
Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932
hanggang 1941.
Senado
Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi
nakapaglingkod dahil sa pananakop ng mga Hapones noong
Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang
Senador nang mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga
Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945 hanggang
1953. Tumungo si Garcia Estados Unidos upang ilobby ang
kabayaran para pinsala sa digmaan ng Pilipinas. Siya ay nagsilbi
ring delegado ng bagong nabuong United Nations sa San
Francisco. Sa Senado, siya ay naging pinuno ng minorya at
namuno sa mga impluwensiyal na komite hingil sa pamahalaan,
hukbo, katarungan at ugnayang pandayuhan ng Pilipinas.
Panahong Hapones
Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano
sa mga Hapones noong Mayo 1942, si
Garcia ay pinahanap ng mga autoridad na
Hapones upang hulihin dahil sa kanyang
pagtangging sumali sa pananakop ng mga
Hapones. Siya ay sumali sa puwersang
gerilyang laban sa Hapon sa Bohol
hanggang sa matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Pangalawang Pangulo
Noong Nobyembre 1953, si Garcia ay
nahalal na Pangalawang Pangulo kasama ni
Ramon Magsaysay bilang Pangulo ng Pilipinas.
Sa ilalim ni Magsaysay, si Garcia ay naging
Kalihim ng ugnayang pandayuhan. Bilang
kalihim nito, nilikha niya ang kasunduang
kapayapaan sa Hapones at nakipagayos para sa
pagbabayad nito sa digmaan. Dumalo si Garcia
sa Komperensiyang Geneva hinggil sa mga
bagay na Asyano.
Kanyang inatake ang mga
komunista at sinuportahan ang
mga patakarang Amerikano sa
buong Silangan. Sa Pilipinas,
patuloy niyang binuo ang mga
patakarang pandayuhan at Inaugurasyon nina
nangasiwa sa Southeast Asia Ramon Magsaysay at
Treaty Organization (SEATO) Carlos P. Garcia bilang
Conference noong 1954 na Pangulo at Ikalawang
Pangulo noong
nagresulta sa walong kasaping Disyembre 30, 1953,
alyansang panghukbo upang Independence
pigilan ang paglawak ng Grandstand [ngayong
komunismo. Quirino Grandstand
Pangulo
Noong Marso 1957 si Garcia
ay naging presidente matapos
pumanaw si Ramon Magsaysay sa
isang aksidente sa eroplano.
Nagwagi siya sa halalang
pampanguluhan noong Inaugurasyon nina
Nobyembre 1957. Upang makuha Ramon Magsaysay at
ang pagkapanalo sa 1957 halalan, Carlos P. Garcia bilang
Pangulo at Ikalawang
pinili niya si Diosdado Macapagal
Pangulo noong
mula sa oposisyong Partido
Disyembre 30, 1953,
Liberal na maging kasamang Independence
tatakbo bilang pangalawang Grandstand [ngayong
pangulo. Quirino Grandstand
Ekonomiya
Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang
striktong programa ng paghihigpit upang maalis
ang korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang
yumayabong na itim na pamilihan at sinikap na
pagsiglahin ang ekonomiya. Ang paglago ng
ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang
ipinatupad ang patakarang "Pilipino Muna" upang
wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa
ekonomiya ng Pilipinas. Ang lahat ng mga imbestor
na dayuhan na karamihan ay mga Amerikano ay
nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong interes sa
mga kompanyang domestiko.
Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong
pagsalalay sa Estados Unidos bilang
guarantor ng seguridad ng Pilipinas at
naghanap ng bagong orientasyon tungo sa
ibang mga bansang Asyano. Ang mga
patakarang ito ay hindi nagustuhan ng mga
Amerikano. Sinikap rin ni Garcia na buhayin
ang mga katutubong sining pangkultura
upang pagtibayin ang pagkakakilanlang
pambansa ng mga Pilipino.
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan
ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng
Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng
Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base
militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging
labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at
ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga
pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA
samantalang pinaboran naman ng mga
Amerikano si Diosdado Macapagal upang
manalo sa halalan noong 1961.
Bilang Presidente ng Bansa, naging
tatak ng adminstrasyong Garcia ang
kanyang “Filipino First Policy.”
Sa polisiyang ito, sinigurado ng
kanyang gobyerno na mabibigyan ng
higit na pabor sa aspeto ng oportunidad
na makapagpalago ng negosyo ang mga
mamumuhunang Pilipino kumpara sa
mga banyagang mangangalakal.
Nilabanan din ni Pangulong Garcia ang
komunismo sa bansa noong siya ang
pangulo. Sa bisa ng Republic Act No. 1700,
ipinagbawal ang pagsapi sa
rebolusyonaryong organisasyon na
sumusuporta sa komunismo.
Sa kanyang administrasyon, pinaigsi rin
ang panahon pagpaparenta ng mga base
militar ng Amerikano sa bansa ng hanggang
25 taon na lamang, mula sa orihinal na 99.
1961 halalan ng pagkapangulo
Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na
ekonomiya at mga alegasyon ng korupsiyon, si
Garcia ay natalo sa halalan ng pagkapangulo sa
kanyang pangalawang pangulong si Diosdado
Macapagal. Pagkatapos ng pagkatalo, siya ay
nagretiro na sa pultika ngunit noong 1971 ay
hinikayat siya ni Ferdinand Marcos na mamuno
sa isang bagong kumbensiyong konstitusyonal
na lilikha ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973
ngunit namatay siya bago pa makuha ang
posisyon.
Kamatayan
Bukod sa kanyang
mga nagawa bilang
makabansang politiko, si
Garcia ay kilala rin na
makata sa kanyang
diyalektong Boholano. Libingan ni Carlos P.
Garcia sa Libingan ng
Namatay siya sa atake sa
mga Bayani
puso noong 14 Hunyo
1971 sa edad na 74.
Sa kasalukuyan, ang
kanyang mga labi ay
nakahimlay sa Libingan ng
mga Bayani. Si Garcia ang
unang pangulo ng
bansang inilibing sa
naturang lugar. Libingan ni Carlos P.
Garcia sa Libingan ng
Carlos Garcia, ang ika-
mga Bayani
walong Pangulo ng
Pilipinas.
1. Ilarawan si Carlos P. Garcia.
2. Pang-ilang pangulo si Carlos P. Garcia?
3. Magbigay ng mga nagawa niya para sa
bansa bilang pangulo.
4. Ipaliwanag ang “Filipino First Policy”.
5. Sa inyong pananaw, maganda ba ang
naitulong ng administrasyon ni
Pangulong Carlos Garcia sa bansa? Bakit?
Ilarawan si Carlos P. Garcia.
Si Carlos P. Garcia ay kilala sa kanyang
programa na “Filipino First Policy”
Pang-ilang pangulo si Carlos P. Garcia?
Ika-8 Pangulo ng Pilipinas at Ika-apat na
Pangulo ng Ikatlong Republika
Magbigay ng mga nagawa niya para sa
bansa bilang pangulo.
“Filipino First Policy”
Kanyang ipinatupad ang patakarang
"Pilipino Muna" upang wakasan ang
pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng
Pilipinas.
Sa kanyang administrasyon, pinaigsi rin ang
panahon pagpaparenta ng mga base militar
ng Amerikano sa bansa ng hanggang 25
taon na lamang, mula sa orihinal na 99.
Magbigay ng mga nagawa niya para sa
bansa bilang pangulo.
Ang lahat ng mga imbestor na dayuhan na
karamihan ay mga Amerikano ay
nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong
interes sa mga kompanyang domestiko.
Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong
pagsalalay sa Estados Unidos bilang
guarantor ng seguridad ng Pilipinas at
naghanap ng bagong orientasyon tungo sa
ibang mga bansang Asyano.
Magbigay ng mga nagawa niya para sa
bansa bilang pangulo.
Ang lahat ng mga imbestor na dayuhan na
karamihan ay mga Amerikano ay
nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong
interes sa mga kompanyang domestiko.
Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong
pagsalalay sa Estados Unidos bilang
guarantor ng seguridad ng Pilipinas at
naghanap ng bagong orientasyon tungo sa
ibang mga bansang Asyano.
Magbigay ng mga nagawa niya para sa
bansa bilang pangulo.
Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga
katutubong sining pangkultura upang
pagtibayin ang pagkakakilanlang pambansa
ng mga Pilipino.
Ipaliwanag ang “Filipino First
Policy”.
Kanyang ipinatupad ang
patakarang "Pilipino Muna"
upang wakasan ang pananaig
ng mga dayuhan sa
ekonomiya ng Pilipinas.
Sa inyong pananaw, maganda ba
ang naitulong ng administrasyon ni
Pangulong Carlos Garcia sa bansa?
Bakit?
Opo, dahil ipinatupad niya ang
patakarang “Pilipino Muna” upang
wakasan ang pananaig ng mga
dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas.
Isulat ang TAMA kung wasto ang
pahayag at MALI kung hindi.
1. Ipinanganak si Carlos P. Garcia
noong ika-4 ng Nobyembre
1897.
2. Ipinatupad niya ang “Filipino
First Policy” o yung “Pilipino
Muna”.
3. Sa kanyang administrasyon, pinaigsi
rin ang panahon pagpaparenta ng
mga base militar ng Amerikano sa
bansa ng hanggang 25 taon na
lamang, mula sa orihinal na 99.
4. Siya ang bise-presidente ni
Pangulong Ramon Magsaysay dati.
5. Namatay siya sa isang aksidente
noong 14 Hunyo 1971 sa edad na
74.
Isulat ang TAMA kung wasto ang
pahayag at MALI kung hindi.
1. Ipinanganak si Carlos P. Garcia
noong ika-4 ng Nobyembre
1897.
MALI [kasi Nobyembre 4, 1986]
1. Ipinatupad niya ang “Filipino
First Policy” o yung “Pilipino
Muna”. TAMA
3. Sa kanyang administrasyon, pinaigsi
rin ang panahon pagpaparenta ng mga
base militar ng Amerikano sa bansa ng
hanggang 25 taon na lamang, mula sa
orihinal na 99. TAMA
4. Siya ang bise-presidente ni Pangulong
Ramon Magsaysay dati. TAMA
5. Namatay siya sa isang aksidente noong
14 Hunyo 1971 sa edad na 74. MALI
[namatay siya sa atake sa puso]
GROUP 4
PRINCESS GWYNETTE M. TAPANG
CLAIRE-ANN D. ROMERO
ALYSSA DAYNE F. LIZARDO
KIDD DIESEL S. DELA CRUZ
AUDREY MARIE R. CASAMA
DANIEL JACOB S. MARTINEZ
JESSAMINE P. GANCAYCO
AMBREEN A. SYSIA

You might also like