You are on page 1of 36

Interaksiyonal, Personal, at

Imahinatibong Tungkulin ng Wika


Kolektibong Kuwento
• Isagawa ang mga sumusunod na hakbang para sa Gawain ng
kolektibong pagkukuwento.
• Maging aktibo sa pakikinig sa dikta ng guro upang ang buong
pangkat ay makabuo ng makabuluhan at interesanteng
kuwento:
Kolektibong Kuwento
1. Maghanda ng isang buong papel na magsisilbing sulatan
para sa pagbuo ng kolektibong kuwento.
2. Lumikha ng bilog ang bawat pangkat na binubuo ng limang
kasapi.
3. Isusulat ng estudyanteng may-ari ng papel ang simula ng
kuwento at iikot nang clockwise ang nasabing papel para
maituloy ng mga kaklase ang kuwentong gusto nilang
idugtong. Hintayin ang hudyat ng guro sa bawat bahagi ng
kuwento.
Kolektibong Kuwento
4. Bibigyan ng dalawang minuto ang bawat miyembro para
maisulat ang karugtona kuwento hanggang sa
makapagsulat ang huling miyembro sa bawat grupo.
5. Ididikta ng guro ang bawat bahagi ng kuwento na
magsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa susundang daloy
ng pagkukuwento.
Kolektibong Kuwento
• Tanong:
• Ano-anong uri ng interaksiyon ang nabuo sa inyong kuwento?
• Aling ang mga pahayag na nagpapakita ng personal na saloobin o
damdamin?
• Maituturing mo bang malikhain ang inyong nabuong kolektibong
kuwento?
• Ipaliwanag ang iyong sagot.
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
• Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng wika
na nakatuon sa interaksiyonal, personal at imahinatibo;
• Napag-iiba ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal,
imahinatibo;
• Natutukoy ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal, at
imahinatibo sa pinanood na indie film;
• Naiuugnay ang interaksiyonal, personal, at imahinatibong tungkulin
ng wika sa pinanood na indie film; at
• Nakapagsasagawa ng dyadic na talakayan ukol sa tungkulin ng wika sa
pinanood na indie film.
Interaksiyonal, Personal at Imahinatibong
Tungkulin ng Wika
• Ang wika ay isang moda ng pag-uugali at hindi isang purong
elementong pragmatika.
• May panlipunang papel na ginagampanan ang wika upang
maglinaw ng kahulugan batay sa mga aktuwal na sitwasyon
at natural na tungkulin nito upang tumugon sa mga tiyak na
layunin at panlipunang konteksto.
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika
• Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng
panlipunang ugnayan, ang wika ay may interaksiyonal
na tungkulin.
• Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-
ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapuwa sa
paligid.
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika
• Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay lumilikha
ng mga panlipunang ekspresyon at pagbati upang
bumuo ng interaksiyon at palakasin ang layuning
makipagkapuwa gaya ng “Mahal kita,” “Kamusta?”
“Nanay,” at “Mabuhay.”
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika
• Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa
pamamagitan ng estratehiyang interaksiyonal gaya ng
paggamit ng mga katangiang di gumagamit ng salita,
tulad ng
• kilos,
• tuon ng mata, at
• pagwiwika ng katawan (mga muwestra o galaw ng kamay,
pagkiling-killing ng ulo, at iba pang mga kilos).
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika
• Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong interaksiyon
kung paiba-iba ang
• ekspresyon,
• tono, at
• intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa pakikipag-
usap.
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika
• Halimbawa:
• Pormularyong Panlipunan
• Pangungumusta
• Pagpapalitan ng biro
• Kumusta ka na aking kaibigan?
• Maligayang Kaarawan
Personal na Tungkulin ng Wika
• Nagsisilbing gampanin naman ng Personal na
tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at
pagkakakilanlan ng isang indibiduwal.
• Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang
ipahayag ang kaniyang mga personal na
• preperensiya,
• saloobin, at
• pagkakakilanlan.
Personal na Tungkulin ng Wika
• Ang Personal na sulatin ay informal, walang tiyak na
balangkas at pansarili.
• Ito ang pinakagamit na uri ng sulatin sa mga mag-aaral dahil
nagagawa nilang iugnay anumang paniniwala, pag-iisip, o di
kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.
• Mga halimbawa: Shopping o Groseri List, Tala, Diary, Dyornal,
Dayalog, Liham, Mensahe, Pagbati.
Personal na Tungkulin ng Wika
• Halimbawa:
• Shopping o Groseri List
• Tala
• Diary
• Dyornal
• Dayalog
• Liham
• Mensahe
• Pagbati.
Personal na Tungkulin ng Wika
• Halimbawa:
• Porma/Di-Pormal na Talakayan
• Liham sa Patnugot
• Sang-ayon ako na idaos ang ating retreat
• Ikaw ang talagang tumatanglaw sa aking bawat madilim na gabi
• Nakakabahala ang artikulong inilathala ninyo sa nakaraang isyu ng
inyong pahayagan.
Imahinatibong Tungkulin ng Wika
• Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin ng
wika upang ipahayag ang
• imahinasyon at haraya,
• maging mapaglaro sa gamit ng mga salita,
• lumikha ng bagong kapaligiran ng tayutay at
• iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng
makapang-akit ng komunikasyon.
Imahinatibong Tungkulin ng Wika
• Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines
halimbawa ay nagpapakita ng malikhaing gamit ng
wika upang magpatalas ng isang ipinahihiwatig na
kahulugan at damdamin.
• Halimbawa:
• “Password ka ba? – Di kasi kita makalimutan.”
• “Papupulis kita! – Ninakaw mo kasi ang puso ko.”
Imahinatibong Tungkulin ng Wika
• Halimbawa:
• Pagsasalaysay
• Paglalarawan
• Akdang pampanitikan
Pagsubok:
• Suriin ang mga sumusunod na tag line batay sa
ginamit na tungkulin ng wika (interaksiyonal, personal,
at imahinatibo) at ipaliwanag ang iyong sagot.
• Limitahan ang paliwanag sa dalawa hanggang tatlong
pangungusap.
• (Limang puntos bawat isa.)
Pagsubok:
1. FACEFOOD
Like ko ‘to

Tungkulin ng wika: _____________________


Paliwanag:
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
Pagsubok:
2. JEEPSILOG
Biyaheng Sarap!

Tungkulin ng wika: _____________________


Paliwanag:
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
Pagsubok:
3. TV 45
Kasama Ka!

Tungkulin ng wika: _____________________


Paliwanag:
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
Pagsubok:
4. Bongga ka Lhai!
Parlor ng mga Sikat!

Tungkulin ng wika: _____________________


Paliwanag:
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
Pagsusuri sa Wika ng Indie Film:
• Mauunawaan lamang ang iba’t ibang tungkulin ng
wika na tinalakay natin kung susuriin ito sa isang
partikular na panlipunang konteksto.
Pagsusuri sa Wika ng Indie Film:
• Sa pamamagitan ng pagsusuri sa gamit ng wika sa
isang indie film, mahalagang tukuyin at tayain sa
pagsusuri ang mga aspektong nakatuon sa uri ng
• wikang ginamit,
• layunin sa paggamit,
• mga tungkulin ng wika (pokus sa interaksiyonal, personal,
at imahinatibo), at
• bisa sa paglikha ng panlipunang ugnayan at pagtupad sa
tunguhin ng midyum.
Pagsusuri sa Wika ng Indie Film:
• Maaaring gumamit ng pelikulang may ganap na haba,
maikling pelikula, o paskel na pampelikula (movie poster).
• Maaaring pumili sa mga sumusunod na pagmumulan ng
pagsusuri sa wika ng pelikulang indie:
a. Pelikulang May Ganap na Haba:
Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (2005) Aureus Solito
Tribu (2008) Jim Libiran
Mga Munting Tinig (2002) Gil Portes
Pagsusuri sa Wika ng Indie Film:
b. Maikling Pelikula:
Faculty (2010) Jerrold Tarog
Pangarap ko sa Pilipinas (2014) Pinoy Media Center
Good News (2007) Isabella Matutina
c. Paskel Pampelikula:
1st ko si 3rd (2014)
Ekstra (2014)
Muli (2010)
Narito ang panukalang pormat sa mga
sumusunod:
a. Pelikulang May Ganap na Haba – 700-1000 na salita,
gumamit ng font na Arial 12 at 1.5 na espasyo.
b. Maikling Pelikula – 500-700 na salita, gumamit ng font
na Arial 12 at 1.5 na espasyo.
c. Paskel Pampelikula (Movie Poster) – 300-500 na salita,
gumamit ng font na Arial 12 at 1.5 na espasyo.
Narito ang panukalang pormat sa mga
sumusunod:
• Ilagay sa maikling bond paper ang isusulat na
pagsusuri.
• Pumili lamang ng isang indie film, maikling pelikula, o
paskel na magsisilbing batayan sa pagsusuri.
Narito ang panukalang pormat sa mga
sumusunod:
• Kailangang taglayin sa sulatin ang mga nabanggit na
aspekto ng pagsusuri
• uri ng wika,
• layunin,
• tungkulin ng wika, at
• bisa ng midyum
Narito ang panukalang pormat sa mga
sumusunod:
• Tatayain ang pagsusuri batay sa mga pamantayan ng
nilalaman,
• paraan ng pagsulat,
• epektibong gamit ng wika, at
• pormat.
Pamantayan sa Pagsusuri sa Tungkulin ng Wika sa
Indie Film/Maikling Pelikula/Paskel Pampelikula
Panukatan Deskripsiyon 5 4 3 2 1
Nilalaman • Nakatugon sa layunin ng pagsusuri
• Malinaw at wastong nasusuri ang
mahahalagang aspekto ng pagsusuri
• Matibay sa paglalatag ng mga ebidensiya upang
patunayan ang mahahalagang
konsepto/prinsipyo sa mga tiyak na aspekto ng
pagsusuri sa tungkulin ng wika na ginamit sa
indie film
Pamantayan sa Pagsusuri sa Tungkulin ng Wika sa
Indie Film/Maikling Pelikula/Paskel Pampelikula
Panukatan Deskripsiyon 5 4 3 2 1
Paraan ng • May interesanteng pamagat
Pagsulat • Maaayos ang komposisyon sa gabay ng
balangkas na nakabatay sa mahahalagang
aspekto ng pagsusuri
• Umaakit ng interes ang umpisa, nahihikayat ang
patuloy na pagbasa hanggang dulo
• May estilo ang pagsusuri na madaling
mauunawaan ng karaniwang mambabasa
• May masistema at lohikal na daloy ng
pagtalakay
Pamantayan sa Pagsusuri sa Tungkulin ng Wika sa
Indie Film/Maikling Pelikula/Paskel Pampelikula
Panukatan Deskripsiyon 5 4 3 2 1
Epektibon • Walang pagkakamaling gramatika at
g Gamit ng tipograpikal
Wika • Mahusay ang pagpili ng salita at bokabularyong
angkop sa iskolarling pagsusuri
Pormat • Tumutugon sa limitasyong salita
• Teknikalidad (Arial, 12, 1.5 na espasyo, maikling
bond paper)
KABUUAN
Katumbas ng Iskor:
4.20 – 5.00 – Napakahusay ng paglalapat ng lahat ng
pamantayan
3.40 – 4.19 – mahusay ang paglalapat ng lahat ng
pamantayan
2.60 – 3.39 – Hindi gaanong mahusay ang lahat ng
pamantayan
1.80 – 2.59 – Halos hindi nailapat ang karamihan ng mga
pamantayan
1.00 – 1.79 – Hindi nailapat ang mga pamantayan

You might also like