You are on page 1of 28

ANG GUNPOWDER

NAUSO ANG “FOOTBINDING”


KILALANIN PA NATIN ANG
BANSANG TSINA
 Itinuturing na Ginintuang Panahon ng pilosopiyang
Tsino ang Chou dahil sa mga sikat na pantas.
A. Confucius (551-479 B.C.)
– nagpakilala sa daigdig ng Five Classics at
Four Books.Ayon sa kanya, may anim na salik na
dapat sundin ang tao sa pakikipag-ugnayan:
kagandahang-asal, kabutihan, katapatan,
pagkamakatarungan,pagkakawanggawa, at
katalinuhan. Ilan sa kanyang mga ginintuang
palaisipan ang sumusunod.
1. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin
sa iyo ng ibang tao.

2. Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo


siya; kapag masamang tao, suriin mo ang iyong
puso.

3. Ang taong nakagawa ng kamalian na hindi


nagtatangkang iwasto ito ay makagagawa pang
muli ng isa pang kamalian.
 Pinaghalong animismo at
pagsamba sa mga ninuno
ang kanilang relihiyon.
Kaugnay nito, naniniwala
sila sa oracle bone reading o
panghuhula sa
pamamagitan ng pagbasa
ng mga nakaukit sa buto ng
hayop o bahay ng pagong
 Ang kaligrapo ay ang
uri ng pagsulat na
naitatag ng mga Shang.
Pictogramo mga
larawan ang kanilang
gamit sa calligraphy na
dikit-dikit ang
pagkakasulat upang
makabuo at maipakita
ang ideya.
PAG-AASAWA AT PAGPAPAKASAL
 Mahigpit na ipinagbabawal ng paniniwalang Tsino
ang pagsusukat ng traje de boda ng ikakasal sa
bisperas ng kasal nito, at kung malabag ay
maaaring magdulot nang di pagkakatuloy ng
kasalan kinabukasan.
PAG-AASAWA AT PAGPAPAKASAL
 Kailangang iwasan ng dalawang ikakasal ang
maglakbay ng malayong lugar lalo na kapag papalapit
na ang kanilang pag-iisang dibdib.
 Suwerte ang hatid ng mabining pag-ulan sa araw ng
kasal at sinasabing nagdadala ng kasaganaan at
kaligayahan sa bagong mag-asawa. Gayun din ang hatid
na suwerte sa pagsasaboy ng bigas sa bagong kasal sa
paglabas nila ng Simbahan o matapos ng seremonyas.
PAGBUBUNTIS AT PANGANGANAK
 Kailangang iwasan ng babaeng nagbubuntis na tumingin
o saktan ang mga bagay o hayop na may di kaaya-aya
ang itsura sapagkat maaaring makuha ng kaniyang
ipinagbubuntis ang ganoong itsura.
 Iwasan ang labis na paghimas ng tiyan habang
nagbubuntis. Sa paglaki ng bata, maaaring maging
matigas ang ulo nito, palayawin o suwail.
PAGBUBUNTIS AT PANGANGANAK

 Ang batang nagtataglay ng higit sa isang puyo (o ang


paikot na oryentasyon ng buhok na tila mata ng
bagyo) ay pinaniniwalaang lalaking pilyo at matigas
ang ulo.
 Ang sanggol na ipinanganak na may malapad at
mataba na tenga ay sinasabing magkakaroon ng
mahabang buhay.
 Gumagamit ng elepante ang mga tsino bilang
sasakyang pandigma gayundin ng karwaheng hilang
kabayo.

 Naniniwala ang mga Tsino noong panahong ito na


taglay ng kanilang pinuno ang bisa ng “Utos ng
Langit” na batayan ng kanilang pamumuno. Kapag
nawala na ang bisa nito, babagsak ang pinuno at
papalitan ng bago.
MAIKLING KUWENTO
• Ano ang maikling kuwento?
-Ito ay isang akdang pampanitikan sa
tuluyan na sa pamamagitan ng mga
pangungusap at talata’y binubuo ng
may-akda upang sa kanyang
kapangyarihan at kakayahan bilang
isang alagad ng panitikan, mailahad niya
ang isang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan, makapagkintal ng
isang bisa sa puso at diwa ng mga
mambabasa.
Ano ang Maikling Kuwento?

Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng


buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari.

Sapagkat ito’y may makitid na larangan, mabilis na


galaw kaya’t tuluy- tuloy ang pagsasalaysay, matipid at
payak ang mga pangungusap, kakaunti
ang mga tauhan na lagi nang may pangunahing
tauhan,payak o karaniwan ang paksa, maikli ang
panahong sinasakop…ang maikling kuwento ay
madaling maunawaan, kaya’t masasabing angkop sa
lahat, lalo na sa mga taong mahilig magbasa ngunit
kapos sa panahon.
Mga Salik / Sangkap ng
Maikling Kuwento
Tagpuan

Tumutukoy ito sa pook at panahong


pinangyarihan ng mga tagpo sa akda,
naglalarawan ito ng ginagalawan o
kapaligiran ng mga tauhan.
Inilalarawan ito nang buong linaw, pati
na ang kaugalian ng mga nasa
kapaligiran ay masisinag sa mabisang
pamamaraan.
Tauhan

Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling


katha bagama’t laging may pangunahing
tauhan. Ang iba pa sa kuwento ay tumutulong
lamang sa lalong ikatitingkad ng
pagganap ng pangunahing tauhan sa akda.
Sa kanyang galaw at ugali nakasalalay nang
malaki ang kagandahan ng akda.
Banghay

Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng


mga pangyayari. Dapat itong maging maayos at
magkakaugnay upang maging matatag at
kapani-paniwala. Gaano man kapayak o
karaniwan ang mga pangyayari, ang pagiging
kawili-wili nito ay nakasalalay sa makatwirang
pagkakasunud- sunod na “magpapadulas sa
daloy ng salaysay.
Mga Bahagi ng
Maikling Kuwento

You might also like