You are on page 1of 17

PONOLOHYA

NG PILIPINO
(o FILIPINO)
3 Salik upang makapagsalita ang tao:
1. Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhya
2. Ang pumapalag na bagay o artikulador
3. Ang patunugan o resonador
Ang interaksyong nagaganap sa tatlong salik
na ito ay lumilikha ng mga alon ng mga
tunog. Ang hangin ang nagiging midyom
o pahatiran ng mga alon ng tunog na
sya naman nating naririnig.
Ang enerhya ay ang presyong nalilikha
ng papalabas na hiningang galing sa baga na
siyang nagpapapalag sa nga babagtinang
pantinig na siyang gumaganap na
artikulador. Lumilikha ito ng tunog na
minomodipika ng bibig na siya namang
nagiging patunugan o resonador. Ang
itinuturing na mga resonador ay ang bibig
at ang butas ng ilong.
Ang bibig ng tao ay may apat na bahaging
mahalaga sa pagbigkas ng tunog:
1. dila at panga (sa ibaba)
2. ngipin at labi (sa unahan)
3. matigas na ngalangala (sa itaas)
4. malambot na ngalangala (sa likod)
Nagbabagu-bago ang hugis at laki ng espasyo
sa loob ng bibig dahil sa panga at sa dila na
malayang naigagalaw at dahil sa pagbabagu-
bagong ito ay nagpag-iiba-iba rin ng nagsa-
salita ang uri ng nga tunog na lumalabas
sa kanyang bibig.
Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang
kahulugan ng salitang kinsasamahan nito sa sandaling
ito’y alisin o palitan.
Halimbawa: bansa
bana (small lake)
banta (threat)
Ang Pilipino ay may 21 ponema – 16 ang katinig at 5
ang patinig
Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, n, s, h, l, r, w, y/
Ang mga katinig ng Pilipino ay maiaayos ayon
sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga
ito ay binibigkas ng mga tinig o walang tinig.
PUNTO NG ARTIKULASYON
Paraan ng Pang- Pang- Pangnga
Panlabi Velar Glottal
Artikulasyon ngipin gilagid langala
Pasara
w.t. p t k ?
m.t. b d g
Pailong
m.t. m n n
Pasutsut
w.t. s h
Pagilid
m.t. l
Pakatal
m.t. r
Malapatinig
m.t. y w
Sa punto ng artikulasyon ay inilalarawan kung
saang bahagi ng bibig nagaganap ang pagbigkas ng
isang katinig.
Anim na punto ng Artikulasyon:
1. Panlabi – ang ibabang labi ay dumidiit sa labing
itaas. /p,b,m/
2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidit sa loob
ng mga ngiping itaas. /t,d,n/
3. Pangngilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay
lumalapit o dumidiit sa punong gilagid. /s,l,r/
4. Pangngalangala – ang ibabaw ng punong dila
ay lumalapit o dumidiit sa matigas na
bahagi ng ngalangala. /y/
5. Velar – ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa
velum o malambot na bahagi ng ngalangala.
/g,n,w/
6. Glottal – ang mga babagtingang pantinig ay
naglalapit o nagdidiit at hinaharang ang presyon
ng papalabas na hininga at pagkatapos ay
pakakawalanupang lumikha ng paimpit o
pasutsut na tunog. /?,h/
Sa paraan ng artikulasyon, ay inilalarawan
kung alin sa mga artikulador ang gumagana o
kung paano ang hininga ay lumalabas sa bibig
o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga
ponemang katinig.
Paraan ng Artikulasyon:
1. Istap o pasara – ang daanan ng hangin ay harang na
harang. /p,t,k,?,b,d,g/
2. Nasal o pailong – ang hangin na nahaharang dahil sa
pagbaba ng velum ay hindi sa bibig kundi sa ilong
lumalabas. /m,n,n/
3. Pasutsot – ang hanging tumatakas ay dumaraan sa
makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y
mga babagtingang pantinig. /s,h/
4. Lateral o Pagilid – ang hangin ay lumalabas sa mga
gilid ng dilasapagkat aqng dulong dila ay nkadikit
sa punong gilagid. /l/
5. Trill o Pakatal – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at
pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng mabilis na
paggalaw ng dulo ng artikung dila. /r/
6. Glayd o Malapatinig – katulad ngunit kaiba sa mga
katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang
pusisyon ng dila patungo sa ibang pusisyon. /w,y/

Mga Patinig ay /i,e,a,u,o/


Ang patinig ay tinuturing na siyang pinakatam-
pok o pinakaprominenting bahagi ng pantig. Walang
pantig sa Pilipino na walang patinig.
harap sentral likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a

Diptonggo – ito ay ang pagsasama o pagtatambal ng mga


patinig at ng malapatinig na /w/ at /y/
Hal: iw, iy, ey, ay, aw, oy at uy
giliw, kami’y, reyna, bahay, kalabaw atbp.
harap sentral likod
Mataas iw, iy uy
Gitna ey oy
Mababa aw, ay
Klaster – ay ang magkakabit na dalawang magkaibang tinig sa
isang pantig. Ito ay matatagpuan sa lahat ng pusisyon
ng pantig – sa unahan o inisyal at hulihan o pinal.
/w/ /y/ /r/ /l/ /s/
/p/ x x x x
/t/ x x x x
/k/ x x x x
/b/ x x x x
/d/ x x x
/g/ x x x x
/m/ x x
/n/ x x klaster sa pusisyong inisyal
/l/ x x hal: pwede, pyano, preno,.
/r/ x x tsinelas atbp
/s/ x x
/h/ x x
Klaster sa pusisyong pinal
/p/ /t/ /k/ /b/ /d/ /m/ /n/ /l/ /s/
/w/ x x x
/y/ x x x x x x x x x
/r/ x x x x x
/l/ x x
/s/ x
/n/
/k/ x
hal: iskawt, istrayp, plaslayt, nars, relaks
Ito’y nagpapakita kung paanong sapilitan ang pagtang-
gap ng klaster sa pusisyong pinal ng pantig sa mga salitang
hiniram sa Ingles.
Mga Pares Minimal – salita na magkaiba ng kahulugan ngunit
magkatulad sa bigkas maliban lamang sa isang ponema. Ginagamit
ang mga ito sa pagpapakita ng mga tunog na magkakahawig ngunit
magkakaibang ponema.

Hal: /p/ at /b/ pala : bala

Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan – ang magkaibang ponemang


matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago
sa kahulugan ng mga salita.

Hal: Lalaki bibi tutoo nuon


lalake bibe totoo noon
Glottal na Pasara o Impit na Tunog – ito ang nakapagpapagulo
nang kauntiti sa balabaybayang Pilipino sapagkat kahit ito’y
itinuturing na isang ponema hindi ito inirereprisinta ng titik o
letra. Sa halip ito ay inirereprisinta sa dalawang paraan:
1. Tuldik na Paiwa ( ) kung nasa pusisyong pinal ng salita.
Ang mga salitang may impit na tunog sa pinal ay
tinatawag na malumi o maragsa.
hal: Malumi – baga puso talumpati
Maragsa – baga kaliwa salita

2. Gitling( - ) ay kapag ito ay nasa loob ng salita sa pagitan


ng katinig at patinig.
Hal: may-ari, mag-alis, pang-ako
Pansinin na kapag inalis ang gitling na kumakatawan
sa ponemang glottal na pasara ay mag-iiba ang kahulugan ng
mga salita.
Hal: mayari magalis pangako

Maraming Salamat...

You might also like