Professional Documents
Culture Documents
Pananaliksik Mid3
Pananaliksik Mid3
Pananaliksik:
Kahulugan,Layunin,Katangian at Uri
Kahulugan
May iba’t-ibang paraan ng pagpapakahulugan sa pananliksik.
Good (1963) - Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng
natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.
Aquino (1974) - Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga
mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Manuel at Medel (1976) - Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng
mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa
isang syentipikong pamamaraan.
Parel (1966) - Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon
ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
E. Trece at J.W Trece (1973) - Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang
makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang
pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng
prediksyon at eksplanasyon.
Calderon at Gonzales (1993) - Formulated in more comprehensive form,
research may be defined as a purposive, systematic and scientific process of
gathering, analyzing, classifying, organizing, presenting and interpreting data for
the solution of a problem, for prediction, for invention, for the discovery of truth, or
for the expansion or verification of existing knowledge, all for the preservation and
improvement of the quality of human life.
Layunin
Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomina.
Halimbawa:
Ang alkohol ay isa nang batid na penomina at sa pamamagitan ng
pananaliksik, maaaring makalikha ng isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay
katulad ng sa gasolina.
Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga
umiiral na metodo at impormasyon
Halimbawa:
Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na
lunas, ngunit sa pamamagitan ng mga intensib at patuloy na pananaliksik, ang sakit
na ito ay maaaring malunasan na sa hinaharap.
Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o
produkto.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa komunikasyon at teknolohiya,
napakikinabangan na natin sa kasalukuyan ang mga makabagong kagamitan tulad
ng komputer, cell phone, fax machine at iba pa. inaasahan na bunga ng patuloy na
pananaliksik sa larangan nabanggit, higit sa sopistikado at episynte ang mga
kagamitang maiimbento at gagamitin natin sa hinaharap.
Matuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
Halimbawa:
Dati-dati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t dalawang (92) elements,
ngunit bunga ng pananaliksik, mayroon na ngayong higit sa isandaan (100).
Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at
elements.
Halimbawa:
Bunga ng pananaliksik, napag-paalam ang mga negatibong epekto ng
metemphetamine hydrochloride sa katawan ng tao na nagsilbing dahilan upang
ideklara itong isang ipinagbabawal na gamot.
Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon,
pamahalaan at iba pang larangan.
Hailmbawa:
Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga mag-aaral sa hyskul
ay kulang sa kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa mga iskolarling
diskurso. Ito ang naging isa sa dahilan upang ipasya ng Departamento ng
Edukasyon na baguhin ang kurikulum sa batayang edukasyon kung kaya’t sa
kasalukuya’y ipinatutupad ang Basic Education Curriculum o BEC.
Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
Halimbawa:
Naging misteryo kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok.
Bunga ng kanyang kuryosidad sa bagay na ito, nagsaliksik siya at kalauna’y
nakaimbento ng tinatawg na incubator.
Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda,
maaaring ma-verify ng mga mananaliksik ang mga
kaalamang una nang natuklasan ng mga naunang
pananaliksik o di kaya nama’y maaari silang makatuklas ng
mga bagong kaalaman hingil sa mga katangian at
kalikasan ng mga isda na maaaring pakinabangan ng mga
mangingisda, mangangalakal at maging ng mga mamimili.
Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik
Mula pa lamang sa mga depinisyong inilahad na sa unang bahagi
ng liksyon ito ay mahahango na natin ang mga sumusuno na
katangian ng mabuting pananaliksik na binigyan ng sapat na
pagpapaliwanag sa mga kasunod na talataan: