You are on page 1of 14

Ang wika ay nahahati sa iba’t

ibang katigorya sa antas na


ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang
ginagalawan, lugar na tinitirhan,
panahon, katayuan at okasyong
dinadaluhan.
Pormal
- Ito ay antas ng wika na
istandard at kinikilala/ginagamit
ng nakararami.
Pambansa- Ito ay ginagamit ng
karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarila para sa paaralan at
pamahalaan

Halimbawa:
Asawa, Anak, Tahanan
Pampanitikan o panretorika. Ito ay
ginagamit ng mga malikhain manunulat.
Ang mga salita ay karaniwang malalim,
makulay at masining.

Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Impormal
-Itoay antas ng wika na
karaniwan, palasak, pang araw-
araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
Lalawiganin
Kolokyal
Balbal
Lalawiganin
Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook
o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o
punto.

Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
Kolokyal
-Pang araw-araw na salita, maaring may
kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado
ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa
salita.

Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?
Balbal
Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling
codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa
antas bulgar.

Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
Panuto: kilalanin at isulat sa patlang
kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal,
lalawiganin, o pormal.
_________ Lola: Ang pagdating ng buong
angkan at tila sinag ng bulalakaw na
nagdulot sa akin ng kaligayahan. (maluha-
luha habang nagsasalita.)
_________ Jean: Uy, si Lola, emote na
emote…
_________ Lito: Hayaan mo nga
siya, Jean. Moment niya ito eh.
_________ Tita Lee: O sige, kaon
na nga mga bata… tayo’y magdasal
muna.
_________ Ding: Wow! Ito ang
chibog!!! Ang daming putahe…
_________ Kris: Oh, so dami. Sira
na naman my diet here.
_________ Nanay: Sige, sige, kain ngarud para
masulit ang pagod namin sa paghahanda.
_________ Lyn: Ipinakikilala ko ang syota kong
Kano. Dumating siya para makilala kayong lahat.
_________ Tito Mando: Naku, nag-aamoy
bawang na. kailan ba naman ang pag-iisang
dibdib?
_________ Lolo: Basta laging tatandaan, mga apo,
ang pag-aasawa’y hindi parang kaning isusubo
na maaaring iluwa kapag napaso.
Pangkatang Gawain
Kayo ay bubuo ng isang
awiting bayan batay sa
inyong bersiyon.

You might also like