You are on page 1of 23

Iba Pang Pandaigdigang

Organisasyon ng
Pananalapi
World Bank
ay isang pandaigdigang bangko na nagbibigay
ng tulong pananalapi at teknikal sa mga
bansang umuunlad para sa mga programang
pangkaunlaran tulad ng mga tulay, kalsada,
paaralan, at iba pa na may layunin ng
pagpapababa ng antas ng kahirapan.
World Bank
 Ito rin ay samahan ng kaanib ng United Nations at
nakadisenyo para magpahiram ng pondo para sa mga
proyekto ng magpapalago sa ekonomiya ng mga kasapi.
Ang punong himpilan nito ay makikita sa Washington, D.C.
Ang bangkong ito ang may pinakamalaking pinagkununan
ng tulong pinansyal para sa mga papaunlad na bansa.
World Bank

 Ito ay opisyal na nagsimula noong Hunyo 1946. Sa


kalagitnaan ng dekada ’50, malaki ang ginagampanang
papel nito sa pagpopondo ng puhunang gagamitin sa
pagpapaayos ng proyektong impraestruktura sa
pagpapaunlad ng bansa.
World Bank

 Ang pondo nito ay galing sa kapital ng mga


miyembro, bond flotation sa pandaigdigang
pamilihan, at kita na nakuha sa bayad interes sa utang
International Bank for Reconstruction and
Development (IBRD) at International Finance
Corporation (IFC).
International Monetary Fund (IMF)
 ay isang organisasyong internasyunal na pingkatiwalaang
namahala sa pandaigdigang sistema sa pananalapi sa
pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng palitan at
balanse ng mga kabayaran, gayon din ang pag-alok ng
teknikal at pinansyal na tulong kapag hiningi.
Ang pag-uusap ay humantong sa UN Monetary and
Financial Conference sa Bretton Woods, New Hampshire,
USA noong Hulyo 1944.
 Gumagawa ang 44 na bansang delegado ng Articles of Agreement
para sa IMF na siyang mamamahala sa bagong sistema ng
panadaigdigang pananalapi. Hangad ng mga gumagawa nito na
magkaroon ng pandaigdigang pangkalakalan, pamumuhunan, at
paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pananatili ng palitan ng
pananalapi. Ang mga bansang kulang sa pambayad sa pagkalugi ay
inaasahang hihiram sa IMF kaysa maglagay ng kontrol sa palitan,
debalwasyon, o pagbabago sa polisiyang pang-ekonomiko na
maaaring makaapekto sa iba pang mga bansa.
World Trade Organization (WTO)

 ay pandaigdigang samahan na itinayo para


mangasiwa at gawing liberal ang pandaigdigang
kalakalan. Ito ang pumalit sa General Agreement
of Tariffs and Trade (GATT) noong Enero 1, 1995.
May anim na layunin ang WTO:
• Magtakda ng mga alituntunin ng kalakalang pandaigdig
• Magbigay ng lugar para sa negosasyon at magmonitor para sa trade
liberalization
• Maglutas ng mga alitan sa kalakan
• Mapalakas ang transparency sa proseso ng paggawa ng desisyon
• Makipagtulungan sa iba pang malalaking internasyonal na institusyong
ekonomiko na may kinalaman sa pamamahala
• Matulungan ang pagpapaunlad ng bansa na makinabang sa sistema ng
pandaigdigang kalakalan.
World Trade Organization (WTO)

 Ipinapalagay rin na ang WTO ay magbibigay ng


mas malakas na ekonomiya at mababawasan ang
tensiyon pagdating sa pulitika.
Asia- Pacific Economic Cooperation (APEC)
 ay isang organisasyon na naglalayong magkaroon ng
malayang kalakalan at pagtutulungang pang-
ekonomiko sa buong rehiyon ng Asia- Pacific.
 Itinatag ito noong Nobyembre 1989 sa Canberra,
Australia bilang tugon sa yumayabong na
pagtutulungan ng mga ekonomiya sa Asia- Pacific at
ang pagsibol ng mga rehiyonal na ekonomiya tulad ng
European Union at North American Free Trade Act sa
iba’t ibang panig ng daigdig.
 Ang APEC ay gumagalaw upang pataasin ang
antas ng pamumuhay at edukasyon sa
pamamagitan ng makakalikasang pag-unlad ng
ekonomiya at magkaroon ng pagtutulungan sa
komunidad at pare-parehong interes sa mga
bansa sa Asia Pacific.
Trade bloc
 ang kasunduan ng mga bansang kadalasan ay
magkakaanib sa isang samahang rehiyunal na
naglalayong bawasan paliitin o tanggalin ang
taripa sa pagitan ng mga miyembrong bansa.
ASEAN Free Trade Area (AFTA)

 ay isang kasunduang pangkalakalan ng mga bansa na


kabilang sa Association of Southeast Asian Nations at
sumuporta sa lokal na pagawaan dito.

 Ang kasunduang AFTA ay pinirmahan noong Enero


28, 1992 sa Singapore.
ASEAN Free Trade Area (AFTA)
 Ito ay pinirmahan ng anim na bansa kabilang na ang
Brunei, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at
Thailand. Noong 1995 sumunod naman ang Vietnam
na sinundan naman ng Laos at Myanmar (1997), huli
naman ang Cambodia noong 1999. Ang AFTA ay
binubuo na ngayon ng 10 bansa sa ASEAN.
Ang mga tahasang mithiin ng AFTA ay:
• Palakihin ang hangganang pagkainan bilang batayang pamproduksyon
sa pandaigdigang pamilihan ng pag-awas, sa loob ng ASEAN, ng mga
salabid ng taripa at walang-taripa; at

• Akitin ang maraming panlabas na tuwirang pamumuhunan sa ASEAN.

• Ang mga pangunahing mekanismo para maabot ang nasasaad na mga


mithiin ay sa pamamagitan ng Common Effective Preferencial Tariff
(CEPT).
May kakayahan ang mga kasapi ng ASEAN na pumili ng mga
produkto na maaaring alisin sa CEPT sa tatlong kaso:
• Pansamantalang exclusion - Ito ang mga produkto kung saan ang
taripa ay hindi maglalaon ay ibababa sa 0-5% bagama’t ito ay
pansamantalang protektado ng pag-aantala ng pagbabawas ng taripa.
• Mga sensitibong produktong agrikultural - kabilang dito ang mga
produkto tulad ng bigas. Ang mga kasapi ng ASEAN ay binigyan
hanggang 2010 ppara bawasan ang taripa ng 0-5%.
• General expectation – ito ang mga produkto na kung saan ang mga
kasapi ng ASEAN ay nakikitang dapat itong protektahan dahil sa
pambansang seguridad; pampublikong moral; pagtatangol sa buhay
at kalusugan ng tao, hayop at halaman; at pangangalaga sa mga gamit
na artistiko, maksaysayan, o may halagang arkeolohikal.
 Ang administrasyon ng AFTA ay hinahawakan ng
pambansang hidwaan at mga namamahala sa kalakalan sa
bawat kasapi ng ASEAN. Ang ASEAN Secretariat ay may
awtoridad na tingnan at siguraduhing ito ay sumusunod sa
panuntunan ng AFTA. Ito ay walang legal na awtoridad na
ipatupad ang paraan ng pagsunod. Nagkakaroon tuloy ng
salungatan sa pagpapasya ng ASEAN Secretariat sa pagsunod
sa regulasyon ng AFTA.
North American Free Trade Agreement
(NAFTA)
 ay isang kasunduan sa kalakalan na pinipirmahan noong
1992 dahan-dahang mag-aalis sa halos lahat ng taripa at iba
pang balakid sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo na
dumaraan sa pagitan ng United States, Canada, at Mexico.
Ang kasunduan ay lumilikha ng trilateral trade bloc Hilagang
Amerika.
North American Free Trade Agreement
(NAFTA)
 Ang NAFTA ay hango sa tagumpay ng European Community (EC) na
alisin ang taripa upang mapabilis ang kalakalan ng mga kasapi nito. Ang
NAFTA ay napagkasunduan ng mga administrasyon nina President
George H.W. Bush (US), Prime Minister Brian Mulroney (Canada), at
President Carlos Salinas de Gortari (Mexico). Ang paunang kasunduan
ay narating noong Agosto 1992 at napirmahan ng tatlong pinuno noong
Disyembre 17, 1993 at naging epektibo noong Enero 1, 1994.
North American Free Trade Agreement
(NAFTA)
 Ang mga pangunahing probisiyon ay ang unti- unting pagbawas ng
taripa, custom duties at iba pang harang sa kalakalan na alisin sa loob
ng 15 taon. Nakamit ng NAFTA ang duty free access sa malaking
bahagi ng gawang produkto at kalakal. Ang ibang probisiyon ay
idinisenyo para bigyan ng mga kompanya ng US at Canada ng mas
malaking daan sa pamilihan ng Mexico tulad ng pagbabangko,
telekomunikasyon, trucking, insurance, at advertising.
Panuto: Bumuo ng “Jingle Presentation” sa katanungang:

Batayan ba ng katatagan at kaunlaran pang-ekonomiya ng isang


bansa sa pagsali nito sa mga organisasyong pang-ekonomiya?
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

 Nilalaman – 30%

 Kalidad ng Presentasyon – 20%

 Kahusayan sa Presentasyon – 10%

Kabuuan – 50%

You might also like