You are on page 1of 24

IV.

PARA SA ANO ANG MGA BUWIS

• “Bayaran mo nang • “Bayaran mo nang


maluwag sa loob ang maluwag sa loob ang
iyong mga buwis. Ang iyong mga buwis.
pagkamamayan ay Ang pagkamamayan ay
nangangahulugan hindi nangangahulugan hindi
lamang ng mga karapatan lamang ng mga
kung di gayon din ng mga karapatan kung di gayon
tungkulin.” din ng mga tungkulin.”
• Ayon kay JPL, "Ang paniningil ng buwis ay isang kapangyarihang
lubhang kailangan ng pamahalaan."Bukod doon, "Ang
pakikisalamuha sa lipunan, gayunman, ay nangangailangan ng mga
karapatan at mga tungkulin," at ang pinakamahalaga daw rito ay
ang " tungkulin ng bawat mamamayan na magbayad ng kanyang
karampatang bahagi sa mga gugulin ng pamahalaan.“
• Walang pamahalaan ang mananatili kung hindi susuportahan sa
pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.

• 1. Pagpapatupad at dispensasyon ng katarungan;


• 2. Pambansang tanggulan at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan;
• 3. Mahahalagang serbisyong pampubliko tulad ng pagtataguyod ng
edukasyon, agrikultura, pakikipagkalakalan at industriya;
• 4. Konstruksyon ng mga kailangang pagawaing pangmadla at pagpapaunlad
• Sa talumpati ni Jose P. Laurel sa pagtanggap ng tungkulin na
ibinigay ni Pangulong Manuel L. Quezon.Ang mga layunin at mga
pamamaraan ng paggugol ng pondong pangmadla na nakukuha sa
pagbabayad ng buwis sa ilalim ng sistema ng pamahalaan ay gaya
ng mga sumusunod:
• "Ang buhay ng isang pamahalaan ay nagmumula sa pondong salapi nito, at dapat na
ibalanse nito ang mga kinikita at mga gugulin katulad din ng ibang nagnenegosyo kung
umaasa itong manatili. Tungkulin ko kung gayon na tingnan kung ang pamahalaan ng
Commonwealth ay nabubuhay sa kinikita nito at ito’y nakatindig sa apat na parisukat
ng isang maayos na binabalanseng badyet.”

• “Hangga’t makakayang mapagtakpan ng kasalukuyang mga buwis ang mga naturang


pananagutan ay hindi kami mapapataw ng panibagong buwis...”

• “ Ngunit tayo’y kabilang sa mga taong sa daigdig na nagbabayad lamang ng kaunting


buwis, kung dumating ang pangangailangan ay dapat nating tanggapin ang bigat ng
dagdag na buwis...”

• “ Ang kalayaan at pagsasarili ay matatamo lamang ng mga handang magpakasakit sa


buhay o kapalaran.”
ANG ATING KARANASAN SA PAGBABAYAD NG BUWIS NOONG MGA UNANG
TAON NG ATING NAKATALANG KASAYSAYAN AY HINDI KALUGUD-LUGOD.

Sa ilalim ng kapangyarihan ng mga emperyo ng


• Malay na shri-Visaya
• Madjapahit
• Dinastiyang Ming ng mga intsik
• At nang dumating ang mga mananakop na Espanol ay pinanumbalik ang
ganitong uri ng pagpaparangal at ipinatupad sa balatkayong “polos y
servicios”.

• Proklamasyon ng Gobernador Heneral (Pebrero 8, 1814): kinakailangan ang


pangmamamayang buwis

• Panahon ng Propaganda – ang pagbibigay ng tulong na salapi kay Rizal.

• Panahon ng Himagsikan - Mga mamamayan sa buong bansa ay bukas-palad


at kusang-loob na nagbigay ng ambag upang itaguyod ang pamahalaang
rebolusyonaryo.
• Leocadio Valera - Gobernador ng Abra na naglakbay upang magbigay ng isang libong pilak na ambag na
naipon nila gamit ang cariton.

• Heneral Pawa- Naglakbay mula Camarines upang dalhin sa pamamagitan ng kabayo ang limampung
libong pilak na ambagan ng mga taga Bicol Peninsula.

• Hulyo 4, 1946. Kinakailangan mag-ambag ng buong laya at walang pagbabantulot dahil ito'y obligasyong
moral sa sambayanan.
V. KARAPATANG MAGHALAL AT PASYA NG
NAKARARAMI
“PANGALANAGAAN ANG KALINISAN NG PAGHALAL AT TUMALIMA KA SA KAPASYAHAN NG NAKARAMI"

Ang karapatang maghalal ay isang pambayan at panlipunan tungkuling hindi


dapat kaligtaan. Katungkulan ng mga manghahalal sa kanilang sarili at sa
kanilang pamahalaan na ginamit hindi lamang nang maayos kundi nang may
matalinong pagpapasiya ang mahalagang kkarapatang pulitikal na ito.

Ang batayan ng pagkakaroon ng kinatawan ay ang karapatang maghalal. Gaya ng


sinabi ng isang makabayang Amerikano: “Ang karapatang pumili ng mga
kinatawan ay bahaging ginagampanan ng bawat tao sa paggamit ng kanyang
kapangyarihan. Ang magkaroon ng tinig dito kung siya’y may mga angkop na
katangian ay bahagi ng naturang kapangyarihan na nauukol sa bawat
manghahalal.” (Moya vs. Del Fierro, G.R. no 46863. Nov 18, 1983)
• Sa kabilang dako , kung pababayaan at ipagwawalang-bahala ng mga
pinagkatiwalaang magbanatay at mangalaga sa batas, ito’y nangangahulugan ng
pagpapabaya sa buong edipisyo ng mga institusyong pandemokrasya. Sa uri ng
ating pamahalaan na ang mga gawaing pangmadla at pinangangasiwaan nang ayon
sa kagustuhan ng mga taong bayan o ng nakakarami sa kanila.

Paulit-ulit na binibigyang-diin ng kataas-taasang Hukuman ang


pangangailangan ng malaya at hindi manhahadlangang paggamit ng Kalayaan
sa paghahalal, at ito’y ginawa sa pangunahing dahilan: “Ang kalinisan ng halalan
ay isa sa mahahalaga at pangunahing pangangailangan ng pangmadlang
pamahalaan…”(Gariner vs Romulo, 26, Phil. 521, 500)
• Ang mga katiwalian sa halalan sa ilang mga bansa ay nagpapabangon sa
karanasan lalung-lalo na sa ilang republika sa Gitna at Timog Amerika. Ang
mga ito’y nag papasiklab sa mga pag aalsa sa Pilipinas. Dumadami at lumubha
ang mga krimen at sa balota.
• Walang batas tungkol sa halalan na magiging mabisa nang walang mga
kundisyong itinakda at napaparusa sa mga kasalanang isinagawa sa loob ng
presinto.
• Tungkulin ng mga manghahalal sa kanilang sarili at sa kanilang pamahalaan na
gamitin ang ganitong mahalagang pulitikal na Karapatan hindi lamang nang
palagian kudin nang may matalinong pagpapasya.
• Ang ibang estado’y gumawa ng mga batas na pumipilit sa mgaa manghahalal
na bumoto sa panaho ng halalan o kung may isyung dapat pagpasyahan sa
pamamagitan ng pagboto upang maipakilala sa mga taong-bayan ang
kahalagahan ng ganitong tungkulin.
Ayon sa (Kinuha mula sa Election Law, ni Jose P. Laurel
“ Nagsimula ito sa teoryang ang kapasyahan ng nakararami ang batong
pundasyon ng demokrasya at sa gayon ang malaya at di mahahadlangang
pagpapahayag ng naturang pasya ang dapat na maging pangunahing
pananagutan ng alinmang itinatag ng demokrasya”
• Ipinakita ni Rizal ang pagiging isport sa pagsang-ayon sa kapasyang ng
nakararami ng humiwalay siya sa La Solidaridad sa pagsalungat ng komite ng
mga Pilipino sa Madrid.
• Gayundin si Mabini ng siya’y mag bitiw sa gaminite sa pagkat natuklasan
niyang ang kanyang patakaran ng pakikipagkasunduan sa mga Amerikano ay
bigo noong huling bahagi ng digmaang Pilipino-Amerikano.
• Ang kanyang pag bibitiw payundin sa ibang miyembro ng Gabinete at humawi
ng daan para sa pagtatatag ng Gabinete ni Paterno. Noong Mayo 9, 1899
• IKAPITO – “ Huwag mong kilalanin ang kapangyarihan ng nino mang tao na hindi
mo inihalalat iyong mga kababayan; sapagkat ang kapangyarihan ay nag mumula
sa diyos at ang diyos ay nangungusap sa budhi ng bawat tao. Ang taong itinalaga
at ipinahayg ng budhi ng buong sambayanan ang tanging makapagagamit ng
tunay na kapangyarihan.

• IKAWALO– “ Pagsikapan mong magkaroon ng republika at huwag kailanman ng


isang monarkiya sa iyong bansa: sapagkat ang huli’y nagtatampok lamang sa isa o
ilang pamilya at bumubuo ng isang dinastiya: ang nauna’y humuhubog sa using
tao na maging marangal at karapat dapat sa pamamagitan ng pag mamahal sa
Kalayaan, at maunlad napakatalino sa pammagitan ng paggaw”
VI. MGA TUNGKULIN NG MGA ANAK

• Ang pagmamahal at debosyon ng mga anak sa mga magulang ay isang pangunahing alituntunin
ng Imperial Rescript on Education, na itinuturing na Bibliya ng pagkamakabayan ng mga
Hapones.
• Wala nang kanais-nais na katangiang nakatanim sa pagkatao ng isang Pilipino kundi ang
pagmamahal at pag galang ng anak sa magulang. Ito ay likas na katangiang ito ay nagmula sa uri
ng pagsamba ng ating mga ninuno at naging kaugalian natin hanggang sa pag dating ng mga
mananakop na Español. Si Francisco de Sande, halimbawa sa kanyang Relacion delas Islas
Filipinas, na sinulat niya noong Hunyo 7, 1576. Siya sumulat ng tungkol sa mga Pilipino noong
unang panahon: Sila’y naniniwala sa kanilang mga ninuno, at kapag may nais silang pasuking
anumang pagkakakitaan ay sumasangguni sila mga iyon upang sila’y makahingi ng tulong. (Blair
and Robertson, The Philippine Islands, Vol. IV p.69)
• Sa kanyang Travel in the Philippine, na ipinalimbag noong 1875, may mga pagkakataong
napansin ni Teodor Jagor ang pagkakaisa sa pamilyang Pilipino gaya ng sumusunod: Lubhang
makapangyarihan ang mga magulang at ang nakakatandang kapatid na lalaki, ang mga
nakakabatang kapatid na babae ay hindi kailanman nagtangkang tumutol dito; ang mga babae at
mga bata ay pinakikitunguhan nang mabuti.” (Jagor’s Travel in the Philippines, p.28). “Lahat ng
mga Reyes Lala, isang mamamayan ng Pilipinas ay sumulat noong 1899: “Lahat ng mga
manlalakbay ay nagkakaisa ng palagay sa labis na pamamahalan ng mga taal na Pilipino. Labis
silang magiliw sa kanilang mga anak, na bilang patakaran, ay magagalang at kumikilos nang
naaayon sa kabutihang-asal. Hindi nakikilala rito ang maiingay na mumunting butangero ng mga
lungsod sa Europa at Amerika. Ang matatanda ay inaalagaan nang may pagmamahal, at
iginagalang; samantalang sa lahat halos ng tahanan ng mga nakaririwasa sa buhay ay may isa o
dalawang maralitang kamag-anak na bagama’t nakikitira lamang ay magiliw na tinatanggap sa
hapag ng may bahay.” (Ramon Reyes Lala, The Philippine Islands, p. 85).
• Inilarawan ni Dr. Encarnacion Alzona, Propesora ng Kasaysayan sa Pamantasan ng Pilipinas ang
pagkakaisa ng pamilya gaya ng sumusunod:
“Ang buhay ng pamilya ay patuloy pa ring nagbibigkis ng matibay na tali sa kabila ng kalayaang tinatamasa
sa ngayon ng kababaihan. Ang mga Pilipino’y likas na mahilig manatili sa tahanan, at ang impluwensya ng
mga batas ng mga Español at ang pagtuturo ng simbahang Katoliko na nagbibigay-diin sa pagmamahal at
paggalang ng mga anak sa mga magulang ay lalong nagpatibay sa pagkakaisa ng pamilya. Isang
namamayaning kaugalian ng mga Pilipino na ang mga anak na lalaki at babae na nasa karampatang gulang
na ngunit wala pang asawa ay kasama sa tahanan ng mga magulang at ibinibigay nila sa mga iyon ang
kanilang mga kinikita. Ang ina ay ingat-yaman ng pamilya at nangangasiwa sa mga gugulin, at kapag wala
siya, ang ama o ang pinakamatandang anak na babae ang nangangasiwa sa pondong salapi sa pamilya.
• “Ang matatanda at mga kamag-anak na nangangailangan ng tulong ay inaalagaan ng pamilya kaya’t
hindi nadarama ang pangangailangan ng mga institusyong pangmadla na nagsisilbing tahanan ng mga
ganitong nangangailangan ng tulong. Si G.W. Cameron Forbes, naging gobernadora sa Pilipinas ay may
ganitong pahayag sa paksa:
• “Ang buhay pampamilya ng mga Pilipino, sa pangkalahatan ay maligaya.
Karaniwang may mga bata at madalas ay may matatanda at mga nakikituloy
sa kamag-anak, ang lahat ng iyon ay magiliw na tinatanggap bilang
kasambahay. Ang pagpapalaki at pagpapaaral sa mga anak ay
pinagbubuhusan ng malasakit ng mga nakatatandang miyembro ng pamilya,
na bilang patakaran ay gagawin ang kahit anong pagpapakasakit na
kinakailangan. Maaaring ang mga magulang sa bukas-palad na pagtulong,
ngunit karaniwang sila’y ginagantimpalaan ng pagmamahal at pag aaruga ng
mga anak pagkalipas taon.” (Encarnacion Alzona, The Filipino Women, pp.
139-140).
• Matamang sinuri ni Teodoro M. Kalaw, dating Direktor ng Pambansang Aklatan at isang
mananalaysay ang ganitong di-pangkaraniwan at kanais-nais na katangian ng Pilipino.
• Ang pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas noong 1892 ay udyok ng kanyang matinding
pagmamahal sa mga magulang at sa kanyang pamilya na hindi niya nais na
maparusahan nang dahil sakanya. Ang kanyang liham sa kanyang “Mga minamahal na
Magulang/Kapatid na Lalaki at mga Kapatid ng Babae, at mga Kaibigan”, na may petsang
Hongkong, Hunyo 20, 189; ay walang kapantay sa mapagmahal nitong pag-aalaala at
kalungkutan para sa kanyang mga minamahal, higit sa kanyang mga magulang. Sinabi
niya “Ang pagmamahal ko sa inyo ang makapagsasabi kung ito’y makatwiran.
LIHAM NG PAMAMAALAM ALAY SA KABABAYAN

" Hindi ako maaaring mabuhay nang nalalaman kong maraming nagdurusa sa di-makatarungang pag-

uusig sa kanila nang dahil sa akin, hindi ako maaaring mabuhay nang ang aking kapatid at ang maraming

pamilya ay inuusig na katulad ng mga kriminal; mabuti pang ako'y mamatay at ialay ang aking buhay

upang mailigtas ang mga walang kasalanan na nagdurusa dahil sa di makatarungang pag-uusig.”
LIHAN NI RIZAL ALAY SA KANYANG MGA MAGULANG

• “Labis kong dinaramdam ang dinaranas ninyong kasawian sa Calamba; ngunit


hinahangaan ko kayo sa inyong pag titiis nang walang pagdaing . Kung maaari lamang na
angkinin kong mag isa ang lahat ng pagdurusa, ang lahat ng nawala, at maiwan ko sa inyo
ang lahat ng kaligayahan at lahat ng kapakinabangan, batid ng Diyos na gagawin ko ito
nang buong kasiyahan.“

• (Epifanio delos santos, Filipinas Y Filipinistas, Madrid, 1909. p.27)


LIHAM NI MABINI PARA SA KANYANG INA

“Aking ina: Nang ako’y musmos pa, sinabi ko sa iyo na nais kong mag-aral, upang mapaligaya ka nang
higit sa lahat Sapagkat ang iyong ginituang parangarap ay maging isang pari ang iyong anak, para sa iyo
ang pinakamalaking karangalang maaaring mithiin ng isang lalaki sa daigdig ay ang maging isang alagad
ng diyos. Sa pagkakabatid mo ng iyong karalitaan upang balikatin ang pag papaaral sa akin, iginumon mo
ang iyong sarili sa paggawa sa gitna ng araw at ulan hanggang dapuan ka ng karamdamang naghatid sa
iyo sa libingan.”

" Hindi itinulot ng kapalaran na ako ay maging isang pari, gayunman, naniniwala akong ang tunay na
alagad ng Diyos ay hindi lamang ang mga nakasuot ng abito kundi ang mga nagpupuri sa kanyang
kaluwalhatian sa pamamagitan ng mabuti at kapaki-pakinabang na paglilingkod sa nakararaming”

You might also like