You are on page 1of 25

Balik-Aral

• Sistema ng komunikasyon ang wika.


• Kultural ang wika.
• Likha ang wika.
• Makapangyarihan ang wika.
• May antas, barayti at rehistro ang
wika.
Pagninilay

Paano mo ginagamit ang


wika sa pang-araw-
araw mong buhay?
Gamit ng Wika
sa Lipunan

Jeffrey Rosario Ancheta


Departamento ng Filipino
Inaasahang Bunga ng Pagkatuto
1. Nabibigyang kahulugan ang mga
komunukatibong gamit ng wika sa lipunan (ayon
kay M.A.K. Halliday).
2. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa
lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas
sa telebisyon at pelikula.
3. Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa
lipunan sa pamamagitan ng mga halimbawa.
4. Nagagamit ang mga cohesive device sa
pagpapaliwanag at pagbibigay ng halimbawa sa
mga gamit ng wika.
5. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang
sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa
lipunan.
Pangganyak
1. Hatiin sa limang pangkat ang klase.
2. Pumunta sa sumusunod na lugar sa DLSU
at ipakita sa pamamagitang ng maikling
video (1 minute) ang mga sitwasyon sa:
– Cafeteria
– Chapel
– Organization Booth
– Library/Study Hall
– CADS
3. Sikaping maipakita sa video ang paggamit
ng wika sa bawat sitwasyon.
Pagganyak

PAGMAMARKA

Organisasyon ng Video 5 puntos


Presentasyon 5 puntos
Pagpapakita sa gamit ng wika 5 puntos
Panlipunang Gamit ng Wika ni Halliday

• May gamit ang wika sa


pagbubuo ng panlipunang
realidad.
• Mahalaga ang gamit ng wika sa
lipunan sa pagbibigay-
interpretasyon bilang isang
sistema.
• May pitong gamit ng wika na
binalangkas ni Halliday:
Instrumental
• Ginagamit ang wika upang
matukoy ang mga preperensiya,
kagustuhan, at pagpapasiya ng
tagapagsalita.
Regulatori
• Nagagamit ng tagapagsalita ang
kapangyarihan ng wika upang
makapanghikayat, mag-utos, at
humiling sa kausap o sinuman sa
kanyang paligid.
Heuristiko
• Sumulusulpot ito sa pagkakataong
nagtatanong, sumasagot, o
dumadaloy ang isang pamumuna
bilang pagkilos ng isang
indibiduwal.
• Maaari ding sa pag-alam sa mga
bagay-bagay, pagdududa, o
pagbuo ng palagay.
Interaksiyonal
• Ginagamit ang wika upang
lumikha ng mga panlipunang
ekspresyon at pagbati, at makabuo
ng interaksiyon at palakasin ang
layuning makipagkapwa.
Personal
• Nakatuon ang paggamit ng wika sa
pagpapahayag ng sariling
identidad o pagkakakilala ng
personalidad na hindi sumasaklaw
sa layuning magpahayag ng
pangangailangan.
Imahinatibo
• Tumutukoy ito sa eksplorasyon ng
imahinasyon upang tumugon sa
malikhaing gampanin nito.
• Nagiging mapaglaro ang wika
upang magkuwento, magbiro, at
lumikha ng imahinaryong
kapaligiran o bagong daigdig.
Representatibo
• Tumutukoy ito sa paglalahad ng
impormasyon, datos, at nakalap na
ideya ng nirerepresenta sa iba’t
ibang paraan.
• Kaugnay nito ang heuristikong
gamit ng wika sa pagbibigay-
kahulugan sa realidad ng lipunan.
Mga Katanungan/
Paglilinaw
Maikling Pagsusulit
• Tukuyin kung anong panlipunang gamit ng wika
ang ipinakikita sa larawang ibibigay ng guro, at
ipaliwanag ang iyong sagot.
• Muli, may pitong panlipunang gamit ang wika:
–Instrumental
–Heuristiko
–Regulatori
–Interaksiyonal
–Personal
–Imahinatibo
–Representatibo
Pangkatang Gawain
1. Hahatiin sa limang pangkat ang
klase.
2. Bibigyan ng guro ang bawat
pangkat ng video clip mula sa
telebisyon o pelikula.
3. Gamit ang materyal, tukuyin
ang iba’t ibang gamit ng wika.
4. Pumili ng isang kinatawan ng
pangkat na magtatanghal sa
klase ng inyong ginawang
pagsusuri.
PAGMAMARKA

Nilalaman 5 puntos
Organisasyon ng Sulatin 5 puntos
Estilo ng Pagsulat 5 puntos
Gamit ng wika 5 puntos

2.Basahin ang susunod na paksang


tatalakayin na nasa inyong balangkas ng
kurso (course outline).

You might also like