You are on page 1of 8

ANG WIKA NG

KULTURA BATAY SA
IBA’T-IBANG DOMEYN
BARAYTI NG WIKA
DAYALEK
Wikang ginagamit ng isang particular na rehiyon na may
natatanging tono, punto, bokabularyo at estraktura ng pangungusap.
Ang punto ay may kaugnayan sa paraan ng pagbigkas ng isang tao
gamit ang kanyang wika.

Halimbawa:

(Laguna) Nakakain ka na ba?


(Manila) Kumain ka na ba?
(Batangas) Ala! Kay banas naman dine eh!
(Manila) Hay! Ang init naman!
IDYOLEK

Ito ang barayti ng wika na nakabatay sa nakasanayang gawi o


katangian sa pagsasalita ng isang indibiduwal. Pagkakaiba ng paraan
ng pagsasalita, maaring depende sa edad, kasarian o antas sa lipunan.
Halimbawa ay ang paggamit ng “siya’ imbes na “ito” o ang madalas
na paggamit ng “bale” o “aba!” sa tuwing magsasalita.
SOSYOLEK

Barayti ng wika na batay sa katayuan ng nagsasalita sa lipunan, sa


grupo na kanyang kinabibilangan at ayon sa antas ng kaniyang
pamumuhay. Ang lengguwaheng sinasalita ay nadebelop mula sa
kanilang pagsilang, nakagawian, at nakalakihan. Hindi lamang ang
mga estudyante ang gumagamit nito kundi pati matatanda, mga
kababaihan, mga bakla at pati ang mga nasa piitan.

Halimbawa:

Wititit! Di ko feel ang fes niya


Naka “wheels” at maraming “bread” ang classmate ko.
ETNOLEK

Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga


etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat
etniko etniko sumibol ang iba’t-ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang
mhga wikang nagging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat
etniko.

Halimbawa:

• Vakuul- tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa


kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan.
• Bulanim- salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan.
• Layladek Sika- Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey
ng Mountain Province.
EKOLEK

Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan.


Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at
mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan.

Halimbawa:

• Palikuran- banyo o kubeta


• Silid tulogan o pahingahan- kuwarto
• Pamingganan- lalagyan ng plato
• Pappy- ama/tatay
• Mumsy- nanay/ina
Pidgin

Ito ay barayte ng wika na walang pormal na istraktura.


REGISTER NG WIKA

Sa pamamagitan ng istilo at “code” na ginagamit sa


pakikipagkomunikasyon, ang mga taong kapwa gumagamit nito ay
walang duda na nagkakaunawaan lalo na kung may kinalaman sa
propesyon, Gawain at hilig. “Jargon” ang tawag sa tanging
bokabularyo ng isang particular na pangkat.

Halimbawa:

Amicable settlement Justice


Diagnosis Therapy
Account Debit

You might also like