You are on page 1of 7

PABULA AT

PARABULA
Inihanda ni:
TONI ROSE T. GALANG
PABULA
• Isang uri ng Panitikan kung saan ang mga tauhan ng kwento ay mga
hayop o mga bagay na walang buhay.
• Sila ay kumikilos, nagsasalita at nag-aasal na patang mga tao.
• Ito ay patok sa mga kabataan dahil ito ay nagbibigay ng moral na aral
sa mga mambabasa.
KATANGIAN NG PABULA
• Nakahihikayat o nakapagbibigay interes sa mambabasa.
• Maayos ang pagkakasunod ng kwento.
• May ugnayan ang paksa sa napapanahong pangyayari o nagaganap sa
mundo.
MGA ELEMENTO NG PABULA
• Tauhan
• Tagpuan
• Banghay
• Aral
Mga halimbawa:
• Si Pagong at si Matsing
• Ang Kuneho at ang Pagong
• Ang Daga at ang Leon
• Ang Alitaptap at ang Paru-paro
• Ang Madaldal na Pagong
PARABULA
• isang uri ng maikling kuwento na ang karaniwang gumaganap ay mga tao,
Ito ay naglalarawan ng katutohan o tunay na nangyayari sa ating buhay. Ang
parabula ay tulad din ng pabula na kinapapalooban ng aral.
• Hango sa Banal na Aklat o Bibliya
• Katawagan sa mga kwento na ginamit ng ating panginoon sa pangangaral ng
Mabuting Balita.
• Hango sa salitang Griyego na “parabole” na ang ibig sabihin ay
pagkukumpara.
MGA HALIMBAWA:
• Parabula ng Alibughang Anak (Lukas 15:11-32)
• Parabula ng Mabuting Samaritano (Lukas 10:25-37)
• Parabula ng Mayaman at si Lazaro (Lukas 16:19-31)

You might also like