You are on page 1of 18

Paglaya ng Pilipinas

Pagpanaw ni Pang. Quezon

• Aug. 1, 1944 , pumanaw


si Pang. Manuel L.
Quezon sa Saranac
Lake, New York dahil sa
sakit na tuberculosis.
Pamalit sa kanya bilang
pangulo si Sergio
Osmeña Sr.
Pagbabalik ng mga Amerikano
• Sinimulang bombahin ng
mga Amerikano ang mga
kuta ng Hapon sa Davao
noong Aug. 9, 1944.
Sinundan ito ng pagdaong
ng mga Amerikano sa
Palo, Leyte noong Oct. 20,
1944. Ito ang simula ng
pagbabalik ng mga
Amerikano sa Pilipinas.
Paglaya ng Maynila
• Napalaya ng mga
Amerikano ang Maynila
noong Feb. 23, 1945
matapos ang mahigit
sampung araw na
labanan. Daan-daang
mga sibilyan ang
namatay sa nasabing
labanan.
Paglaya ng Pilipinas
• Noong ika-4 ng Hulyo
1945, ipinahayag ni Hen.
MacArthur ang paglaya
ng Pilipinas mula sa
kamay ng mga Hapon.
Ngunit may mga nalalabi
paring mga puwersa ng
mga Hapon na hindi
sumusuko sa ibang mga
lugar sa Pilipinas.
Pagwawakas ng Digmaan
• Aug. 6, 1945, pinasabog
sa unang pagkakataon
ang Atomic Bomb sa
Hiroshima. Nasundan pa
ito ng isa pang
pagsabog sa Nagasaki
noong Aug. 9, 1945.
Matapos nito, ipinahayag
ni Emperor Hirohito ng
Hapon ang pagsuko nito
sa digmaan.
• Nilagdaan ang kondisyon ng pagsuko
sa barkong USS Missouri sa Tokyo
Bay, Japan noong Setyembre 2, 1945.
Ito ang pormal na pagtatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagsuko ng mga Hapon sa
Pilipinas
• Mula Maynila, umurong
ang mga puwersang
Hapones sa pamumuno ni
Gen. Tomoyuki Yamashita
sa Aparri, Cagayan.
Nanatili sila roon
hanggang sa kanilang
pagsuko noong Setyembre
3, 1945. Dito pormal na
nagwakas ang pananakop
ng mga Hapon sa
Pilipinas.
Pagwawakas ng Pamahalaang
Komonwelt.
• Noong Abril 23, 1946,
naganap ang huling halaan
sa ilalim ng pamahalaang
komonwelt. Nagwagi sa
halaang ito si Manuel Roxas
at Elpidio Quirino bilang
pangulo at pangalawang
pangulo. Sila rin ang naging
unang mga pinuno ng
Ikatlong Republika ng
Pilipinas.
Ang Ikatlong Republika
Ang Pilipinas bilang Malayang Bansa
Paglaya ng Pilipinas
• Matapos ang mahigit 48
taong panunungkulan,
ipinahayag ng mga
Amerikano ang
kasarinlan ng Pilipinas
noong Hulyo 4, 1946.
Naging isang ganap na
estado ang Pilipinas.
Nanumpa bilang unang
pangulo si Manuel A.
Roxas.
HAMON AT SULIRANIN SA
KASARINLAN PAGKATAPOS
NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
Labis ang pinsalang natamo ng
Pilipinas dulot ng nagdaang
digmaan. Kaya naman, nang
maging isang ganap na
republika ang Pilipinas noong
1946 ay naharap ito sa
malalaking suliranin tulad ng
sumusunod:
1. Pagsasagawa ng malawakang
pagbabagong-tatag upang muling
maibangon at maitayo ang mga
nawasak na tirahan at gusali.
2. Pagresolba sa pagkakaroon ng
malaking kakulangan sa mga hayop
na gagamitin sa pagsasaka.
3. Pagsasaayos ng mga taniman at
sakahan upang muling
mapakinabangan.
4. Paglutas sa suliranin sa salapi
dulot ng pagkalugi ng
pamahalaan sanhi ng
pananakop ng mga Hapones.
5. Pagsasaayos ng mga
industriyang nasira sa
pamamagitan ng pag-aangkat
ng bagong makinarya.
6. Pag-aangkop ng sistema ng
edukasyon sa bagong kalagayan ng
bansa.
7. Pag-aangat sa
pagpapahalagang-moral at
espiritwal ng mga Pilipinong lubos na
naapektuhan sanhi ng pananakop
ng mga Hapones at ng nagdaang
digmaan.
SULIRANING PANGKABUHAYAN AT
PANLIPUNAN
1. Paglipat ng mga tao mula probinsiya
papuntang Maynila
*Solusyon:
NARRA o National Resettlement and
Rehabilitation Administration –
samahang nangangasiwa sa paglilipat
ng mga informal settlers sa iba’t ibang
pook sa labas ng Maynila at iba pang
lungsod.
2. Pag-aangkat at pagluluwas
3. Kakulangan sa pananalapi
4. Pagkontrol ng kalakal ng mga
dayuhan
5. Paghihirap ng mga magsasaka
6. Maling pagpapairal ng hustisya
7. Hindi tapat na paglilingkod ng ilang
pulitiko

You might also like