You are on page 1of 6

GAWAING METAL

•Nasa mga kamay ng gumagawa ang ikauunlad


ng kabuhayan ng ating bansa. Ang
pagpapahalahaga sa gawaing may kinalaman o
kaugnayan sa kabuhayan ay dapat pag-ibayuhin
upang maitaas ang uri ng pamumuhay ng mag-
anak at mga mamamayan. Isa sa mga lawak ng
gawaing pang-industriya ay an gawaing metal o
metal works na tumutukoy sa mga bagay o
kasangkapan na gumagamit ng mga materyales
na metal tulad ng bakal, aluminyo, o aluminum,
zinc, stainless, ginto at pilak.
Ang Edukasyong Pangkabuhayan ay
binubuo ng maraming gawain na
may iba’t- ibang lawak na batay sa
mga materyales na sagana sa isang
lugar at pamayanan na maaaring
gamitin sa pagbuo ng proyekto na
makatutulong sa pag-unlad ng
kabuhayan ng pamilya.
Ang pag-aaral naman ng mga gawain tungo
sa pagkaakit, pagmumulat, at pagiging
mapamaraan ay magandang kaalaman na
makakamit sa gawaing metal, isa sa mga
lawak sa Edukasyong Pangkabuhayan na
napapanahon sapagkat sa ngayon ay
maraming nagkalat na patapong metal tulad
ng mga bakal, kawad, at lata na maaaring
gamiting muli sa pagbuo ng bagong
proyekto tulad ng dust pan, gadgaran,
habonera, kahon ng resipi at kwadro.
•Ang pagiging latero ay hanapbuhay
na maaaring mapasukan ng isang
kaalaman at kasanayan sa mga
gawaing kaugnay ng metal.
•Magtala ng lima (5) o higit pang
mga kasangkapan o kagamitan
na maaaring magawa ng mga
taong may kaalaman at
kasanayan sa gawaing metal?

You might also like