You are on page 1of 20

Mga Gawaing

Pang- industriya
1.Gawaing Kahoy
2.Gawing Metal
3.Gawaing Elektrisidad
4.Gawaing Pangkamay o Handicraft
1. Gawaing Kahoy- Marami ang mga kasanayan
ang matutunan sa gawaing kahoy na kapaki-
pakinabang. Ang pagkakarpentero ay dapat
matutunan ng mga mag-aaral hindi lamang sa
panghanapbuhay kundi para sa sariling
pangangailangan sa tahanan tulad ng
pagkukumpuni ng mga sirang upuan, silya,
lamesa, bakod at iba pa.
2. Gawaing Metal – isa sa mga lawak sa
Edukasyong Pangkabuhayan na napapanahon
sapagkat sa ngayon ay maraming kalat na
patapong metal tulad ng mga lata na maaring
gamiting muli sa pagbuo ng bagong proyekto
tulad ng dust pan, gadgaran, habonera, hahon
ng resipi at kwardo.
Pagiging LATERO ang hanapbuhay na maaring
mapasukan ng isang may kaalaman at kasanayan sa
mga gawaing may kaugnay ng metal.
3. Gawaing Pang-Elektrisidad –
ay isa pang mahalagang lawak sa
Edukasyong Pangkabuhayan na
nangangailangan ng ibayong pag-
iingat. Dito makakamit ng mga
mag-aaral ang batayang kaalaman
at kasanayan tungkol sa
elektrisidad, mga kaukulang pag-
iingat at mga pangkaligtasang
gawi upang makaiwas sa sakuna.
4. Gawaing Pangkamay o Handicraft-
Isang lawak sa gawaing pang-industriya
na ginagamit ang mga
mapapakinabangan at madekorasyon
na kagamitan sa pamamagitan ng mga
kamay o sa paggamit ng mga payak na
kagamitan. Kadalasang ginagamit din
ang katagang ito sa mga tradisyunal na
paggawa ng mga produkto.
Mga Halimbawa ng Gawaing Pangkamay o Handicraft ay:
-Pamaypay na gawa sa kawayan
-Kwintas na gawa sa kabibe
-Tsinelas na gawa sa yantok
-Vase na gawa sa yantok
-Bag na gawa sa abaka
Kahalagahan ng Gawaing Pangkabuhayan o
Pang- Industriya
Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga
gawaing pangkabuhayan ay lubhang mahalaga.
Ang isang matagumpay na gawaing
pangkabuhayan ay nagsisilbing palagiang
hanapbuhay sa pamayanan. Dahit dito,
nakatutulong ito upang mabawasan ang mga
walang hanapbuhay.
May mga pamilya ring gumagawa ng mga
produktong yaring- kamay na sila ay may regular
na hanapbuhay. Ito ay nakadaragdag sa kinikita ng
pamilya. Nakapamumuhay sila nang maayos at
maginhawa. Nasusubok din ang mga
pagkamalikhain ng mga kasapi ng pamilya. Higit
sa lahat, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga
kasapi ng mag- anak na maipakita ang
pagtutulungan at mainam na pagmamahalan.
Ano ang apat na gawaing pang- industriya?
 Gawaing Kahoy
 Gawing Metal
 Gawaing Elektrisidad
 Gawaing Pangkamay o Handicraft

Ang pagiging latero ay pwedeng pasukan kung ikaw


ay magaling sa gawaing ______________.
 Metal
Kung ikaw ay magaling sa gawaing kahoy, ikaw ay
pwedeng maging _______________.
 karpentero
Kung ikaw ay marunong magrecycle at magdesenyo, pwede
mong pasukan ang anong industriya o pangkabuhayan?
 Gawaing Pangkamay o handicraft
Kinakailangan nito ng karagdagang pag- ingat dahil ito ang
pinakadelikado sa lahat ng gawaing pang- industriya.
 Gawaing Elektrisidad
Kung ikaw ay magaling sa pagkukumpuni ng mga sirang
bagay bagay na may kaalaman sa kahoy pwede mong
pasukan ang industriyang ito.
 Gawaing kahoy

You might also like