You are on page 1of 24

1

Pagsasalita
 Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang
kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng
kanyang kausap
 Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa
pamamagitan ng pagbigkas

2
Kahalagahan ng Pagsasalita
 Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming
niloloob ng nagsasalita
 Nagiging kasangkapan sa pagkaunawaan ng mga tao
 Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng
nakikinig
 Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may
kabuluhan sa kapakanang panlipunan

3
Pagtatalumpati
 Maituturing na isang uri ng sining
 Ito ay pinaghandaan bago bigkasin sa madla
 Dito makikita ang katatasan at husay ng tagapagsalita
sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang
pangangatwiran sa paksang tinalakay

4
Masining na Pagbigkas
Lakas ng Pagbigkas
Bilis ng Pagbigkas
Linaw ng Pagbigkas
Hinto
Kilos at Kumpas
5
Lakas ng Pagbigkas
 Ito ay may kinalaman sa angkop na lakas o paghina ng
tinig.
 Batay ito sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng
bumigkas
Bilis ng Pagbigkas
 Ito ay may kinalaman sa bilis o bagal ng pagbigkas na
dapat iakma at ibatay rin sa damdamin at kaisipang nais
ipahayag ng bumibigkas

6
Linaw ng Pagbigkas
 Ang salik na ito ay tumutukoy sa tamang
lakas ng tinig, bilis ng pagbigkas, tamang
bigkas ng mga salita, pagsasaalang-alang ng
tamang diin upang maunawaan ang ibig
ipakahulugan ng bawat salita. Kasama na
rin dito ang malinaw na pagbigkas ng bawat
pantig ng mga salita

7
Hinto
 Ang paghinto ay maaaring matagal sa bawat tuldok o sa
katapusan ng bawat pangungusap, samantalang sa kuwit sa
loob ng pangungusap ay bahagya ang paghinto
Kilos at Kumpas
 Upang ganap na maunawaan ang pagbigkas, ang angkop na
kumpas ng kamay at pagkilos ay kailangan.
 Nakatutulong ito upang higit na kawili-wili, nakahihikayat at
makulay ang pagbigkas

8
Kasangkapan ng Isang Nagsasalita
 Kaalaman sa paksa
 Tiwala sa sarili
 Tindig
 Kasanayan
 Lugar
 Papel na ginagampanan
 Paksa

9
Kaalaman sa paksa
 Magiging mabisa ang nagsasalita kung hawak niya ang halos
lahat ng detalye tungkol sa paksang pinag-uusapan.
Nakapagpapahayag siya ng mga kinakailangang
impormasyon lalo na kung may malawak din siyang
talasalitaan kaugnay sa mga kaisipan at konseptong kanyang
ipinahahayag. Ang paghikayat o pagkumbinsi sa mga
nakikinig o kausap ay madalas depende sa mga ebidensiya at
katibayang pinanghahawakan

10
Tiwala sa sarili
 Madalas na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay bunga ng
sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan at maging sa
malawak na talasalitaan
 Ito ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanay at
eksposyur
 Ngunit para sa mga taong likas na mahiyain, kailangan ang
mga nararapat na pagkakataon upang masanay silang
magsalita o makipag-usap hindi lamang sa taong kaharap
kungdi lalo na sa madla

11
Tindig
 Sa pagsasalita, kailangan ang maayos na tindig na
nagpapakita ng tiwala sa sarili, paggalang at pagiging
interesado sa kausap
 Lalo itong kailangan ng nagsasalita sa tanghalan, ng
nagbibigay ng panayam o lektyur at nagtatalumpati
 Madalas na kinikilatis ang nagsasalita sa tanghalan sa
kanyang paraan ng pagtindig
 Ang pagkilos at pagkumpas ay nasasalig din dito

12
Kasanayan
 Naipakikita ang kasanayan sa paraan ng pagbigkas ng mga
salita, pagpili ng mga talasalitaang gamitin at maging sa
kanyang mga kaalaman sa paksang pinag-uusapan
 Naihahanay niya ng maayos at lohikal ang kanyang mga
ideya
 Ang kasanayan ay naipakikita din sa maayos na pagtindig
kasabay ang nararapat na kilos at kumpas

13
Lugar
 Nasaan ang nag-uusap?(sa palengke, sa parke, sa
eskwelahan)
Papel na ginagampanan
 Ano ang relasyon ng nag-uusap? (kaibigan vs kaibigan, amo
vs utusan, namimili vs nagbibili, mag-asawa, magkasintahan,
magkapatid)
Paksa
 Nosyon o kaisipang pag-uusapan (libangan, hanapbuhay,
laro, artista, pagkain, pag-aaral)

14
Mga Katangian ng Mahusay na
Tagapagsalita

Kahandaan
Kahusayan sa Pagsasalita

15
Kahandaan
 Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang
mabuti ang talumpati sa panimula o introduksyong
binibigkas ng tagapagsalita
 Kung maganda ang panimula, makukuha agad ang atensyon
ng mga tagapakinig
 Dalawang mahalagang salik para sa panimula ng pananalita:
a. kilalanin ang tagapakinig b. isaalang-alang ang okasyon
kung pormal o di-pormal
 Layunin ng dalawang ito na makapukaw ng atensyon ng
tagapakinig

16
Kahusayan sa pagsasalita
 Madaling maganyak na makinig ang publiko kung mataas at
mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalita
 Ibinabagay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nilalaman
ng kanyang talumpati
 Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita
gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at
wastong pagbigkas ng mga salita

17
Iba’t ibang uri ng talumpati
Impromptu
Extempore
Isinaulong talumpati
Pagbasa ng papel sa panayam o
kumperensya

18
Impromptu
 Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap
na paghahanda
 Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita
Extempore
 Ayon kay James M. Copeland, ang unang kahirapan sa
pagsasagawa ng pagbigkas ng exte,pore sa isang kompetisyon
ay ang kawalan ng tiyak na kahandaan sa pagbigkas
 Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay
limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa
mismong paligsahan

19
 Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa
pagtatalumpati
 Sa ibang paligsahan, ang mananalumpati ay tinatanggal
kung lumalampas o kaya’y kulangin sa oras
 Samakatwid, ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng
panimula, katawan at kongklusyon ay apektado sa itinakdang
oras
 Ang ikatlong konsiderasyon ay pag-uulit ng paksa
 Ibig ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga
tagapagsalita ng iba’t ibang pagtalakay tungkol sa
magkaparehong paksa

20
 Iminungkahi ni Copeland na mas maganda kung orihinal at
maayos ang organisasyon ng pagtalakay sa paksa
Isinaulong talumpati
 Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng
kanyang talumpati
 Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng
pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang
pyesa bago bigkasin ang talumpati

21
Pagbasa ng papel sa panayam o
kumperensya
 Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel
na babasahin sa kumperensya
 Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng
panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na
magkakaugnay at may kaisahan

22
Tsart ni Gordon Wells kaugnay sa tungkulin ng
komunikasyon at gawi ng pagsasalita
Tungkulin ng Gawi ng Pagsasalita
Komunikasyon

A. Pagkontrol sa Kilos o Pakikiusap, pag-utos,


Gawi ng Iba pagtanggi,
pagmumungkahi,
pagbibigay babala
B. Pagbabahagi ng akikiramay, pagpuri,
Damdamin paglibak, paninisi,
pagsalungat

23
C. Pagbibigay o pag-uulat,
Pagkuha ng pagpapaliwanag,
Impormasyon pagtukoy, pagtatanong,
pagsagot
D. Pagpapanatili sa Pagbati, pagpapakilaa,
Pakikipagkapwa at pagbibiro,
Pagkakaroon ng pagpapasalamat,
Interaksyon paghingi ng paumanhin
E. Pangangarap at Pagkukuwento,
Paglikha pagsasatao, paghula,
pagsasadula

24

You might also like