You are on page 1of 10

ANIM NA PAMANTAYAN

SA PAGTATAYA NG
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
Ang kakayahang komunikatibo ay sinusukat nang
sama-sama at hindi isa-isa. Sinusukat ito sa
pamamagitan ng pagtukoy kung naisakatuparan
ang layunin ng pakikipagtalastasan.

Dapat tandaan na ang isang taong may kakayahan


sa wika ay dapat magtaglay hindi lamang ng
kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan,
kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang
angkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo.
(Bagari, et al. 2007)
Sina Canary at Cody (2000) ay nagbigay ng anim na
pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo.
Narito ang anim na pamantayan:

1. PAKIKIBAGAY (ADAPTABILITY)
2. PAGLAHOK SA PAG-UUSAP (CONVERSATIONAL
INVOLVEMENT)
3. PAMAMAHALA SA PAG-UUSAP (CONVERSATIONAL
MANAGEMENT)
4. PAGKAPUKAW-DAMDAMIN (EMPATHY)
5. BISA (EFFECTIVENESS)
6. KAANGKUPAN (APPROPRIATENESS)
1. PAKIKIBAGAY (Adaptability)
Ang isang taong may kakayahang
pangkomunikatibo ay may kakayahang mabago
ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan
ang pakikipag-ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
A. Pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal
B. Pagpapakita ng pagiging kalmado sa
pakikisalamuha sa iba
C. Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa
pamamagitan ng wika
D. Kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha
sa iba
2. PAGLAHOK SA PAG-UUSAP
(Conversational Involvement)
May kakayahan ang isang taong gamitin ang
kaalaman tungkol sa anumang paksa sa
pakikisalamuha sa iba.
Makikita ito kung taglay ng isang komyunikeytor
ang sumusunod:
A. Kakayahang tumugon
B. Kakayahang makaramdam kung ano ang
tingin sa kanya ng ibang tao
C. Kakayahang making at magpokus sa kausap
3. PAMAMAHALA SA PAG-UUSAP
(Conversational Management)
Kakayahan ng isang taong
pamahalaan ang pag-uusap.
Nakokontrol nito ang daloy ng
usapan at kung paanong ang
mga paksa ay nagpapatuloy at
naiiba.
4. PAGKAPUKAW-DAMDAMIN
(Empathy)
Pagpapakita ng kakayahang
mailagay ang damdamin sa
katauhan ng ibang tao at pag-iisip
ng posibleng mangyari o
maranasan kung ikaw ay nasa
kalagayan ng isang tao o
samahan.
5. BISA (Effectiveness)

Ang taong may kakayahang


pangkomunikatibo ay may
kakayahang mag-isip kung ang
kanyang pakikipag-usap ay
epektibo at nauunawaan.
6. KAANGKUPAN (Appropriateness)

Ang isang tao ay may


kakayahang pangkomunikatibo
kung naiaangkop niya ang
kanyang wika sa sitwasyon, sa
lugar na pinangyayarihan ng
pag-uusap, o sa taong kausap.
2 MAHAHALAGANG PAMANTAYAN UPANG
MATAYA ANG KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO

BISA (EFFECTIVENESS)
Ang pagtiyak kung epektibo ang
pakikipag-usap
KAANGKUPAN (APPROPRIATENESS)
Kaangkupan ng paggamit ng wika

You might also like