You are on page 1of 5

ANG PANIKI

Karamihan sa mga paniki ay lumilipad sa


gabi at naghahanap ng pagkain. Sa araw
naman ay nakatago at natutulog ang mga ito.
Namamahinga at natutulog ang mga paniki
nang patiwarik sa mga puno. May tiglilimang
daliri ang paa nito na mahusay pangkapit sa
mga sanga, bukod sa tiglilimang daliri nito sa
ilalim ng magkabilang pakpak. Ang pakpak ng
paniki ay may maitim at makintab na balahibo.
Ang mga paniki ay may maitim at makintab
na balahibo. Mayroon silang matalas na pang-
amoy at pandinig na ginagamit nila sa
paghahanap ng pagkain. May mga paniking
kumakain ng prutas, nektar ng bulaklak, o isda,
ngunit may kumakain din ng mga insekto. Sa
panghuhuli ng insekto ay ginagamit nila nang
tila radar ang kanilang pandinig.
TALASALITAAN

radar
patiwarik
nectar
insekto
Sagutin:
1.Ano ang ginagawa ng paniki sa gabi?
2.Kailan natutulog ang mga ito?
3.Paano ba matulog ang paniki?
4.Bakit sa palagay ninyo kailangan ng paniki ang
talas ng pang-amoy at pandinig sa pagkuha nila ng
pagkain?
5.Ano ang mararamdaman mo kapag nakakita ka ng
paniki? Bakit?

You might also like