You are on page 1of 13

Para ito sa mga

kapwa ko guro at sa
mga estudyante ko
lalo na sa GRADE 8
“Hindi Ako Susulat
ng Sitenta’y Singko”
Hindi ako susulat ng
sitenta’y singko, kapalit ng
mga records mong blanko.

Hindi ako susulat ng


sitenta’y singko, kahit
nanay mo pa’y magreklamo.
Hindi ako susulat ng sitenta’y
singko ng hindi man lang kita
nakitang gumawa sa klase ko.

Hindi ako susulat ng sitenta’y


singko, lalo pa’t alam kong sa
aki’y di ka natuto.
Nung mga panahong sa
patuturo’y halos
tumambling ako, hindi ba’t
naroon ka lang sa dulo’t
panay ang daldal at tawa
mo;
Kung kaya’t bakit naman
ako susulat ng sitenta’y
singko para sa’yo?
Naalala mo ba kung ilang
beses akong naghintay
sa’yo?
Naghintay sa mga project
at activity na dapat ipinasa
mo? Kung kaya’t
Hindi ako susulat ng
sitenta’y singko para lang
pataasin ang ratings ng
IPCRF ko, kahit pa ang
kamalian mo’y sa akin isisi
ng gobyerno.
Patawad, pero hindi ako
susulat ng sitenta’y singko;
hindi dahil sa maramot ako,
kundi dahil sa ito na lamang
ang kabig na mayroon ako.
Hindi ako susulat ng
sitenta’y singko para siraan
ang buhay mo, bagkus ito
ang paraan ko para
maipakita ang concern ko
sayo.
Patawad kung hindi kayang
sumulat ng kamay ko ng
sitenta’y singko, kapalit ng
natitira ko pang maliit na
respeto sa sarili ko at sa
trabahong ito.
Patawad, sapagkat para sa
aki’y pinaghihirapan ang
isusulat kong sitenta’y
singko.
Isa pa............
HINDI KA LANG PANG
SITENTA’Y SINGKO!
HIGIT PA RITO ANG
KAYA MO, KAYA’T
UMAYOS KA AT
BAGUHIN ANG BUHAY
MO!

You might also like