You are on page 1of 4

Organisasyon ng pasasalita at

pagsusulat na komposisyon
A. KAISAHAN- ito ang tawag sa iisang paksang tatalakayin sa kabuuan ng isang komposisyon.

KAISAHAN SA IDEYA

KAISAHAN SA KAISAHAN SA TONO


KAISAHAN SA LAYUNIN
KOMPOSISYON

MGA HIBLANG TAGA-UGNAY


B. PAGKAKAUGNAY-UGNAY O KOHIRENS- Ito ang aytem ng retorika na tumutukoy sa
pangangailangan ng kakipilan. Matuturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa isang
komposisyon kung mahusay ang pagkakahanap ng mga ideya o pangyayaring tinatalakay rito. Ilan sa
mga ito ay ang sumusunod:
1. Paggamit ng mga panghalip na panao o panghalip na pamatlig Gamit: ito at siya
Hal. Isa sa mga pinakamahalagang tuklas ng tao ay ang komunikasyon, kapag inalis ito para nadin
nating pinahinto ang ikot ng mundo
Nakilala ko ang isang babaeng nakahandusay sa ibabaw ng tulay, mataba siya, gusgusin at maikli
ang buhok.
2. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng karagdagan Gamit: may isa pang uri, at
Hal. Iyan ang ngiti-pampalakas ng loob, pamawi ng lungkot, pang alis ng alinlangan at pamuno ng
pagmamahal.
Bukod sa tatlong uri ng talata binanggit kaugnay ng kanilang posisyon sa loob ng sulatin o akda
may isang uri pa ng talata.
3. Paggamit ng salitang naghahayag ng pagsalungat Gamit: subalit at ngunit
Hal. Subalit ang realidad ng buhay ng lipunan at ng mamamayanan sa bansang ito ay hindi lamang nag sasaad
ng ligaya at tuwa.
Ngunit ni walang isa mang tuminag sa mga nakikiramay. Parang may kinakailangang bagay na di
inaasahang mangyayari.
4. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng bunga ng sinundan Gamit: Dahil at Bunga
Hal Dahil sa magandang pakikisama, nakaamot paminsan-minsan ng kung ano-ano si Aling Marites sa kapwa
tinder.
Bunga nito ay may pagkakataong higit na pinapanigan ng alipin ang kanyang panginoon kaysa kapwa niya.
5. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagkakasunod-sunod sa panahon Gamit: Samantala at
Pagkatapos
Hal. Samantala, sa halalang 1969, naulit nanaman ang pagbangon ng mga patay para makialam sa eleksyon.
Pagkatapos namang ubusin ang kalahating lata ng matatabang talaba, kaagad namang pinuntahan ang
sinasabi ni Mark

You might also like