You are on page 1of 10

SEKULARISASYON at CAVITE

MUTINY
SEKULARISASYON AT CAVITE MUTINY

Sekularisasyon – pagbabago ng isang lipunan mula sa


mga pinapahalagahang pang-relihiyon patungo sa mga
pinapahalagahang hindi pang-relihiyon at mga sekular na
institusyon.
Masasabi din na ito ay ang pagsasa-Filipino ng
mga parokya. Ito ay isa sa mga naging hakbang ng mga
paring sekular na magkaroon ng parokya na pamahalaan.
Paring sekular – paring nagsasanay sa seminaryo upang
mangasiwa sa mga parokya sa Pilipinas. Sila ay nasa ilalim
ng pamamahala ng mga obispo at walang
kinabibilangang orden kumpara sa mga paring regular.
 Paring regular – kabilang sa mga orden; sila ay
mga paring misyonero na naglalakbay sa iba’t-ibang
lugar upang magpalaganap ng Kristiyanismo hal.
Agustino, Heswita, at Dominikano.
GOMBURZA
 Cavite Mutiny (January 20, 1872) – ang naging
dahilan sa pagbitay sa garote sa tatlong paring
martir na sina Mariano Gomez, José Burgos, at
Jacinto Zamora, o mas kilala bilang GomBurZa.

 Pinangunahan ito ng isang Sarhento Francisco


Lamadrid na sinalakay ang Fort San Felipe Neri
sa Cavite gamit ang ilang sundalong Espanyol.
Ito ay dahil daw sa pagtanggal ng pribilehiyo ng
mga nagtatrabaho sa arsenal ng Cavite sa hindi
pagbabayad ng tributo o buwis at sa hindi
paglahok sa sapilitang paggawa.
Matagumpay na nakuha ng mga rebelde
.

ang Fuerza ngunit matapos ang isang


oras nagapi na ito ng mga puwersang
Espanyol.

Namatay ang mga pinuno ng rebelyon at


ang pinaghihinalaan na mga kasangkot ay
itinapon sa Marianas o Guam (at iba pang
lugar), o di kaya ay binitay.
Sa mga bagong pag-aaral, sinasabing
hindi lamang pala pagbabayad ng tributo at
sapilitang paggawa ng mga trabahador ng
arsenal ang dahilan ng pag-aalsa tulad ng
unang nabanggit.

Isa pala sana itong malawakang pag-


aalsa na naglalayong mahiwalay ang
Pilipinas sa Espanya. Kasama sa plano ang
kasabay sana na paglusob sa Fort Santiago
sa Maynila.
Matapos nito ay ang pagdedeklara
ng independencia at pagpatay sa lahat ng
mga Espanyol na hindi magmamakaawa
sa kanila.
Nabigo ang pag-aalsa dahil sa
napaghandaan na rin ni Izquierdo dahil sa
ilang mga sulat na walang lagda na
nagsusumbong sa mga plano at nang
nakumbinsi niya ang ilan sa mga sasama
sana sa rebelyon na huwag nang tumuloy.
. Ang mga tunay na utak ng pag-
aalsa ay hindi ang tatlong paring
martir na binitay kundi ang mga
mason na sina Máximo Inocencio,
Crisanto de los Reyes, at Enrique
Paraíso na kasama sa mga
ipinatapon lamang

You might also like