You are on page 1of 7

SI TACIO: BALIW O

PILOSOPO?
Matapos iwanan ang sementeryo,
nagpalabuy-laboy sa mga lansangan ng San
Diego ang matandang lalakeng naghahanap
ng bungo ng asawa.
Dati siyang estudyante ng pilosopiya na
nagsaisangtabi sa pagaaral sa pagsunod sa
kaniyang may edad na ina. Ang pagtigil na
iyon ay di sa dahilang wala silang pera o
wala siyang utak.
Natatakot ang matandang babae na baka sa
kaaaral ay malimutan ng anak ang Diyos kaya
nga pinapili ito kung alin ang higit na
matimbang ang pag papare o ang paglayo sa
kolehiyo. Sapagkat may naiibigan nang
kasintahan, pinili nitong huwag nang magaral
at sa halip ay pinakasalan ang babaeng
minamahal.
▪ Magkasunod na namatay ang ina nito at
pinakamamahal na kasuyo sa buhay.
Pagbabasa ng mga libro ang inatupag nito
upang hindi maalala ang lungkot at pighati
ng pangungulila subalit naengganyo ito sa
kaaaral at pagbili ng mga aklat kaya
napabayaan na niya ang kayamanang
namana.
▪ Magmula noon, tinatawag siya ng mga
may kaya sa buhay na Don Anastacio o
Tacio, ang pilosopo , samantalang n ag
mga mapang alaska na siyang nakararami
ay pinangalananan siyang Tacio, ang may
sira sa ulo.

You might also like