You are on page 1of 19

Walang

Maliliit na
Bituin
Gabi noon. Nakatingin
si Berto sa langit.
“Wala po akong
nakikitang malaking
bituin,” sabi ni Berto
sa Nanay.
“Mali ka Berto,” sabi
ng Nanay. “Parang
malalaking araw ang
bituin. Ang iba ay mas
malaki pa kaysa sa
ating daigdig.
Napakalayo nila kaya
maliit kung tingnan.
Nagniningning lagi
ang mga bituin ngunit
sa gabi lamang natin
sila nakikita dahil
napakaliwanag ng
araw sa maghapon
kaya liwanag lamang
nito ang ating
nakikita.
hindi natin nakikita
ang mga bituin”.
“Ganoon pala!” sabi ni
Berto. Ngayon
maisusulat ko na sa
klase na malalaki
at nagniningning sa
lahat ng oras ang mga
bituin”.
1. Sino ang nag-akala
na maliliit ang mga
bituin?
A. si Berto
B. ang nanay
C. ang ate
2. Sino ang nagpaliwanag
kay Berto tungkol sa mga
bituin?
A. ang ate
B. ang kuya
C. ang nanay
3.Bakit mukhang maliliit
ang mga bituin?
A. mahina ang kanilang
liwanag
B. malayong-malayo sila
C. itinatago sila ng mga
ulap
4. Ano ang mga
bituin?
A. maliliit na buwan
B. malalaking araw
C. malalaking buwan
5. May mga bituin
bang mas malalaki
kaysa daigdig?
A. Oo
B. Wala
C. Marahil
6. Sa gabi lamang ba
sumisikat ang bituin?
A. Oo
B. Hindi
C. Marahil
7. Kailan lamang
nakikita ang mga
bituin?
A. sa maghapon
B. sa magdamag
C. sa tanghali
8. Saan nanggagaling
ang liwanag sa
maghapon?
A. sa araw
B. sa buwan
C. sa mga bituin
9. Meron bang maliliit
na bituin?
A. Wala
B. Mayroon
C. Marami
10. Kailan
nagniningning ang
mga bituin?
A. sa tanghali
B. sa araw
C. sa lahat ng oras
1. A 6. B
2. C 7. B
3. B 8. A
4. B 9. A
5. A 10. C

You might also like