You are on page 1of 33

Heograpiya ng

Asya
KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
A. Lokasyon ng Asya
1. Longitude- ay mga distansiyang angular na
natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian.
Ito rin ay malalaking bilog o great circles na tumatahak
mula sa North Pole patungong South Pole.
 Ang Prime Meridian na nasa Greenwich sa
England ay itinalaga bilang zero degree longitude.
2. Latitude- ay mga distansiyang angular na natutukoy
sa hilaga o timog ng equator o ekwador.
Ang equator ay humahati sa globo sa hilaga at timog
na hemisphere o hemispero. Ito rin ay itinatakda
bilang zero degree latitude. Ang linyang ito ay
tumatahak sa bansang tulad ng Indonesia, Ecuador,
hilagang bahagi ng Brazil, Democratic Republic of
Congo at Kenya.
 Ang Tropic of Cancer ay matatagpuan 23.5 degree hilaga ng
equator, ang Tropic of Capricorn naman ay nasa 23.5 degree
timog ng equator.
 Ang Asya ay ang tanging kontinenteng may lupaing umaabot
mula sa Arctic hanggang lampas ng equator.
 Ang tiyak na lokasyon ng Asya ay nasa humigit-kumulang 10
degree South hanggang 90 degree North latitude at mula naman
11 degree hanggang 175 degree East longitude. Samakatuwid,
ang lawak ng Asya ay umaabot ng hanggang 164 degree
longtitude at hanggang 85 degree latitude.
Paghahating Heograpikal sa Asya
Ang larangan ng heograpiya ay hindi rin tahasang objective
science o sangay ng agham na may 100% na katiyakang
siyentipiko.

Ang paghahati ng mga teritoryo tungo sa mga kontinente at


ng mga kontinente tungo sa rehiyon ay depende sa sariling
pananaw ng geographer o sinumang may kapangyarihan sa
pagtatakda ng mga hangganan o paghahating heograpikal.
Isa sa mga isinasaalang-alang sa
paghahati ng mga teritoryo ay ang
kultura, historical at maging political
na salik.
MGA REHIYON SA ASYA
Nahahati sa limang rehiyon
ang Asya: Hilaga, Kanluran,
Timog, Timog Silangan at
Silangang Asya.
HILAGANG ASYA
Mga Bansa Kabisera/ Kapital
1. Armenia Yerevan
2. Azerbaijan Baku
3. Georgia T’bilisi
4. Kazakhstan Astana
5. Kyrgyzstan Bishkek
6. Mongolia Ulaanbaatar(Ulan Bator)
7. Tajikistan Dushanbe
8. Turkmenistan Ashgabat
9. Uzbekistan Tashkent
KANLURANG ASYA
Mga Bansa Kabisera/ Kapital
1. Bahrain Manama
2. Cyprus Lefkosia(Nicosia)
3. Iran Tehran
4. Iraq Baghdad
5. Israel Jerusalem
6. Jordan Amman
7. Kuwait Kuwait City
8. Lebanon Beirut
9. Oman Muscat
10. Qatar Doha
11. Saudi Arabia Riyadh
12. Syria Damascus
13. Turkey Ankara
14. United Arab Emirates Abu Dhabi
15. Yemen Sana
KANLURANG ASYA

Pangunahing pinagkukunan ng langis ang


rehiyong ito.
Nanggaling din dito ang pangunahing
relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism,
Kristiyanismo at Islam.
TIMOG ASYA
Mga Bansa Kabisera/ Kapital
1. Afghanistan Kabul
2. Bangladesh Dhaka
3. Bhutan Thimphu
4. India New Delhi
5. Maldives Male
6. Nepal Kathmadu
7. Pakistan Islamad
8. Sri Lanka Colombo
TIMOG ASYA

Tinatawag itong Land of Mysticism dahil sa


mga paniniwalang taglay ng mga
pilosopiya at relihiyong umusbong dito
gaya ng Hunduism, Buddhism, Jainism, at
Sikhism.
TIMOG SILANGANG ASYA
Mga Bansa Kabisera/ Kapital
1. Brunei Darussalam Bandar Seri
2. Cambodia Phnom Penh
3. East Timor Dili
4. Indonesia Jakarta
5. Laos Vientiane
6. Malaysia Kuala Lumpur
7. Myanmar Yangon (Rangoon)
8. Philippines Manila
9. Singapore Singapore
10. Thailand Bangkok
11. Vietnam Hanoi
TIMOG SILANGANG ASYA

 Farther India at Little China


 Nahahati ito sa dalawang subregion:
 ang pangkontinenteng Timog Silangang Asya o mainland
Southeast Asia na binubuo ng Myanmar, Thailand, Vietnam,
Laos, Cambodia.

 Insular Southeast Asia ay binubuo ng Pilipinas, Indonesia,


Malaysia, Brunei, Singapore, at East Timor.
SILANGANG ASYA
Mga Bansa Kabisera/ Kapital
1. China Beijing
2. Japan Tokyo
3. North Korea Pyongyang
4. South Korea Seoul
5. Taiwan Taipei
SILANGANG ASYA

Sa rehiyong ito umusbong


ang Confucianism, Taoism, at
Shinto.
KONSEPTO NG ASYA
Ang katagang Asya ay unang ginamit ng mga
Greek upang tukuyin ang isa sa tatlong
pagkakahati ng kinagisnan nilang daigdig-
Europa, Asya at Africa (Libya noon)
Ang Asya ay hango sa salitang Aegean na Asu
na nangangahulugang” lugar na sinisikatan ng
araw” o “bukang-liwayway” o silangan.
Nakasanayan na ring mga katawagan
sa mga rehiyon sa Asya ang Malapit na
Silangan o Near East(pinakamalapit sa
Europa), Gitnang Silangan o Middle
East(mga bansang Arabo), at Dulong
Silangan o Far East.
Ebolusyong Biyolohikal sa Asya
1. Charles Darwin at ang Teorya ng Ebolusyon.
 Ang ibat-ibang organism sa mundo ay tinatawag na species.
Ang mga species ay sumailalim sa pagbabago upang umakma
sa kondisyon ng kapaligiran.
 Angmga species na hindi umangkop sa kapaligiran at sa bagog
kundisyon ng kapaligiran ay kaunti lamang ang masisilang at sa
susunod na henerasyon ay unti-unting mawawala. Ang
mekanismong ito ay tinawag niyang natural selection.
IBA’T-IBANG URI NG EKSPERTO NA NAG-
AARAL NG EBOLUSYONG NG MGA TAO
PALEONTOLOGIST- nag-aaral sa mga sinaunang kultura
ng tao at pag-angkop ng mga sinaunang tao sa
nagbabagong kapaligiran.
PHYSICAL ANTHROPOLOGIST- sinusuri ang
pinagmulan ng tao at ang ebolusyon nito. Isa sa pinag-
aaralan nila ay ang mga naiwang labi ng mga malayong
ninuno ng tao tulad ng fossil ng mga buto, ngipin at piraso
ng bungo.
PARAAN NG PAGPAPANAHON
1. RADIOCARBON DATING-Gamit ito ay
maaring matiyak ang tanda ng isang bagay
hanggang 40,000 taon.
2. Potassium-Argon Dating- Gamit ito ay maaring
matiyak ang tanda ng isang bagay mula 50,000
taon hanggang 4-5 bilyong taon.
Cenozoic Era: Simula ng Ebolusyon ng
Tao
 Ang Cenozoic era ay ang panahong nagsimula ang mga ibon at mammal. Ang
panahong ito ay nahahati sa tatlo;
1. Pliocine (5-2 milyong taon o m.t)- Nabuhay ang mga sinaunang hominid
na tinatawag na Australopithecus.
2. Pleistocene (2 m.t-1 m.t)- Patuloy na umusbong ang Australopithecus
kasabay ng pag-usbong ng unang Homo.
- Naganap din sa panahong ito ang tinatawag na glacial, kung saan
natakpan ang Europa at Antarctic ng yelo. Sa gitna ng panahong ito ay uminit
ang klima ng mundo at natunaw ang makakapal na yelo at ito ay tinawag na
interglacial.
IBA’T-IBANG PANGKAT NG HOMINID
Hominid na Dryopithecus at
Ramapithecus
Ang mga Dryopithecus ay
nabuhay sa kagubatan ng
Africa at Europa noong 10
hanggang 20 milyong taon na
ang nakaraan.
Ang Ramapithecus ay
nanirahan sa kagubatan
at damuhan ng Africa
at Asya noong 7
hanggang 19 milyon
taon na ang nakaraan.
MGA UNANG HOMINID:
Sahelanthropus at Ardipithecus
May dalawang malaking pangkat ang
hominid—ang Australopithecus at Homo.
Ibig sabihin ang Australopithecus ay
southern ape at ang Homo ay nauukol sa
tao.
Sahelanthropus
 Ang species na ito ang nagsimula sa ebolusyon ng
hominid.
 Ang species na ito ay nagtataglay ng katangiang ape at
tao. Tinatawag itong Sahelanthropus tchandensis (o
Sahel hominid mula sa Chad)
 Maaring kasing tangkad ng Chimpanzee and
Sahelanthropus, may 320 cubic centimetre (cc)
hanggang 380 cc na utak at maliit na ngipin tulad ng
ibang hominid.
 Tinatayang nabuhay ang pangkat na ito sa Africa
noong 6 hanggang 7 m.t na ang nakaraan.
Ardipithecus Ramidus
 Ang Ardipithecus ramidus naman ay nabuhay
sa Africa noong 4.4 m.t. na ang nakaraan.
 Naktira ang pangkat na ito sa kagubatan tulad
ng chimpanzee ngunit maaring bipedal o
naglalakad gamit ang dalawang paa tulad ng
tao.
 Ang ibig sabhin ang Ardipithecus ay
“bakulaw na nasa lupa” (at hindi puno)
habang ang ramidus naman ay “ugat”
Hominid: Mga Species ng
Australopithecus
Ang mga Australopithecus ay nabuhay 4 na
milyong taon na ang nakalilipas.
Ang lahat ng species ng Australopithecus ay
maliliit ang utak, pango ang ilong, malalaki ang
ngipin, mahaba nag braso, at maikli ang paa.
1. Australopithecus Anamensis-
pinakamatandang kilalang
Australopithecus.
 Ang ibig sabihin ng “anemensis” ay
lawa dahil nahukay ang unang fossils
nito noong 1965 malapit sa Kanapori
at Allia Bay sa Kenya. Tinatayang
nabuhay ang Australopithecus
anamensis 4.2-3.9 milyong taon na
ang nakalipas.
2. Australopithecus Afarensis- ang
species na naglakad sa savanna ng
Silangang Africa noong 3.5 hanggang
2.9 milyong taon na ang nakalipas.
Nahukay ang rin ang fossil nito at ang
yapak ng paa sa Laetoli sa Tanzania.
Mala-chimpanzee ang laki ng utak nito
at ngipin, malatao naman ang pelvic
bone at binti.
3. Australopithecus Africanus-ang
pinakaunang nakilalang
Australopithecus.
 Ang ibig sabihin ng Australopithecus
Africanus ay southern ape ng Africa.
Natagpuan ang bungo nito sa Taung sa
South Africa.
 Mas Malaki ng kaunti ang utak nito kaysa
sa A. Afarensis
 Ang mga marka sa ngipin ay palatandaan
na sila ay herbivore.
4. Australopithecus boisei- nahukay sa
Olduvai George sa Tanzania at Lake
Turkana sa Kenya.
 Nahukay ang unang fossil ng A. nonsei
noong 1959.
 Isang katangian nito ay ang
pagkakaroon ng sagittal crest o ang
palpo o ridge ng buto pahaba mula sa
tuktok ng bungo pahaba sa may panga
 Mas Malaki ang bungo at ngipin nito
kaysa sa A. robustus.
5. Australopithecus robustus- pinakaunang
natagpuan ang A. robustus Swartkrans sa South
Africa noon g 1938. Ang tanda nito ay nasa 2.1
hanggang 1.6 milyong taon na ang nakalipas.
 May sagittal crest din ang species na ito. Ang
sagittal crest at ngipin nito ay nagpapahiwatig na
angkop na ito sa pagnguya ng matigas na
pagkain. Bukod sa sagittal crest at ngipin, ang
anatomiya ng mga daliri nito ay nagpapahiwatig
ng kakayahang gumawa ng bato.

You might also like