You are on page 1of 15

Lagyan ng tsek (/) ang bilang na nagsasaad ng mga dahilan

ng pag-aalsa ng Kilusang Agraryo 1745 at ekis (x) kung hindi.


 
_______1. Pangangamkam ng mga lupang pagmamay-ari ng
mga katutubo
_______2. Pagtanggal ng mga nakamulatang karapatan ng
mga mamamayan sa kanilang pag-aaring lupain.
_______3. Pagtulong ng mga Heswita sa pamamalakad ng
kanilang lupain
_______4. Pandaraya sa mga lupain at hindi makatarungang
paniningil ng buwis ng mga pari sa lupain ng mga katutubo.
_______5. Nais nilang talikdan ang relihiyong Katoliko.
 
Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa Hanay A. Isulat ang titik ng
sagot sa patlang.

Hanay A
_____1. Nagsama-sama ang mga miyembro ng kapatiran upang ipaabot ang kanilang
hangarin sa pamahalaan.
_____2. Ang aking mga magulang ay kasapi ng Samahan ng mga Magsasaka.
_____3. Marami ang gumagamit ng halamang gamot bilang alternatibo sa mga gamot na resita ng
doktor
_____4. Ang batang maralita ay nagsusumikap sa pag-aaral upang makaaahon sa hirap balang araw.
_____5. Nais buwagin ng barangay ang mga grupo na gumagawa ng kasamaan sa aming lugar.

Hanay B
 
a. paghiwalayin
b. miyembro
c. kapalit
d. samahan
e. mahirap
f. kaaway
Ating Alamin:

Mga hiram na salita


1. indio
2. firing squad
Dinaglat na salita – Mt. sa Mt. Banahaw
Mga Tanong:
1. Sino ang nagtatag ng Cofradia de San Jose o Kapatiran
ng San Jose?
2. Sino-sino ang mga kasapi ng kapatiran?
3. Ano ang layunin ng kapatiran?
4. Ano ang dahilan ng pag-aalsa ng kapatiran?
5. Nagtagumpay ba ang kapatiran sa kanilang
pakikipaglaban? Kung oo paano? Kung hindi bakit?
6. Makatarungan ba ang pagpatay at ginawa ng mga
Espanyol sa bangkay ni Hermano Pule?
7. Kung ikaw si Hermano Pule o isa sa mga miyembro ng
Kapatiran ng San Jose nanaisin mo bang lumaban at
danasin ang ganong pangyayari? Suportahan ang sagot.
Kapatiran ng San Jose

Cofradia de San Jose


Ang Kapatiran ng San Jose o
Cofradia de San Jose ay isang
kapatirang panrelihiyon na itinatag
sa Lucban,Quezon ni Apolinario de
la Cruz o mas kilala sa tawag na
Hermano Pule noong 1832. Ang
kapatirang ito ay kinabibilangan
lamang ng mga Filipino o indio.
Layunin ng kapatirang ito ang paigtingin ang
pagsasagawa ng mga mabubuting gawain ng
isang Kristiyano. Ang ilan sa mga rituwal at
turo ng Kristiyanismo ay kanilang binago at
ibinagay sa pangangailangan at pamumuhay
ng mga katutubo. Karamihan sa mga kasapi
sa samahan ay mga magsasakang mula sa
Tayabas,Batangas,Laguna, at maging sa
Maynila na naghahangad ng alternatibong
paniniwala. Nasa Bundok Banahaw ang
kanilang punong himpilan.
Binibigyang diin din ng
kapatiran na ang daan tungo sa
kaharian ng Diyos ay maaring
marating ng kahit maralita.
Hiniling ni Hermano Pule na kilalanin ng mga Espanyol
ang kapatirang kaniyang itinatag at ninais na
mapabilang ito sa ordeng Dominican sa tulong ni
Domingo Roxas. Labis itong ikinagalit at tinutulan ng
pamahalaang Espanyol sa pamumuno ni Gobernaor-
Heneral Marcelino de Oraa Lecumberri. Noong
Oktubre 1841, nagpadala ang pamahalaan ng tropa
ng mga sundalo upang sapilitang buwagin ang
kapatiran na may 4000 na ang kasapi at nagsasagawa
ng kilos-protesta sa isang baryo sa Mt. Banahaw.
Marami sa mga kasapi – matanda, bata, at babae – at
kung hindi dinakip ay pinatay ng mga sundalong
Espanyol.
Ang pinunong si Hermano Pule ay
nakatakas at nagtago sa Barrio Gibanga ngunit
agad ding nahuli ng mga Espanyol. Ikinulong
siya at hinatulan ng kamatayan sa
pamamagitan ng firing squad sa Casa Tribunal
ng Tayabas noong Nobyembre 1841. .
Namatay si Hermano Pule sa edad na 27. Ang
kaniyang katawan ay pinagputol-putol at
ibinandera ng mga Espanyol sa publiko upang
magsilbing babala sa mga magnanais na
lumaban sa pamahalaan.
1. Sino ang nagtatag ng Cofradia de San Jose o Kapatiran
ng San Jose?
2. Sino-sino ang mga kasapi ng kapatiran?
3. Ano ang layunin ng kapatiran?
4. Ano ang dahilan ng pag-aalsa ng kapatiran?
5. Nagtagumpay ba ang kapatiran sa kanilang
pakikipaglaban? Kung oo paano? Kung hindi bakit?
6. Makatarungan ba ang pagpatay at ginawa ng mga
Espanyol sa bangkay ni Hermano Pule?
7. Kung ikaw si Hermano Pule o isa sa mga miyembro ng
Kapatiran ng San Jose nanaisin mo bang lumaban at
danasin ang ganong pangyayari? Suportahan ang sagot.
Naitatag ang Samahan ng San Jose
dahil sa isyu ng diskriminasyon sa
lahi. Ginawa itong kahalili ng
Katolisismo ng mga kasapi. Nag-
umpisa ang pag-aalsa nang
sumalakay sa kanila ang mga Español.
Bagama't nagtanggol ang mga
Pilipino, tinalo sila ng mga kalaban
Isulat ang mga salitang nawawala sa bawat pangungusap. Humanap ng
kasagutan sa loob ng kahon.

1.Itinatag ni Pule ang _____________________, isang samahan na Pilipino


lamang ang pwedeng sumali.
2.Sa tulong ni _____________________, hiniling ni Pule na kilalanin ng
pamahalaan at ng simbahan ang kanyang samahan.
3.Mula sa punong himpilan ng nito sa __________________, nagkaroon sila
ng malawak na kapatiran sa iba’t ibang lalawigan.
4.Sinalakay ng mga ________________ ang kapatiran noong Oktubre, 1841.
5.Nahuli si Pule at hinatulang mamatay sa ______________________.

You might also like