You are on page 1of 80

MGA MUNGKAHING

ESTRATEHIYA SA
PAGTUTURO NG FILIPINO
SA SHS
ANG GURO

Ang guro ng Filipino bilang tagapagpadaloy


ng pagkatuto ay may malinaw na layunin sa
pagtuturo. Tatlong batayang layunin ang
iminumungkahi ni Hendricks (1998).
1. TURUANG MAG-ISIP ANG MAG-AARAL (KNOWING)

 Sadyang tungkulin ng mabisang guro na palawakin ang pag-iisip ng mga mag-


aaral. Hindi lamang ang pagsasaayos sa likong pag-iisip ng mga ito o di-matuwid
na pagpapalagay ang kaniyang tunguhin. Ang mahalaga rito ay ang maayos na
sistema ng pagpupunla ng mga binhing tutubo at magbubunga. Ang mga ito ang
dapat humamon sa pag-iisip ng mga mag-aaral, titimo sa kanilang mga isipan at
magpapakilos sa kanila upang tumugon.

 Kung hindi nauunawaan ng mag-aaral ang sanhi at katuwiran ng anumang


gawain, nagiging panlabas at panandalian lamang ang pagbabago.
2. TURUANG MATUTO ANG MAG-AARAL
(UNDERSTANDING)
Habang nabubuhay ay natututo, habang natututo ay nabubuhay.
Huminto kang mag-aral, bukas, ika’y mamamatay.”
Kung malinaw sa mga mag-aaral ang kasabihang ito, ang guro ay
hindi mahihirapan upang hikayatin ang mga ito na magpatuloy sa
pagtuklas ng karunungan. Sila mismo ang gagawa ng paraan upang
magpunyaging matuto at ipagpatuloy ang pagkalap ng mga
katotohanang magiging sandata sa pakikipagsapalaran.
3. TURUANG GUMAWA ANG MAG-AARAL
(DOING)
 Marami ang naniniwala na kapag guro ang gumagawa, nagiging lumpo ang
bata. Sa sitwasyong ito, hindi siya matututo at walang pagbabago sa kaniyang
katauhan.
 Ito ang karaniwang nangyayari sa maraming silid-aralan. Ang resulta, ang
pagkaklase ay hindi nagbubunga. Ngunit kung kasangkot ang mga mag-aaral
sa pagpili, pagbabalangkas, paghahanda, pagdedesisyon, at pagsasakatuparan
sa mga gawain, sila ay magiging aktibo. Sila ay lalong magaganyak na
makilahok sa anumang gawaing pampaaralan. Sapagkat may papel sa klase,
hindi lamang pangkaisipan ang malilinang kundi maging sa aspektong
emosyonal, moral, espirituwal, at pisikal.
MAHAHALAGANG HAKBANG SA
PAGTUTURO
Sa proseso ng pagtuturo, maaaring gamitin ang sumusunod
na hakbang:
POKUS PAGTUKLAS PAGTUGON
Ipokus sa Isangkot ang mga Patnubayan at
kahulugan ang mag-aaral sa pasiglahin ang
aralin pagtuklas mga mag-aaral
upang tumugon
1. PAGPOKUS:
• Ang pokus ng aralin ay nasa kahulugan ng mga konsepto at
hindi bilang impormasyon lamang. Dapat mabatid ng guro
na hindi sapat na makuha ng mga mag-aaral ang kaisipang
napapaloob sa teksto. Ang tunguhin niya rito ay ang
makilala at maunawaan ng mga mag-aaral ang mga
pahiwatig na napapaloob sa aralin.
2. PAGTUKLAS:

• Idisenyo at ilaan sa mga mag-aaral ang


mga gawain. Dapat ay malaya silang
gumawa, tumuklas, mag-isip, at mag-
ugnay sa masining na pamamatnubay
ng guro.
3. PAGTUGON:
• Nasa pagpapasigla ng guro ang anumang
pagbabago sa pananaw at kaasalan ng
mga mag-aaral. Nangyayari ito sa kanilang
masusing pagsusuri at pag-uugnay sa
pamamatnubay ng guro.
ANG KONDISYON NG PAGKATUTO KAUGNAY
NG PAGTUTURO NAPABIBILIS ANG
PAGKATUTO NG MAG-AARAL KAPAG

nagaganyak ang kaniyang mga pandama;


 kasangkot siya sa pagpaplano ng mga gawain;
 nagaganyak siyang matuto;
 nahihikayat siyang mag-isip; at
 nahihikayat na magsuri.
MGA GAWAIN SA LOOB NG KLASRUM

INTEGRATIBO INTERAKTIBO KOLABORATIBO


MGA MUNGKAHING
ESTRATEHIYA AT GAWAIN
SA PAGTUTURO NG FILIPINO
A. GRAPHIC ORGANIZER

• Ang mga grapiko ay mga kagamitang pedagohikal. Ang mga ito ay may
dalawang dimensyong naghahatid ng katotohanan at kaisipan sa paraang
maayos, malinaw, at maikli ngunit malaman at buo. Ginagamit dito ang
kombinasyon ng mga guhit, larawan, at mga salita upang linawin at ilantad
ang mga kaisipan, kosepto, proseso, at ugnayan ng mga bagay-bagay. May
iba’t ibang uri ang grapiko. Bilang kagamitang pedagohikal, ang mga ito’y
ginagamit na pambiswal at may iba’t ibang paraan ng pagdidisenyo, may
teknik ng pagkakatitik, paglalarawan, paggamit ng kulay, at lay-out at ito ay
para sa epektibong komunikasyong biswal.
ANG KAHALAGAHAN NG GRAPHIC
ORGANIZER
• Ginagamit ang graphic organizer sa pag-uugnay.
Ginagamit din ito upang ibigay ang kategorya ng
konsepto ng mga pangyayari, biswal ng mga
larawan at mga kaalaman. Ito ay ibinibigay upang
mahasang mabuti ang pag-iisip ng mga mag-aaral.
Ang mga GO ay…
Nakakatulong sa pagsasanib ng dati nang kaalaman
sa bagong kaalaman.

Nakakapagpapadali sa pagdebelop ng konsepto.


Napapahusay ang kasanayan sa pagbabasa,
Mga Benepisyo / pagsusulat at pagsusuri.
Kabutihang Dulot ng mga Nakakatulong sa pagsulat kaugnay ng pagplaplano at
Graphic Organizer pagrerebisa.

Naghihikayat ng diskursong “focused” o nakatuon sa


isang paksa.

Maaaring instrument ng ebalwasyon.


Nakakatulong sa pagplaplanong instruksyonal.
MGA URI NG GRAPHIC ORGANIZER

Ang graphic organizers ay nagagamit upang pag-


ugnayin at ikategorya ang mga konsepto at
pangyayari sa binasa. Tinatawag din itong biswal
na larawan ng mga kaalaman.
K-W –L TECHNIQUE (KNOW-WANT-LEARN)

Ito ang teknik upang matukoy ang dati nang kaalaman at iniuugnay sa mga
bagong kaalaman. Nakabatay ito sa paniniwalang mas nananatili at nagiging
makahulugan ang bagong kaalaman kung iniuugnay sa dati ng nalalaman.
 Know: Ano ang inyong nalalaman tungkol sa bagong paksang pag-aaralan?
Isulat ang sagot sa unang kolum.
 Want: Ano ang gusto ninyong matutunan o matalakay sa bagong paksa? Isulat
ang sagot sa ikalawang kolum.
 Learn: Ano ang natutunan ninyo sa paksang tinalakay? Isulat ang sagot sa
ikatlong kolum.
CONCEPT MAP

Ang Concept Map ang nag-uugnay ng


mga konsepto hanggang sa makabuo ng
malaking ideya o katuturan.
CONCEPT CLUSTER

Ito ay ginagamit upang madaling maisa-


isa at mabigyang-kahulugan ang klaster
ng mga salita, konsepto o pangyayari.
VENN DIAGRAM

Ang Venn Diagram ay ginagamit sa


paghahambing ng mga katangian ng
dalawang paksa upang makita ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.
HIRARKIKAL NA DAYAGRAM

Ito ay lapit na linyar at kabilang


dito ang pangunahing konsepto
at mga sub-konsepto na nasa
ilalim nito.
FACT STORMING WEB

Malawak ang saklaw ng factstorming web sapagkat


makikita rito ang lahat ng masasaklaw na detalye.
Nasa sentro ang pangunahing konsepto at
nakapaligid dito ang mga kaugnay na konsepto.
Nakapaligid naman sa kaugnay na konsepto ang iba
pang mga detalye.
SPIDER WEB
Sa spider web, karaniwang mahahati ang aralin
sa apat at bawat isa ay tumutukoy sa isa sa apat
na paa ng gagamba. Binubuo ng pangunahing
konspeto at sumusuportang datos ang bawat
pangkat.
SEMANTIC WEB

May apat na elemento ang semantic web:


a) Ang core question na paksa ng aralin
b) Ang web strand na sagot sa core question na nakasulat sa apat
na kahon
c) Ang strand support na sumusuporta sa web strand
d) Ang strand tie na linyang nagdurugtong sa lahat ng web strand.
DISCUSSION WEB
Ginagamit ang discussion web sa pagtatalakay ng mga isyu na halos
magkatimbang o balanseng masasagot ng OO o HINDI. Naoorganisa rito ang
mga argumento o ebidensya tungkol sa isyung tinatalakay. Gabay sa pagtalakay:
Umisip ng tanong na halos magkatimbang o balanseng masasagot ng OO o
HINDI at isulat sa loob ng isang maliit na kahon.
Isulat ang sagot sa tanong sa ilalim ng OO o HINDI
Suriin ang bawat sagot.
Magbigay ng konklusyon batay sa mga datos na nasa ilalim ng OO, gayon din
sa mga datos na nasa ilalim ng HINDI.
ANG SAYKLIKAL NA TSART

Ang sayklikal na tsart ay magagamit sa


pagpapakita ng daloy ng mga gawain,
pangyayari o proseso mula sa simula
hanggang katapusan.
DATA RETRIEVAL CHART

Ginagamit ang data retrieval chart sa


pagsasaayos ng mga datos mula sa isinagawang
diskusyon sa klase o mula sa tekstong binasa.
Magagamit ito sa pag-uulat o sa pagbubuod ng
leksyon.
SENSORY DETAILS CHART

Ginagamit ang sensory details chart


upang mangalap ng mga datos o
impormasyon sa paggamit ng mga
pandama.
CIRCLE DIAGRAM
Sa pamamagitan ng circle diagram,
maaaring masuri ng mga mag-aaral ang
mga pangyayari o isyu. Sa tulong ng
diagram, mahahanap ng mga mag-aaral
ang pinakasanhi ng isang pangyayari
hanggang sa bunga.
MAIN IDEA AND DETAILS CHART

Ginagamit ang chart na ito


tuwing may pinag-aaralang
pangunahing kaisipan at pag-
iisa-isa sa mga detalye.
RANK ORDER CHART

Natuturuan ang mga mag-aaral na mag-


analisa ng mga paksa sa pamamagitan rank
order chart. Ito ang pagbibigay ng ranggo
kung alin sa mga datos na ibinigay ang
dapat na mauna at naipaliliwanag ito ng
mga mag-aaral.
COMPARISON-CONTRAST CHART

Sa tulong ng comparison contrast chart,


naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawang paksa. Naisasagawa ito sa
pamamagitan ng pag-aasimila.
ANG CAUSE AND EFFECT CHART

Ang chart na ito ang magbubuod sa


sanhi at bunga ng isang pangyayari
o penomena.
WHAT IF? CHART

Ito ang chart na susubok sa


kahusayan ng mga mag-aaral sa
pagbibigay ng mga kasagutang
maaaring itugon sa mga
pangyayaring susuriin.
PROCESS OR CYCLE DIAGRAM

Sa pamamagitan ng diagram na ito,


maaaring pag-aralan ng mga mag-
aaral ang proseso ng isang
pangyayari o bagay.
EVENT MAP

Ginagamit ang event map sa pag-


aanalisa sa isang paksa o kuwento.
Ito ang madalas gamitin sa
pagtalakay sa mga akdang
pampanitikan.
EVALUATION PYRAMID
Sa tulong ng ganitong istilo ng graphic
organizer, natututuhang hanapin ng
mga mag-aaral ang tamang antas ng
isang bagay o pangyayari. Nagagawa ito
sa pamamagitan ng masusing pag-
aanalisa.
POSITIVE-NEGATIVE CHART

Itong chart ay nakatutulong sa


pagkilatis ng mga mag-aaral ng mga
positibo at negatibong epekto ng
isang isyu.
DECISION CHART

Sa pamamagitan ng decision chart, nahahasa


ang kaisipan ng mga mag-aaral na
magpaliwanag at magtimbang-timbang ng
mga isyu. Nakatutulong din ito sa mabisang
pagpapasimula ng makahulugan at
matalinong pagdedebate.
PERSUASIVE PLANNER

Nagagamit ang persuasive planner upang


masanay ang mga mag-aaral na manghikayat
sa pamamagitan ng matalinong
pangangatwiran at obhetibong pagbibigay ng
mga patunay tungkol sa isyung pinag-uusapan.
FISHBONE PLANNER

Ang fishbone planner ay ginagamit


sa pagtitimbang-timbang sa
maganda at hindi magandang
epekto ng isang isyu o paksang
pinag-uusapan.
WORD MAP

Nagagamit sa pagpapalawak ng
isang salita ang word map.
Ginagamit din ito upang bigyang-
kahulugan ang isang isang termino.
STORYBOARD

Ginagamit ang story board upang ipakita


ang mahahalagang pangyayari sa
kuwento. Iguguhit ang mahahalagang
pangyayari sa kahong inihanda ayon sa
wastong pagkakasunud-sunod .
IBA PANG
ESTRATEHIYA NA
MAGAGAMIT SA
AKTIBONG
PAGTUTURO
PAGGAMIT NG MGA AWTENTIKONG
GAWAIN
Paksa ng pagkatuto ang mga makatotohanan o tunay na
problema, gawain o proyekto at hindi lamang tinitingnan
ang akademikong pag-unlad sa mga produkto o
kinalabasan ng pagkatuto kundi pati sa prosesong
pinagdaanan ng mga estudyante.
Karaniwang ginagamit: paggawa ng proyekto /
Imbestigasypon, field work, pagmamasid, pag-iinterbyu,
pagbabasa/pagsusuri ng editorial, pelikula at iba pa.
INFORMATION CHART
Pamaraan: Tatlo hanggang 4 na tanong na inihanda ng guro
ang nakalista sa itaas ng grid chart. Isusulat ng pangkat ang
impormasyong inaakalang alam nila tungkol sa bawat
tanong. Ililista at tatalakayin ng pangkat ang mga posibleng
sanggunian upang mahanap ang mga impormasyon. Kapag
nahanap na ng pangkat ang sagot sa bawat tanong, isusulat
nila ito sa ilalim ng angkop na kolum pati na ang sanggunian.
Makapagdaragdag ng bagong kolum tulad ng “Iba Pang
Kawili-wiling Kaalaman” at “Mga Bagong Tanong”.
I –SEARCH
Mula sa isang teksto (naratibo o
ekspositori) na nabasa, pipili ang mga
estudyante ng isang tanong o tema na
gusto pa nilang mapag-aralan o masuri.
Isasagawa ang imbestigasyon / pag-aaral
sa labas ng klase at isusulat ang resulta /
mga konklusyon sa I-Search sheet.
JIGSAW
Isang kolaboratibong estratehiya na ang isang pangkat ng
mag-aaral ay nagiging eksperto sa isang bahagi ng teksto
(karaniwang tekstong impormasyonal) at pagkatapos ay
ibinabahagi at pinag-uusapan ang kanilang mga kaalaman
sa kanilang “home group”. Maaari ring magpangkat ang
mga mag-aaral at ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang
“expertise” sa ibang pangkat. Epektibo ito sa pagtalakay ng
isang mahabang aralin na kailangang matapos sa loob ng
maikling panahon.
LIST-GROUP-LABEL
Nabuo upang mapalawak ang bokabularyo sa Agham at
Araling Panlipunan. Mula sa guro, may isang “stimulus
topic” na hinango sa karanasan ng mga estudyante o sa
mga materyales na pinag-aaralan.
Nagbibigay naman ang mga estudyante ng iba’t ibang
salitang iniuugnay nila sa paksa. Kapag umabot na sa 25-
30 salita ang listahan, kinakategorya at binibigyan ng label
ang mga salita.
THINK-PAIR-SHARE

Isang kooperatibong pagkatuto kung saan


nakikinig muna ang estudyante sa ilang tanong,
nag-iisip tungkol sa kaniyang isasagot, nakikipares
upang makipagtalakayan sa isa o higit pang
kaklase at nagbabahagi rin kaniyang mga sagot sa
buong klase.
DUGTUNGANG PAGKUKUWENTO
Ang pagkukuwento ay maaaring simulan ng
guro o ng isang mag-aaral. Limang mag-aaral
ang magsasagawa nito hanggang matapos at
mabuo ang kuwento. Pagkatapos masabi ng isa
ang kaniyang bahagi, hahawakan niya ang
kamay ng katabi bilang tanda na siya ay tapos
na.
WHAT CAN YOU SAY?

Gumagamit ng mga larawan ang guro


at gagabayan ang mga mag-aaral na
ipaliwanag ang nilalaman nito.
Maaaring gamitin ang mga larawan sa
dyaryo.
PAINT ME A PICTURE

Magandang gamitin ito sa pagtuturo ng


panitikan o pag-aanalisa ng pangungusap.
Bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng
kopya ng pangungusap na kanilang
isasakilos.
PICTURE FRAME

Pagsusunud-sunurin ng mga mag-aaral ang


mga larawan. Ito ay iaayon sa pagkaganap
ng mga pangyayari sa kuwento. Matapos
ito, ibubuod ng mga mag-aaral ang
kuwento mula sa mga larawan.
MOCK TRIAL

Maaaring gamitin sa pagbibigay hatol sa isang pangyayari


sa kuwento na nais bigyan ng pagsusuri. Halimbawa:
Dapat bang patawarin si Senyora Mameng dahil sa hindi
makataong pagtrato niya sa mga katulong? Papangkatin
ang klase sa a) HUKOM, b) TAGA-USIG, c)
TAGAPAGTANGGOL, d) NAGHABLA, e) MGA SAKSI.
MOUTHFUL OF IDEAS AT BAKYA NI
NENENG
Ipapasa ang isang maliit na bakya habang may
tugtog. Kapag huminto ang tugtog, ang huling may
hawak ng bakya ang siyang sasagot sa bugtong.
Kung ang sagot sa bugtong ay gunting, kukunin ng
mag-aaral ang gunting sa loob ng paper bag.
Sasagutin ng mag-aaral na ito ang tanong na
nakadikit sa gunting.
PARADE OF COSTUME
Magbibihis ang mga mag-aaral ng kasuutan na akma sa isang
partikular na panahon o lugar. Mararanasan ng mga mag-aaral ang
isang panahon na kaugnay sa kanilang mga naging kasuutan.
Maganda itong gawin sa panahon ng Buwan ng Wika, sa Pagdiriwang
ng mga Nagkakaisang Bansa at mga piling maiikling kuwento na ang
tuon ay sa kasaysayan ng bansa. Maaari rin naman na gawin ito kung
nais ng guro na magkaroon ng pagtatanghal sa ilang piling kilalang
tao. Ang mga mag-aaral ay magbibihis na gaya ng mga bayani, mga
pinuno ng bayan o kahit sinong kilalang tao na maaari naman na
kaugnay sa paksang tinatalakay.
PAGTIBAYIN ANG PALAGAY
Batay sa larawan, dugtungan ang mga pahayag s aspeech
balloon ng iyong nabuong konsepto o pananaw gamit ang
mga ekspresiyon ng pagpapahayag.
Halimbawa:
 Sa aking pananaw, _______
 Sa kabilang dako, _____
 Ang Pagtuturo ng Filipino
 Ayon kay, ______
 Sang-ayon sa, _______
CLASH OF CLASS
Bubuo ng pangkat sa loob ng klase. Pagkatapos pipili ang
bawat pangkat ng isang tauhan o character sa Clash of Clans
na magiging pangalan ng kanilang pangkat at doon ibabatay
ang kanilang “kapangyarihan” na magagamit nila sa gagawing
gawain. Ang bawat pangkat ay gagawa ng mga tanong batay
sa paksang tatalakayin. Kung sakaling nasagot ng isang
pangkat ang tanong mula sa katunggaling pangkat ay kukuha
ito ng isa sa kanilang miyembro—hanggang maubos ang mga
ito at ang matitira lamang ay ang isang pangkat.
ANG ORASAN. TULAD NG PAG-IKOT NG KAMAY NG ORASAN, ANG PADRONG ITO
AY NAGSISIMULA MULA SA UNAHAN NG MAGKAKAWING NA MGA PANGYAYARI HANGGANG
SA KAHULI-HULIHANG PANGYAYARI. MAAARI DING MAGSIMULA SA HULIHAN AT MAG-
FLASH BACK, O MAARING MAGSIMULA AT GUMALAW MUNANG PAUNA O PAHULI.

Mga Halimbawa:
1. Umalis kami, kasama ng aming ama, patungong Makati.
2. Ibinili niya ako ng isang dyaket sa mall.
3. Ibinili niya ng blusa ang aking kapatid na babae.
4. Sumakay kami sa isang siksikang elevator.
5. Umuwi kaming sakay ng isang bus.
6. Nagtungo kami pagkatapos sa isang sanitarium sakay ng aming lumang
kotse,dala ang damit para saming ina.
7. Biglang bumuhos ang ulan naghintau na lamang kami ng aking kapatid sa kotse.
8. Umuwi kami sa gitna ng lumalaganap nang ulan at dilim.
ANG REBENTADOR . SA ISTRUKTURANG ITO, ANG ISANG PANGYAYARI ANG
SIYANG SANHI NG MGA NALIKHA PANG MGA IBA PANG PANGYAYARI. KUNG WALANG
PANGYAYARI, MAARING HINDI NAGANAP ANG MGA SUMUSUNOD DITONG PANGYAYARI.

Kinakailangang ang aming ama ang


tumingin sa aming kapatid.

Ibig ng aming ama na makauwi


na ang aming ina.

Nagkasakit ang aking ina

Bumalik ang sakit ng aking ina.

Hindi sinabi ng aking ama kung


ako ang nararamdaman niya,
ngunit nakikita iyon sa kanyang
pagkilos.
ANG SAYAW. Sa istrukturang ito, ang mga nagaganap ay pabalik-balik sa
kanikanilan mga panahong may kani-kaniyang tagpuan.
Namatay ang aming ama sa sakit sa puso
(hindi siya napamanahan ng kanyang ama
--ng aming lolo—ngunit hidi siya tumutol.) Lalatiguhin ang aking ama
Nag-asawang muli si Lolo. ng kanyang ama ngunit
At nagkaroon ng isang ang kanyang asawa (si
anak na lalaki. Hindi Lola) na noon ay
tumutol ang aming ama. kagampanan ay
40 63 5 humadlang Siya ay
nahagip ng. latigo,
nabuwal. Nabagok ang
ANG BUHAY NG AKING AMA ulo, dinugo at namatay
Nag pakasal ang aking 19 15
ama at ang aking ina, na
Ang aking ama ay pinapag-aral
noo’y 19 na taong
sa isang tradisyunal na paaralang
gulang. Ang kanilang
gumagamit ng hagupit sa
mga magulang ay
pangdi-disiplina. Tiniis ang mga
parehong tutol sa
iyon ng aking ama sa buong
pagpapakasal na iyon.
panahong nag-aaral siya roon
Ako ang bunso sa
dalawang anak ng
pagsasamang iyon.
ANG ANALISIS. Sa istrukturang ito, inihaharap ang lahat ng
mga datos, susuriin ang mga ito, saka sasabihin ang isang lohikal na
kongklusyon.
Sanhi 1 Sanhi 2

Nahubog ang aking lolo sa isang


Hindi sinabi ng aming ama ang mga
paaralang mahigpit ang pagdidisiplina.
damdamin niya sapagkat ayaw niyang
Hindi niya idinaing ioyn sa iba pagkat
dumaing o tumutol dahil yaw niyang
iyon ang inakala niyang tamang
mabahala pa kami o masaktan.
paghubog sa tao

Bunga 1

Ang mga bagay at pangyayaring magbbibigay-


kalungkutan sa akin ay tinututulan ko at sinasabi ko sa
aking pamilya.
PAGGAWA NG SILO(LOOP) Sa paggamit ng ganitong teknik,
mangangailangan ng tatlong silo o loop. Sa ganitong teknik- ang mag-aaral ay
malayang makakasulat tungkol sa isang paksa, sitwasyon O kalagayan. Ang panghili
niyang pangungusap sa unang loop ay kailangang maging buod ng mga binangit niya.
Sa pangalawang silo, magpapatuloy ang estudyante sa paglalahad ng kanyang mga
ideya tungkol sa unang buod na pahayag. Katulad ng ginawa sa unang silo,
magbibigay na naman siya ng kanyang pangalawang buod na pahayag. Ang ganitong
pagsulat O hakbang ay uulitin sa ikatlong siglo.
CUBING Ang paraang ito, O teknik, ay nagtataglay ng hakbang.
Sa bawat hakbang ay kinakailangan ang patuloy na pagsusulat. Paano ito
ginagawa? Una, kailangang pumili sa mga salitang nakasulat sa pisara.
Ang mga ito’y pangngalang tiyak(concrete nouns): kung gustong orasan,
mabibigyan ang mag-aaral ng tig lilimang minuto bawat cube O baytang.
Unang baitang: ilarawan ang piniling bagay. Ano ang anyo? Isulat
ang mga pisikal na katangian.
Ika-2 baytang: paghahambing. Ano ang katulad nito? Ano ang
kinaiba nito?
Ika-3 baytang: suriin. Ano ang mga sangkap nito(materyales)? Ano
ang mga bahagi? Paano nabuo O naayos?
Ika-4 na baytang: iugnay sa iba. Ano ang nagpapagunita
sa iyo tungkol dit? Sa ano ito maiuugnay? Anong istorya,
pangyayari, O sitwasyon ang maiisip mo kapag napag-ukulan
mo ang mga ito?
Ika-5 baitang: i-aplay mo ito. Ano ang mapaggagamitan
mo rito? Ano ang magagawa mo rito? Anong mga di-
pangkaraniwang gamit ang maiisip mo tungko dito?
Ika-6 baitang: magmatwid ng pabor O laban sa bagay na
ito. Manindigan ka. Magbigay ka ng anumang mga dahilang
maiisip, gaanuman katawa-tawa O kabaliwan ang katuwiran
mo.
MAGKAKAMBAL

Istratehiya na magdedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral na makapagbigay ng


iba’t ibang salita na kasingkahulugan o kabaligtaran ng isang salita. Mapapayaman din nito
ang bokabularyo ng mga mag-aaral na mahalaga sa pagsulat ng tula sa sanaysay.
Halimbawa:
A. Ibibigay ng guro ang isang salita. Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga salitang
kasingkahulugan nito.
Tingin – tanaw, masid, masdan, titig, matyag, silip, subaybay, tiktik, sulyap, sipat.
B. Ibibigay ng guro ang isang konsepto. Magbibigay ang mga mag-aral ng mga ideyang
naiuugnay nila sa konseptong ibinigay ng guro.
EDUKASYON – tagumapay, pera, kotse, trabaho, respeto, diploma, medalya,
katanyagan, prinsipal, kaba, puyat, pagsusulit, medyas, sapatos, crush, uniform, ginik,
bestfriend, bato.
KWINTASAN
Istratehiya na maaring dedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng
pangungusap. Mula sa maliliit na detalyeng ibibigay ng guro, magagawa na mag-aral na
bumuo ng isang paglalahad na may kumpletong kaisipan, natatangi, at malikhain.
T A M N
Halimbawa:

A. Bubuo ng isang malikhaing kwento ang mga mag-aaral


gamit ang mga salitang ibibigay ng guro.
langgam tubig kama
Umiinom ng tubig si Jun habang nakaupo sa kama nanood ng tv nang bigla
siyang napasigaw. Nang tingnan niya ang kanyang binti, nakita niya ang malaking
langgam na pula na kumagat pala sa kanya. Dali- daling niyang pinitik ang langgam,
kinamot ang nangangating binti at nagpatuloy sa panood ng tv.
B. Maaaring magparinig ang guro ng isang
awit. Susulat ang mga mag-aaral ng isang
sanaysay o tula na may kaugnayan sa
nilalaman nito.

C. Magpaparinig ang guro ng isang


instrumental na tugtugin. Lalapatan ito ng
liriko ng mga mag-aaral.
BAGONG MATA
Istratehiya na magdedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral sa bagong pagtingin sa mga bagay at bagong gamit sa
mga bagay. Makakatulong ito sa pagdedevelop ng mapanuri at malawak na pag-iisip.

Halimbawa: Ibibigay ng guro ang isang salita. Iisipin ng mga mag-aaral ang iba’t-ibang gamit nito
maliban sa karaniwan nitong gamit.

basketbol
pambato ng prutas sa puno
pangkilala sa crush
pamporma
pang-ehersisyo
unan
patungan ng paa
displey
salbabida
blackboard
sandalan ng titser, bubong, dingding
NUMBERED HEADS
Isa itong cooperative learning strategy na kung saan ang bawat
pangkat ay nagbibigay ng tuon sa isang tanging paksa upang
matukoy ang solusyon o sagot na dapat ilaan para dito. Ang bawat
pangkat ay hahatiin sa pare-parehong bilang. Bawat miyembro ay
bibigyan ng kani-kanyang bilang. Papangkatin ang mga miyembro
ng iba’t ibang pangkat sa bagong pangkat ayon sa kanilang bilang.
Bibigyan sila ng sapat na panahon upang magtalakayan hinggil sa
isang paksang maaaring ibigay ng guro batay na pinag-aralan sa
klase.
CORNERS
Isa pa ring cooperative learning strategy na nagbibigay ng
pagkakataon sa mga mag-aaral na makilala nang lubusan
ang kanyang sarili at mga taong nakapaligid sa kanya.
Dito, bibigyan ng pangalan ng guro ang apat na sulok sa
silid aralan. Bawat mag-aaral ay bibigyan ng laya na
pumunta sa sulok na nais niya. Pagkatapos, ibibigay ng
guro ang mga tanong na nakalaan sa bawat sulok. Ito
ngayon ang bibigyan ng kasagutan ng mga mag-aaral na
sa talakayan.
RIGHT ANGLE
Ito ay isang graphic organizer na tumutulong sa mga
mag-aaral upang makita ang implikasyon ng mga ideya at
mailapat ang mga ito sa kanilang sariling buhay.

2
1

3 4
CALL
Calculator Assisted Language Learning
Ginagamit ang calculator sa pagtutuos ng mga mathematical
problems na sa kalaunan ay maggiing daan upang makabuo ng
mga salita na maaaring gamitin sa pagpapalawak ng bokabularyo o
maging sa mga gawaing pangwika.
Ang anumang bagay na hindi sa iyo ay kailangang (12389+4662)
sa tunay na may-ari.
SUMAHIN SA PAMAMAGITAN NG CALCULATOR ANG MGA EQUATION
UPANG MABUO ANG SALITANG NAKATAGO.

1. Masyadong malakas ang kanyang (10700 X 5 + 8).


2. Huwag mo siyang lokohin at (450 X 200 + 756 – 23)
na ang ulo niya.
3. Masamang-masama ang (6789.5 + 1217.5) niya sa
mga ginawa mo.
4. Maraming nagaganap na krimen sa mga (81.7817 X
1000) na pook lalo na kung madilim ang gabi.
5. Wala siyang (98 X 980 – 4326) sa pag-aaral kaya
pinahinto na lamang siya ng kanyang mga magulang.
SUMAHIN SA PAMAMAGITAN NG CALCULATOR ANG MGA EQUATION
UPANG MABUO ANG SALITANG NAKATAGO.

6. Huwag mo siyang buntunan ng (5698 –4183) sapagkat


nagmamagandang-loob lamang siya sa iyo.
7. Sabi ng karamihan, mahirap magkaroon ng kaibigang
(.006439 + .029043 + .015254)
8. (720 X 90 + 7119) na (720 X 90 + 7119) siya sa malusog
na batang iyon.
9. Ang mga kabataang (14183 X 5) ng bagong panahon
ang tunay na mga pag-asa ng bayan.
10. Dahil sa kawalan ng ingat sa pagsusulat, marami
ngayon ang nakakasuhan ng (.0024639 X 30).
IBA PANG
ESTRATEHIYA NA
GAMIT ANG
TEKNOLOHIYA AT
MEDIA
BROADCAST MEDIA-INSPIRED

Face to Face (Talk Show)


Deal or No Deal (Game Show)
TeleRadyo (News Program)
Who Wants to be a Millionaire?
Teleserye Galore
Minute to Win It
DIGITAL CAMERA INSPIRED
Selfie Pa More!
Photo Exhibit
Digital Travelogue
Field Trip Tayo
Photo Exhibit
Ano ang nasa Video?
SOCIAL MEDIA INSPIRED

Paggamit ng Facebook
Paggamit ng Tweeter
FB Wall Post
E-React
LINKEDIN

You might also like