You are on page 1of 46

Pagsasanay sa Wikang

Filipino
1 Alin ang tama para sa pangungusap na
ito?

_____ pagkain ka bang dala?

May / Mayroon
1 Tamang Sagot

_____ pagkain ka bang dala?

May / Mayroon
1 Paliwanag
“May”
Ginagamit kung ang sumusunod na salita ay pangngalan, pandiwa, pang-uri, at
pang-abay.
Halimbawa: May magarang sasakyan ang kuya.
May naglalarong bata sa kalye.

“Mayroon”
Ginagamit kung ang sumusunod na salita ay isang kataga, panghalip-panao, o
pamatlig at pang-abay na panlunan.
Halimbawa: Mayroon siyang malaking suliranin.
Mayroon ba tayong pagsusulit mamaya?
2 Alin ang mali sa pangungusap na ito?

May paru-paro sa bakuran namin kanina.


2 Tamang Sagot

May paru-paro sa bakuran namin kanina.


2 Paliwanag

Ang tamang salita ay dapat: paruparo

Ang gitling (-) ay hindi ginagamit sa salita na may mga


pantig na inuulit ngunit walang kahulugan kapag inulit.

“Paruparo” dahil wala namang “paro”.


3 Aling salita ang tama para sa pangungusap
na ito?

Ako ______ ang tao sa bahay.

palang / pa lang
3 Tamang Sagot

Ako ______ ang tao sa bahay.

palang / pa lang
3 Paliwanag
Ang ibig sabihin ng salitang “pa lang” ay “only” o “just” sa salitang Ingles.

Samantala, ang salitang “palang” ay mula sa salitang “pala” na


nagpapahiwatig ng damdaming may pagkagulat, pagkasorpresa, o pagtataka.
Naging “palang” ito dahil ito ay ginamitan ng pang-angkop na -ng.

Mga uri ng pang-angkop: -ng, -g, na


Kapag nagtatapos sa patinig: mabuting kaibigan
Kapag nagtatapos sa katinig na N: kaibigang mabuti
Kapag nagtatapos sa katinig (maliban sa N): mabait na kaibigan
4 Aling pangungusap sa sumusunod ang
tama?

Si Lena pa rin ang nanalo sa patimpalak.

Si Lena parin ang nanalo sa patimpalak.


4 Tamang Sagot

Si Lena pa rin ang nanalo sa patimpalak.

Si Lena parin ang nanalo sa patimpalak.


4 Paliwanag

Ang salitang “pa rin” ay nangangahulugang “still” sa


salitang Ingles.

Ang salitang “parin” naman ay hindi kabilang sa wikang


Filipino.
5 Alin ang mali sa pangungusap na ito?

Hindi niyo dapat sinigawan ang bata.


5 Tamang Sagot

Hindi niyo dapat sinigawan ang bata.


5 Paliwanag

Ang tamang salitang dapat gamitin sa pangungusap ay


“ninyo” o ang pinaikling anyo nito na “n’yo”.

Walang salitang “niyo”.


6 Piliin ang mali sa pangungusap na ito.

Ilagay mo ang kanyang bag riyan.


6 Tamang Sagot

Ilagay mo ang kanyang bag riyan.


6 Paliwanag

Ang salitang “diyan” ay ginagamit kapag ang naunang


salita ay nagtatapos sa katinig.
Halimbawa: Nagtanong diyan ang bata.

Ang salitang “riyan” ay ginagamit kapag ang naunang


salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa: Ang bata riyan ay nagtanong.
7 Alin ang tamang salita para sa
pangungusap na ito?

Huwag _____ natin kunin ang ating mga


gamit.

na lang / nalang
7 Tamang Sagot

Huwag _____ natin kunin ang ating mga


gamit.

na lang / nalang
7 Paliwanag

Ang salitang “na lang” ang tama sapagkat ito ay


binubuo dalawang salita.

Wala namang salitang “nalang” sa wikang Filipino.


8 May mali ba sa pangungusap na ito?

Nang ako ay nakauwi na, ako ay kumain


kaagad.

Oo / Wala
8 Tamang Sagot

Nang ako ay nakauwi na, ako ay kumain


kaagad.

Oo / Wala
8 Paliwanag

Ang salitang “nang” sa pangungusap ay ginagamit na


maaaring pamalit sa “noong”. Ang kahulugan ng
“nang” at “noong” ay “when” sa salitang Ingles.
9 Tukuyin ang mali sa pangungusap na ito.

Ako ba’y maari mong samahan?


9 Tamang Sagot

Ako ba’y maari mong samahan?


9 Paliwanag

Walang salitang “maari”. Ang salitang dapat na ginamit


ay “maaari”.
10 Alin ang salitang dapat gamitin para sa
pangungusap na ito?

Ang nais kong gawin mo ay _____.

gano’n / ganun
10 Tamang Sagot

Ang nais kong gawin mo ay _____.

gano’n / ganun
10 Paliwanag

Ang “gano’n” ay ang pinaikling “ganoon”.

Walang salitang “ganun”.


11 Aling salita ang angkop para sa
pangungusap na ito?

Pumunta tayo roon _____ umaga na.

kung / kapag
11 Tamang Sagot

Pumunta tayo roon _____ umaga na.

kung / kapag
11 Paliwanag

Ang “kung” ay ginagamit kapag hindi ka tiyak sa


sinasabi mo o sa sitwasyon.

Ang “kapag” naman ay ginagamit kapag tiyak.


12 May mali ba sa pangungusap na ito?

Paano kapag mali ang sagot?

Mayroon / Wala
12 Tamang Sagot

Paano kapag mali ang sagot?

Mayroon / Wala
12 Paliwanag

Ang “kung” ay ginagamit kapag hindi ka tiyak sa


sinasabi mo o sa sitwasyon.

Ang “kapag” naman ay ginagamit kapag tiyak.


13 Piliin ang angkop na salita para sa
pangungusap na ito.

_____ sa isa, lahat ay umalis na.

Liban / Bukod
13 Tamang Sagot

_____ sa isa, lahat ay umalis na.

Liban / Bukod
13 Paliwanag
“Bukod sa” ay ginagamit kapag ang tinutukoy ay tungkol sa iba pang
bagay. Ang salitang katumbas nito sa Ingles ay “aside from”.

“Liban sa” ay ginagamit kapag ang tinutukoy ay tungkol sa isang


bagay na hindi kabilang sa iba pa. Ang salitang katumbas nito sa
Ingles ay “except from”.

“Liban kung” naman ay maaaring gamitin kapag nais magpahayag ng


pagbibigay ng kondisyon o pagpipilian. Ang salitang katumbas nito sa
Ingles ay “unless”.
14 Alin ang mali sa pangungusap na ito?

Liban sa siya ay matangkad, mataba rin siya.


14 Tamang Sagot

Liban sa siya ay matangkad, mataba rin siya.


14 Paliwanag
“Bukod sa” ay ginagamit kapag ang tinutukoy ay tungkol sa iba pang
bagay. Ang salitang katumbas nito sa Ingles ay “aside from”.

“Liban sa” ay ginagamit kapag ang tinutukoy ay tungkol sa isang


bagay na hindi kabilang sa iba pa. Ang salitang katumbas nito sa
Ingles ay “except from”.

“Liban kung” naman ay maaaring gamitin kapag nais magpahayag ng


pagbibigay ng kondisyon o pagpipilian. Ang salitang katumbas nito sa
Ingles ay “unless”.
15 Tukuyin ang angkop na salita para sa
pangungusap na ito.

Ilagay mo doon ang mga gamit na ___bahay.

pan / pam / pang


15 Tamang Sagot

Ilagay mo doon ang mga gamit na ___bahay.

pan / pam / pang


15 Paliwanag
“Pang” ay ginagamit kapag ay sinusundan nitong titik ay g, h, k, m, n,
ng, w, o y.
Halimbawa: panghalo, pangmalapitan, pangwalo

“Pan” ay ginagamit kapag ang sinusundan nitong titik ay d, l, r, s, o t.


Halimbawa: pantulog, pandakot, pansalok

“Pam” naman ay gagamitin kapag ang susunod na titik nito ay b.


Halimbawa: pambahay, pambilog, pambutas

You might also like