You are on page 1of 19

Magandang araw mga bata!

Welcome sa ating
Online Kwentuhan Brigada Pagbasa!

Ako si Teacher Fe ang inyong tagapagkwento sa


araw na ito.
Bago natin simulan ang kwento, may tanong ako sa inyo mga
bata, “ anong pakiramdam Ninyo kung isang gabi ay biglang
nag-brownout at nagkataong hindi pa dumadating ang mga
kasama Ninyo sa bahay?

Ang ikukwento ko sa inyo ay tungkol kay Ching. Takot siya sa


mga di nakikitang bagay sa dilim.Ngunit isang tingin sa labas
ng bintana habang makislap ang mga bituin ang nagpabago
nito. Ano kaya ang Nakita ni Ching?
O sige, para sa ating kwento, manood at makinig nang Mabuti
dahil tiyak ko, magiging kapana-panabik ang bawat bahagi
nito.
Ang kwento na ibabahagi ko ay may pamagat na “ Si Ching na
Takot sa Dilim, kwento ni Aleli Dew Batnag, guhit ni Paul Eric
Roca, inilathala ng Adarna House, at wagi sa Gintong Aklat
Award 2000 Children’s Book Category.
At dito nagtatapos ang kwento na ,Si Ching na Takot sa Dilim na isinulat ni Aleli
Dew Batnag, Iginuhit ni Paul Eric Roca at inilimbag naman ng Adarna House.
Sige nga patingin nga sa inyong mukha ang naging damdamin Ninyo sa kwento.
Ayan may natakot…may kinilabutan pero tiyak na lahat kayo’y nasiyahan at may
natutunan. Ano-ano ang natatandaan ninyong kinatatakutan ni Ching?
Kung akala natin may dalang takot ang dilim tandaan na kung bubuksan lang
natin ang ating mga mata tiyak na makikita natin ang gandang hatid nito kung
ating lalakasan ang loob at aalisin ang takot imbes na magmukmok at
malungkot.

Muli ako si Teacher Fe ang inyong tagapagkwento na nag-iiwan ng munting


paalala na sa PAGBASA AY MAG PAG-ASA. Samahan ninyong muli kami para sa
Online kwentuhan Brigada Pagbasa. Paalam…

You might also like