You are on page 1of 120

ARALING PANLIPUNAN 5

IKAPITONG LINGGO
JAY CRIS S. MIGUEL
TEACHER I
KALAGAYANG
PAMPOLITIKA SA
SINAUNANG
LIPUNANG PILIPINO
KALAGAYANG PAMPOLITIKA SA SINAUNANG LIPUNANG PILIPINO

Tungkulin ng isang pinuno ang


pagpapatupad ng mga kinikilalang batas sa
kanyang nasasakupan.
Ano kaya ang kahalagahan ng batas sa
pag-uugnayan ng mga Pilipino?
KALAGAYANG PAMPOLITIKA SA SINAUNANG LIPUNANG PILIPINO

Dalawa ang uri ng pamahalaan na umiral sa


sinaunang panahon sa Pilipinas:

barangay
sultanato
PAMAHALAANG
BARANGAY
UNANG ARAW
ANG BARANGAY

Lumaganap sa mga
pamayanan sa Luzon at
Visayas ang mga barangay.
ANG BARANGAY

Ang “barangay” ay salitang halaw sa


“balangay” o “balanghai” na tumutukoy sa
sasakyang pandagat na ginamit ng mga
sinaunang Pilipinong nanirahan sa mga
kapatagan.
ANG BARANGAY

Ang barangay ay isang yunit


“pampolitika”, “panlipunan”, at
“pangkabuhayan” noong sinaunang
panahon sa Pilipinas.
ANG BARANGAY

Karaniwang binubuo ng 30
hanggang 100 pamilya ang
isang barangay.
ANG BARANGAY

“Datu” ang tawag sa


pinuno ng barangay.
ANG BARANGAY

Ang “Datu” ang siyang kinikilalang


pinakamalakas, pinakamatapang, at
pinakamayamang lalaki sa barangay.
ANG BARANGAY

Ang “Datu” at ang kaniyang


pamilya ay kabilang sa
pinakamataas na antas ng
lipunan noon.
ANG BARANGAY

Itinuturing ang “datu” bilang ama ng


barangay kaya’t malawak ang sakop
ng kaniyang katungkulan at
kapangyarihan.
ANG BARANGAY

Nakasalalay sa “datu” ang kapakanan ng


buong barangay kaya’t tungkulin niyang
magpatupad ng mga batas at ipagtanggol ang
kaniyang barangay laban sa mga kaaway
tuwing may digmaan.
ANG BARANGAY

“Bagani”
ang taguri sa mga
mandirigma ng barangay
noon.
ANG BARANGAY

“Atubang ng datu o agurang” ang


tawag sa lupon ng mga matatanda at
marurunong na nagbibigay payo sa
datu.
ANG BARANGAY

Ang mga batas sa barangay ay


nauuri sa dalawa – ang “hindi
nakasulat” at ang “nakasulat”.
ANG BARANGAY

Ang mga “hindi nakasulat” na batas ay batay


sa kaugalian at tradisyon. Nagpasalin-salin
ang mga ito sa mga henerasyon sa
pamamagitan ng pagkukuwento, pangangaral
at patuloy na paggamit.
ANG BARANGAY

Ang mga “nakasulat” na batas ay ang


mga pag-uutos na ginawa ng datu
kasama ang lupon ng matatanda na
nagsisilbing kaniyang tagapayo.
ANG BARANGAY

Napapaloob sa mga nakasulat na batas ang


mga usapin tungkol sa diborsiyo, krimen,
pagmamay-ari ng mga ari-arian, parusa sa
pagnanakaw, pagtataksil, pandaraya,
pagsasamantala , at iba pa.
ANG BARANGAY

Matapos mapagtibay ang mga


batas na nakasulat,
ipinagbibigay-alam ang mga ito
sa isang pagtitipon sa
pamamagitan ng “umalohokan”
o “tagapagbalita”.
ANG BARANGAY

Sa Visayas, ang “umalohokan” ay


isa ring pinunong inihalal ng mga
datu sa tuwing may malaking away
na kailangang ayusin.
ANG BARANGAY

Ang “umalohokan” ang


inaasahang maglilitis hanggang
sa magkasundo ang mga
nagkaalitan.
ANG BARANGAY

Kapag tapos na ang gulo,


tapos na rin ang trabaho ng
isang “umalohokan”.
ANG BARANGAY

Kapag tapos na ang gulo,


tapos na rin ang trabaho ng
isang “umalohokan”.
ANG BARANGAY

Paano ginagawa ang


paglilitis noon?
ANG BARANGAY

Ang Datu ang tumatayong


hukom at pinagpapayuhan siya
ng lupon ng mga marurunong na
Agurang.
ANG BARANGAY

Ang mga datu ang nagbibigay


ng hatol sa mga pagkakasala
ng mga kasapi ng barangay.
ANG BARANGAY

Dumaraan sa proseso ang


pagdinig ng kaso at paglilitis
na ginaganap sa harap ng
madla.
ANG BARANGAY

Ang mga saksi ay nanunumpa sa


harap ng mga hukom at ito ay
itinuturing na banal o sagrado.
ANG BARANGAY

Sa mga pagkakataong hindi madali ang


pagpapasiya sa isang kaso, isinasailalim ang
mga akusado sa mga pagsubok sa
paniniwalang kakatigan ng Diyos ang walang
sala at parurusahan ang salarin.
ANG BARANGAY

Ang isang halimbawa ng pagsubok ay


ang pagsisid nang matagal sa ilalim ng
ilog at ang unang umahon sa tubig ang
ipinahahayag na nagkasala.
ANG BARANGAY

Ang isa pang halimbawa ay ang pagkuha


ng bato sa loob ng sisidlang may lamang
kumukulong tubig at ang taong hindi
gaanong napaso ang kamay ang
pinawawalang-sala.
ANG BARANGAY

Ang isa pang pagsubok ay ang


paghawak ng kandilang may sindi at
kung sino ang unang namatayan ng
kandila ay itinuturing na maysala.
ANG BARANGAY

Sa maraming pagkakataon, ang


panig na nakapaghaharap ng
pinakamaraming saksi at ebidensiya
ang siyang nananalo.
ANG BARANGAY

Sa ibang barangay, ang paglilitis ay


ginagawa sa pamamagitan ng sibatan o
tagaan. Ang matalo sa labanan ay
ipinalalagay na siyang may sala.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamahalaan


ng bawat barangay, sinikap pa rin ng mga ito na
makipag-ugnayan sa isa’t isa upang palaganapin
ang katahimikan at kapayapaan sa loob at labas
ng barangay.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Ang pakikipag-ugnayan sa ibang


barangay ay nakatutulong sa pag-iwas sa
mga digmaan at hindi pagkakaunawaan,
at pagtatatag ng sistemang
pangkalakalan.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Hangad ng bawat barangay na


magkaroon ng tiyak na kapalitan ng mga
produkto tulad ng mga pagkain, damit, o
kasangkapan at tiyak na kaibigan at
kaalyado.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Ang mga datu sa iba’t ibang


barangay ay nakikipagkasundo
upang mapanatili ang pagkakaibigan
at mapayapang samahan.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Isinasagawa ang isang


seremonyang tinatawag na

sandugua
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Sa sanduguan, ang mga kalahok ay


naghihiwa nang kaunti sa kanilang
bisig at pinatutulo ang kanilang
dugo sa isang kopita ng alak.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

Ang pinaghalong alak at dugo ay


iniinom ng bawat kalahok at ito ay
sagisag ng kanilang pagkakaugnay
sa dugo.
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBANG BARANGAY

“Kumpederasyon”
ang taguri sa magkasanib na
barangay.
KAHALAGAHAN NG BATAS

Ano ang kahalagahan


ng batas sa pag-
uugnayan ng mga
Pilipino?
KAHALAGAHAN NG BATAS

Ang mga batas ang


nagtatakda ng mga
dapat at di-dapat gawin.
KAHALAGAHAN NG BATAS

Ang mga batas ang naging patnubay


ng mga tao sa pakikisalamuha sa
ibang tao sa barangay na kanyang
kinabibilangan at pati na rin sa
ibang barangay.
TANDAAN MO!

Ang mga batas sa barangay


ay nauuri sa dalawa – hindi
nakasulat at nakasulat.
TANDAAN MO!

May kaukulang parusa


ang bawat paglabag sa
batas.
TANDAAN MO!

Ang pagtupad sa batas ay


mahalaga sa maayos na pag-
uugnayan ng mga
mamamayan.
PANGKATANG GAWAIN

Kung ikaw ay isang datu sa isang barangay noong


unang panahon, alin sa mga sumusunod na batas ang
bibigyan mo ng pinakamalaking panahon para
maipatupad ito? Ipaliwanag kung bakit. Isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.
1. Paninilbihan sa datu
2. Pagmamay-ari ng lupa
3. Paggalang sa magulang at matatanda
PAGTATAYA

Isulat ang titik ng


tamang sagot sa
kuwaderno.
PAGTATAYA

1. Ang pagtiyak sa tao o mga taong


dapat bigyan ng parusa dahil sa
paglabag sa batas ng barangay ay
isinasagawa sa pamamagitan ng
paglilitis at ________.
PAGTATAYA

A. pagpapahula
B. pagsasagawa ng seremonya
C. pagsubok
D. paghahandong ng pilak at ginto
PAGTATAYA

2. Ang sanduguan ay isang


seremonyang sumasagisag
sa _________.
PAGTATAYA

A. pakikipagkalakalan
B. pakikipagkaibigan
C. kasaganaan
D. paglilitis ng isang kaso sa
barangay
PAGTATAYA

3. Napararating sa buong
barangay ang mga batas mula
sa datu sa pamamagitan ng
________.
PAGTATAYA

A. Lubluban
B. Agurang
C. Umalahokan
D. Raha
PAGTATAYA

4. Ang iniinom sa isang


sanduguan ay alak at
________ ng mga gumagawa
ng kasunduan.
PAGTATAYA

A. katas ng niyog
B. katas ng kalabaw
C. tubig
D. dugo
PAGTATAYA

5. Alin sa mga sumusunod


ang HINDI layunin ng
pakikipag-ugnayan ng mga
barangay?
PAGTATAYA

A. Pag-iwas sa digmaan
B. Pagpapalitan ng produkto
C. Pagpapalawak ng
nasasakupan
D. Pakikipagkaibigan
TAKDANG-ARALIN

Naintindihan mo ba nang mabuti ang aralin?


Kung ganun, isulat ang sagot sa bawat tanong
sa iyong kwaderno.
1. Ano ang pagkakaiba ng batas na di-
nasusulat sa batas na nasusulat?
TAKDANG-ARALIN

2. Ano-ano ang nasasaklawan ng


mga batas sa barangay?
3. Paano ginagawa ang paglilitis?
TAKDANG-ARALIN

4. Paano ginagawa ang isang


kasunduan?
5. Bakit mahalaga ang batas sa pag-
uugnayan ng mga tao sa barangay?
PAMAHALAANG
SULTANATO
IKALAWANG ARAW
BALIK-ARAL MUNA TAYO!

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang


tungkol sa pamahalaang barangay ng mga unang
Pilipino. Pagbalik-aralan mo ang iyong
natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong sa susunod na slide.
BALIK-ARAL MUNA TAYO!

1. Ang pinuno ng
sinaunang barangay ay
ang __________.
BALIK-ARAL MUNA TAYO!

2. Ang mga barangay noon ay


binubuo ng 30 hanggang
__________ na mag-anak.
BALIK-ARAL MUNA TAYO!

3. Ang namamahala sa mga


gawaing panrelihiyon ay ang
_________.
BALIK-ARAL MUNA TAYO!

4. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang


pinuno? Isang kasapi?
a. paggawa ng bahay
b. pagbabayad ng buwis
c. paggawa ng batas
d. pagbibigay ng hatol
e. pakikipagkasundo sa ibang datu
PAMAHALAANG SULTANATO

Ang “sultanato” ay isang


sistema ng pamamahala na
batay sa katuruan ng Islam.
PAMAHALAANG SULTANATO

Ang “sultan” ang


pinakamataas na
pinuno ng isang
pamahalaang
sultanato.
PAMAHALAANG SULTANATO

Si “Sharif ul-Hashim (Abu


Bakr)” ang nagtatag ng unang
sultanato sa Pilipinas,
partikular sa Sulu, at tumayo
ring sultan nito.
PAMAHALAANG SULTANATO

Itinatag naman ni “Sharif


Kabungsuan
(Kabungsuwan)” ang
sultanato sa Mindanao
taong 1478.
PAMAHALAANG SULTANATO

Taglay ng isang sultan ang sumusunod


na katangian:
 may angking kayamanan
 mataas na bilang ng mga tagasunod
PAMAHALAANG SULTANATO

 may mahalagang ambag kaugnay sa


pagpapahalaga ng lipunang Muslim
(halimbawa ng ambag na ito ay ang
pagpapakita ng katapangan at husay sa
pakikidigma)
PAMAHALAANG SULTANATO

Ang tarsila (salsila)


ang nagsasalaysay sa
pinagmulan ng lahi ng
mga sultan.
PAMAHALAANG SULTANATO

Mga tungkulin ng isang sultan:


 pananagutan ng isang sultan ang
kapakanan ng kaniyang mga
nasasakupan- sa panahon man ng
kapayapaan o ng digmaan
PAMAHALAANG SULTANATO

Mga tungkulin ng isang sultan:


 ang sultan ang siyang nagtatakda at
nagpapatupad ng mga batas sa isang
sultanato
PAMAHALAANG SULTANATO

 Katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas


ang “ruma bichara” na nagsisilbing tagapayo
na binubuo ng mga makapangyarihan at
mayayamang pinuno sa pamayananang
nasasakupan ng sultanato
PAMAHALAANG SULTANATO

Mga tungkulin ng isang sultan:


 ang sultan din ang nagsisilbing hukom
sa paglilitis sa mga paglabag sa batas
PAMAHALAANG SULTANATO

Mga tungkulin ng isang sultan:


 ang sultan din ang tumatayong
kinatawan ng kaniyang mga
nasasakupan sa ano mang pakikipag-
ugnayan ng sultanato
PAMAHALAANG SULTANATO

Mga tungkulin ng isang sultan:


 ang sultan din ang tagapagtanggol ng
kaniyang mga nasasakupan at
tagapagturo ng mga aral ng Islam
DAGDAG KAALAMAN!

“Shari’ah” ang kalipunan ng


mga kautusan sa pamahalaang
sultanato.
DAGDAG KAALAMAN!

“Adat” ang tawag sa mga


kinaugaliang batas sa
pamahalaang sultanato.
DAGDAG KAALAMAN!

Ang “kadi” ay isang tao na


nagpapaliwanag ng tunay na kahulugan
ng Koran at tinitiyak niya na hindi labag
sa aral ng Islam ang mga batas.
DAGDAG KAALAMAN!

Ang “pandita” ang


tumutulong sa sultan sa
pagpapalaganap ng Islam.
DAGDAG KAALAMAN!

Ang “ulama” ay iskolar ng


relihiyon at nagbibigay payo
sa sultan ukol sa relihiyon.
DAGDAG KAALAMAN!

Ang “panglima” ay mga pinunong


tagapaganap ng Sultan o tagapagpatupad ng
mga batas na pinagtibay na sa mga masjid o
distrito. Sila ang may kapangyarihang
maningil ng buwis.
THINK-PAIR-SHARE!

Ihambing ang pamahalaang sultanato


sa pamahalaang barangay sa
pamamagitan ng Venn diagram na
nasa susunod na slide.
THINK-PAIR-SHARE!
PAMAHALAANG PAMAHALAANG
BARANGAY SULTANATO
PAGTATAYA

Panuto: Kilalanin ang mga taguring


inilalarawan na may kaugnayan sa
sistema ng pamahalaan ng mga unang
Pilipino. Piliin ang iyong sagot sa loob
ng kahon na nasa susunod na slide.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

1. Ang tagapangasiwa
ng sultan sa mga
barangay.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

2. Binubuo ito ng
30-100 pamilya.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

3. Ang tagapagbalita
ng mga batas na
nagagawa ng konseho.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

4. Ang taguri sa
magkasanib na
barangay.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

5. Siya ang pinuno


ng sultanato.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

6. Kauna-unahang
sultan ng Sulu.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

7. Siya ang
lider ng
barangay.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

8. Ang
tagapayo ng
sultan.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

9. Ang taguri sa mga


mandirigma ng
barangay noon.
PAGTATAYA
PAGTATAYA

10. Ang tagapayo


ng datu.
PAGTATAYA
TAKDANG-ARALIN

Isulat ang sagot sa mga sumusunod


na tanong sa iyong kuwaderno.
1. Bilang mag-aaral, ikaw ba ay
nakikipag-ugnayan sa inyong
barangay? Paano mo isinasagawa
ang pakikipag-ugnayan?
TAKDANG-ARALIN

2. Kung ikaw ay isang pinuno,


paano mo ipapakita sa iyong mga
kasapi at sa ibang mga pinuno na
matapat ka sa iyong tungkulin?
TAKDANG-ARALIN

3. Sa iyong palagay, mas mabisa


ba ang pamamahala sa sultanato
kaysa sa inyong barangay sa
kasalukuyan? Bakit?

You might also like