You are on page 1of 9

TUBERCULOSIS

Luisito S. Naguit, M.D.


General Surgeon
Ano ang tuberculosis?
o Ang tuberculosis (TB) ay isang impeksyon na karaniwang
naapektuhan ang baga ngunit maaari ring maapektuhan ang
sikmura, bituka, kulani, utak at iba pang bahagi ng katawan.

o Ito ay sakit na dulot ng mikrobyong Mycobacterium tuberculosis.


Paano ito nakukuha?
• Maaaring mahawa ng TB kapag ang taong may TB ay umubo o
humatsing at ang mikrobyo ay naikalat sa hangin.

• Ang TB bacilli ay maaaring manatili sa hangin ng 6 oras kahit wala


na ang taong nagdadala nito.
Ano ang mga sintomas nito?

Matagal na ubo Plema na may Walang gana Lagnat at Pagpapawis sa Pagbabawas ng


dugo kumain panginginig gabi timbang
Paano Madiagnose
ang TB?
• CHEST X-RAY
• Maaaring paunang test upang
matukoy kung may TB ay
magpagawa ng x-ray ng dibdib at
baga.
• Maaaring makita sa x-ray kung
may peklat mula sa naunagng
impeksyon o may kasalukuyang
impeksyon.
Paano Madiagnose ang TB?
• SPUTUM SMEAR
• Magpapasa ng dalawang sample ng plema.
• Mas mainam na ang plemang ipapasa ay nakuha sa umaga at ang ikalawang
sample ay may isang oras na pagitan mula sa naunag sample.
• Titignan sa microscope kung may TB bacilli sa plemang ipinasa.
• Isang positibong resulta ay nangangahulugang positibo para sa TB.
Paano Madiagnose ang TB?
• SPUTUM CULTURE
• Kapag nag-positibo sa sputum smear ay magpapadala ulit ng sample ng plema
upang ito ay i-culture kung saan susubukang magpatubo ng mga TB bacilli sa
laboratoryo.
• Ito ang itinuturing na pang-kumpirma ng sakit na TB.
Paano Gamutin ang TB?
• Maaaring i-refer sa TB DOTS o Tutok
Gamutan upang matutukan ang paginom ng
gamot sa TB.
• Magbibigay ng iba’t ibang klase ng antibiotics
(karaniwan ay apat na klaseng gamot) na
kailangang inumin nang di bababa sa anim (6)
buwan.
Maraming Salamat!

You might also like