You are on page 1of 6

ANAPORA

at
KATAPORA
Pang-ugnay o
Kohesyong
ANAPORA
 Mga reperensya na kalimitan ay panghalip
na tumutukoy sa mga nabanggit na sa
unahan ng teksto o pangungusap.
Halimbawa:
Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang
kulturang Pranses sa Paris. Ito ang sentro
ng moda, pagluluto, sining, at arkitektura.
KATAPORA
 Mga reperensya na bumabanggit at
tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa
ng teksto o pangungusap.
Halimbawa:
Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig
din sila sa masasarap na pagkain at alak.
Masayahin at mahilig dumalo sa mga
kasayahan ang mga taga-France.
TANDAAN:
Ang Panghalip ay hindi
lamang ginagamit na
panghalili sa pangngalang
binanggit sa unahan ng
pangungusap. Ito’y maaaring
ipalit sa pangngalang nasa
hulihan din ng pangungusap.
ANAPORA ang tawag dito
kapag ito ay pamalit o
pagpapatungkol sa pangngalang
ginamit sa unahan at
KATAPORA naman kapag ito ay
pamalit o pagpapatungkol sa
pangngalang ginamit sa hulihan
nito.
Halimbawa:
1. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni
Mathilde dahil sa may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng
lubos na kaligayahan na maidudulot ng salapi.
2. Sa halip na matuwa, na siyang inaasahan ng
lalaki ay padabog na inihagis ni Mathilde ang
paanyaya.
3. Pagalit na pinagmasdan niya ang asawa at
sinabi ni Mathilde sa asawa na, “Ano ang
isasampay ko sa aking likod?”

You might also like