You are on page 1of 14

Iba't Ibang Pokus

ng Pandiwa
Filipino 9

Precious A. Pamintahon
Pokus ng Pandiwa
Pokus ang tawag sa relasyong pansementika ng
pandiwa o salitang kilos sa simuno/paksa ng
pangungusap.Naipapakita sa pamamagitan ng pokus ang
ugnayan ng paksa sa salitang kilos.

Mayroong iba't-ibang panlaping Ginagamit sa pagbuo ng


pandiwa. Sa tuwing nagbabago ang panlapi ng pandiwa,
nagbabago rin ang pokus ng salitang kilos sa pangungusap
ayon sa pandiwang ginamit.
IBA'T-IBANG POKUS NG
PANDIWA AT MGA
HALIMBAWA
•Pokus sa Tagaganap | Pokus sa Aktor

— Nasa aktor o tagaganap ang pokus ng pandiwa.


— May mga panlaping: -um- ,mag-/nag- , mang- / nang-
,maka- ,makapag- ,at kadalasan ay ma-.

Halimbawa:
• Nanghingi ng papel si Josh.
Pandiwa Tagaganap ng kilos
Aktor
• Pokus sa Tagatanggap
Pokus sa Benepaktibo

— Tumutukoy sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o


kilos na isinasaad ng pandiwa.

— Gumagamit ng panlaping: i- ,ipang- ,at ipag-


Halimbawa:

Inutusan ni Jade si Janice.


Pandiwa Tagatanggap ng kilos
Benepaktibo
•Pokus sa layon | Pokus sa Gol

— Nakapokus sa layon o paksa ang pandiwa.


— Matatawag na layon ang binibigyang-diin sa pangungusap.

— Ang mga panlaping ginagamit sa pokus na ito ay: i– ,in ,an/han,


ma at –ipa.

Halimbawa:
Inihanda ko ang gamot ni mama.
Pandiwa Layon o Gol
•Pokus sa Ganapan | Pokus sa Lakatib

— Ang pokus ng pandiwa ay nasa ganapan ng paksa.

— Gumagamit ang pandiwa ng mga panlaping:


–an/–han, at pang–.

Halimbawa:

Malapit lang ang Mall dito.


Pandiwa Ganapan
Lakatib
• Pokus sa Gamit | Pokus sa Instrumental

— Tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa


resulta ng kilos o pandiwa.

— Gumagamit ng panlaping ipang—.

Halimbawa:

Ipinanghiwa niya ng gulay ang bagong kutsilyo.


Pandiwa Gamit
Instrument
•Pokus sa Sanhi | Pokus sa Kosatib

— Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi o dahilan ng kilos.

—Ang mga panlaping gamit nito ay: i– ,ika– ,at kapag.

Halimbawa:

Umiyak ang bata dahil nadapa ito.


Pandiwa Sanhi
Kosatib
•Pokus sa Direksiyon

—Pinagtutuunan ng pandiwa ang Direksiyon o


tinutungo ng kilos.

—Gumagamit ng panlaping: –an/–han at


–in/–hin.
Halimbawa:
Pinuntahan ni Ben ang tindahan at bumili.
Pandiwa Direksiyon
—PAGSUSULIT—

I. Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa pangungusap.

1. Nakapokus ang pandiwa sa gumaganap.


2. Sa ginanapan ng kilos, nakapokus ang pandiwa.
3. Ang pandiwa ay nakapokus sa binibigyang-diin sa
pangungusap.
4.Nakapokus sa benepaktibo ang pandiwa.
5.Tinutukoy ang kadahilanan ng kilos sa pangungusap.
6. Ang paksa ay ang kagamitang ginagamit sa pagkilos
ng pandiwa.
7. Pinagtutuunan ng pandiwa ang tinutungo ng kilos.
II. Tukuyin kung sa anong pokus nabibilang ang
pangungusap.
1. Ikinadismaya ng kabataan ang mahinang internet koneksyon.
2. Ipinang-akit niya ang damo sa zebra.
3. Ipinagluto ng panadero ang bata.
4. Pinagmulan ng mga mitolohiya ang bansang Griyego.
5. Dalhin nyo nga kay Jose ang libro.
III. Gumawa ng limang
pangungusap gamit ang pokus ng
pandiwa.

You might also like