You are on page 1of 5

Ang Talata

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o


lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng
isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o
paksang-diwa.
Panimulang Talata
Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang
talata ng komposisyon. Layunin nito ang ilahad ang
paksa ng komposisyon.
Talatang Ganap
Matatagpuan ito sa kalakhang gitnang bahagi ng
komposisyon. Tungkulin nito ang idebelop ang
pangunahing paksa.
Talata ng Paglilipat-
diwa
Importante ito upang magkaroon ng ugnayan at
kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng
komposisyon. Ginagamit ang talatang ito upang pag-
ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata.
Talatang Pabuod
Kadalasan, ito ang pangwakas na talata o mga talata
ng komposisyon. Inilagay rito ang mahahalagang
kaisipan o pahayag na tinalakay sa gitna ng
komposisyon.

You might also like