You are on page 1of 3

Ang Matalinong Mamimili

ARALIN 5 : PAGKONSUMO
EKONOMIKS 9
ARALING PANLIPUNAN
Ang Matalinong Mamimili
Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at gumamit ng 
mga produkto at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan. Sa pagbili ng mga
produkto 
at serbisyo, ano-ano ang isinasaalang-alang mo? Bumibili ka ba ng produkto
dahil mayroon nito ang iyong kaklase? O bumibili ka dahil ang produkto ay
sale kahit hindi mo naman kailangan? Binibigyan mo ba ng pansin ang
kapakinabangan at kasiyahang nakakamit mo sa pagbili ng mga produkto at
serbisyo? Anuman ang iyong dahilan sa 
pagbili ng mga produkto o serbisyo, kailangan mong isaalang-alang ang value
for money. Basahin mo ang teksto upang magkaroon ka ng gabay at sapat na
kaalaman 
upang maging matalino sa pamimili.
Mga Pamantayan sa Pamimili
Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig
sabihin nito ay nasusulit natin ang bawat sentimong ating
ginagastos para sa bawat produkto. Ang sumusunod ay ilan
sa mga pamantayan sa pamimili:
1. Mapanuri 
Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap,
presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may
pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t
isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili
ang 

You might also like