You are on page 1of 4

Ang Kahalagahan ng Panlapi

Aralin 17
• Ang wikang Filipino ay may maraming panlapi.
• Itinuturing itong moog ng isang wika tulad ng
Filipino.
• Binubuo ng pitong anyo ang paglalapi sa
Filipino: unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan,
laguhan, pag-uunlapi + paggigitlapi at
paggigitlapi
+ paghuhulapi.
• Ang mga panlaping ito ay may papel na pansikolohiya.
• Magkakaroon ng pagbabago sa kahulugan ang mga salita dahil sa
panlapi.
• Halimbawa, ang salitang “usap” kapag nilagyan ng unlaping “paki-“ ay
naging “pakiusap.”
• Ang unlaping “paki-“ ay ginagamit bilang isang paghiling na kung
maaari ang sinasabi ng salitang-ugat ay gawin o isagawa ng taong
kinakausap. Bagamat ang salitang “usap” ay tumutukoy sa
“conversation” o “pagtalakay” kapag naging pakiusap may makataong
damdaming pumapasok.
• Nagiging “request”. Tulad din ng salitang “dala” . “Yung dala, “carry”
lang iyon.
• Pero kung “pakidala” ubod ng hirap iwanan no'n. Mas maiiwanan mo
pa ang talagang dala mo kaysa iyong pakidala sa iyo. Dahil sa ito'y
hinihingi ng kulturang Pilipino.
 
• Masasabi ring higit na maligoy ang Filipino sa
pagpapahayag kung damdamin ang kasangkot sa
usapan.
• Ito'y bunga ng pag-iwas ng makasakit ng damdamin.
• Kaya nga, may mga implikasyong sikolohikal maging
ang pagpili sa panlaping “I” sa halip na “um” tulad sa
salitang “kumausap” at “kinausap”. Tunay may
malaking papel na ginagampanan ang mga panlapi
sa pagbubuo ng mga terminolohiya at pag-unawa sa
mga konsepto sa Sikolohiyang Pilipino.
• Ka-, pala-

You might also like